Chapter 17

447 26 11
                                    

Daniel's POV'
[Before ang araw na nagkita si Julia M. at Kathryn]
Papunta akong bar ngayon, gabi na at nakasanayan narin na lagi akong pumupunta sa bar.

Hindi ko na tinuloy ang plano kong maging playboy, ewan ko parang may pumapasok sa utak ko na pag-gagawin ko yun taksil na ako. Alam kong hindi kay Nadine kasi break naman na kami at siyempre, wala naman akong bagong girlfriend pero hindi ko alam kung bakit sinasabi ng utak ko na pagtataksil yun, oh di kaya, di tama na gagawin ko yun.
Buhay nga naman oh. Nalilito na ako, sino ba kasi pagtataksilan ko eh, wala naman.

Napasok ko na ang Bar, hindi naman ako umiinom, nakahiligan ko na rin kasi ang kaingayan dito. Nakikinig lang ako sa mga tugtog, minsan nakikipag-usap sa taong kaka-usapin ako.

"Hi! You're alone?" sabay upo sa tabi ko. Kita naman niya sigurong wala akong kasama tsaka bakit baliktad ang sitwasyon. Di ba dapat ang lalaki ang magtatanong niyan sa babae.

"I'm Julia, you are?"

"Daniel"

"Ang cute ng name mo"
Marami pa siyang sinasabi, halos sinasabi niya na nga sakin ang talambuhay niya, ang daldal.

Ako naman, tango lang ng tango.

Nung tinamaan na ako ng antok, nagpa-alam na ako.

Kinabukasan, tanghali na akong nagising. Kasi naman 1 am na nung naka-uwi ako. Hindi naman ako uminom ng alak, nakipagkwentuhan lang dun sa madaldal na babae.

Bumangon na ako at ginawa ang morning rituals KO SANA.

Kumain narin ako mag isa sa lamesa.

Ang boring naman, puntahan ko kaya si Kathryn sa bahay nila? Ay, wag na, maglalaro nalang muna ako ng basketball sa basketball court sa kabilang kanto.

---
[Diego: Daniel napatawag ka?]

[Daniel: Tawagan mo ang barkada natin, maglaro tayong basketball]

[Diego: Pero may ginagawa pa ako ngayon e--]

[Daniel: Basta maglalaro tayo ng basketball sa ayaw at sa gusto mo]

[Diego: Heto na po.

"Quinn sabihan mo daw ang ibang kabarkada na magbabasketball tayo"] rinig ko pang sigaw niya

[Daniel: Nasan ka ba ngayon?]

[Diego: Nasa Café na pag-aari ni Quinn]

[Daniel: O sige, bawal ang late. May punishment kayo sakin pag-late]

Di ko na siya pinasagot pa kasi for sure, magrereklamo lang yun.
---

Umalis na ako ng bahay, wala naman si Mama.

Naglakad lang ako at pagdating ko nga don, ayun nandoon sa si Enrique o Quinn at si Diego, halatang hingal na hingal.

"O nasaan ang iba" tanong ko

"Tatawagan pa namin." si Quinn ang sumagot.

"Tawagan niyo na sabihin mo pag di pa sila nakakapunta dito within 5 mins. may punishment sila"

Tinawagan na nila isa-isa.

Nagsidatingan naman sila Ej, Khalil at Inigo. Hingal na hingal din sila katulad sa dalawa kanina.

"Kayong tatlo 30 push-ups" sabi ko

"Umabot naman kami ah" reklamo nila ulit

"13 seconds late. 40 push ups" sabi at may patingin-tingin pa daw sa relo kahit di naman talaga sila late. Pagtripan ko lang ang mga to.

Jadine and Kathniel Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon