Chapter 9

628 39 3
                                    

Nadine's POV'

*knock* *knock*

Napatayo ako nung may kumatok. Tanghali na rin pero di pa ako nakakain. Nakatulog kasi ako after sa incident kanina. Palagi nalang akong natutulog haysss.

Pagbukas ko sa pinto agad bumungad ang walang-hiyang lalaking nagngangalang Bangky.

Agad ko itong sinara at nilock at bumalik sa pagkakahiga sa kama.

Hay, buti naman tumigil rin.

Pipikit na naman sana ako nang biglang may kumatok ulit.

Di ko ito pinansin nung una at tinakluban ng unan ang tenga ko pero di ito tumigil sa pagkatok.

Inabot siya ng more than 10 mins. bago ko ito binuksan.

"What do you need" taas kilay kong sabi.

"Peace offering" sabi nito sabay taas ng bit-bit niyang pagkain.

"Lunch na kaya ako na bumili sayo ng food"

Ngumiti ako ng napakatamis-tamis.

Tsaka iniba ang expression ng mukha at simugaw.

"I'm not hungry so I don't need that, isaksak mo yan kokote mo!" at padabog kong isinara ang pinto.

Babalik na sana ako sa kama ko para humiga nang,

.
.
.
.
.
.
.
.
.

*gruuuh* reklamo ng mahiwaga kong tiyan.

Hayst. Bakit ba sa dinami-raming tunog na pwede. Bakit yun tunog pang nagugutom pwede namang umutot na lang di ba?

Tama nga sila. Ang mga pilipino ay di nakakatiis at hahanap-hanapin ang mahiwagang pagkain. Well, proud ako niyan. Atleast naman kahit andami kong kinakain sa isang araw, di naman ako tumataba.^_^.

*gruuuh*

Pano ba to? Gutom na talaga ang alaga ko sa tiyan eh.

Pumunta ako sa mini refregerator ng room.

Pagbukas ko,
*_*..

Bakit puro chocolates?... Wala bang fruits o kung ano?.

No choice kailangan kong lumabas. 15 mins. naman na ang nakalipas siguro wala na yun.

All I need to do is.. diretso sa elevator papuntang ibaba.

Inopen ko na ang pintuan.
Una kong linabas ulo ko.

Look to your left and then look to your right.

Wala naman siya.

Tuluyan na ako lumabas.

"Araaay!!"

Wait lang, bakit parang kakaiba ang sahig ngayon, parang may something.

Napatingin ako sa ibaba.

Shoot!, may naapakan ako.. si Bangky.

"Sorry, sorry. Di ko sinasadya..." patuloy lang ako sa paghingi ng paumanhin nang may marealize ako.

Back to taray mood.

"Wait nga lang!, wala naman akong dapat i-sorry ah. Atsaka di ko naman kasalan diyan ka humiga sa sahig at nakapwesto ang kamay mo sa gitna ng labasan ng kwarto ko." Pagtataray ko. -_-

"Ito pala ang lunch mo" he tried his very sweet smile.

Well, di ako nadadala diyan.

"Excuse me. Mas kakainin ko pa ang pagkaing nasa basurahan kaysa kainin yang galing sayo baka mamaya may la---" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa badtrip kong tiyan, tumunog na naman -_-

Jadine and Kathniel Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon