Chapter 22 -Part 1

320 20 1
                                    

Yassi's POV'

Konting-konti nalang at nahihilo na ako.

"Hoy, problema mo?" tanong ko na nung di ko na napigilan. Kanina pa siya paikot-ikot eh, pagkagising ko ganyan na yan

"Yassi..."

"What!?"

Ito talagang babaeng to, nahihilo na nga ako bibitinin pa. Di ko na kayang mag-isip no.

"Si Bangky kasi... Kung pwede ba daw makitulog, e sinabi kong oo kasi nakaka-awa lang kasi... Pwede ba siya dito?"

Yun lang naman pala eh. Grabe! Tsk. Laki ng problema niya. Hays grabe.

Maluwag na siguro turnilyo nito sa utak at pinalaki pa ang problema e. Sana naman kanina niya pa ako tinanong non diba?

"Swerte ka wala si Dad this week kaya okay lang naman sakin. Pero as soon as possible dapat makahanap na siya ng malilipatan or else malilintikan ako kay Dad kapag may ibang lalaki dito sa bahay"

"Salamat Yass. Pero grabe ah. Nagmo-monologue ka pa diyan eh oo o hindi lang naman ang sagot sa tanong ko"

Ilang minuto ring lumipas ng may naalala ako.

"Sino pala yang sinasabi mong Bangky? Hehe"

Napakamot naman siya ng ulo niya.

Kasalanan ko bang sa hinaba-haba ng speech ko ay umagree agad ako ng hindi ko man lang kilala yun.

"Bangky. Siya yung lalaking nasa room ko noon"

Yung medyo matcho? Ah yun ba. Edi okay na okay. Mas mabuti ngang nandito yun baka sakaling gumwapo ang mga lalaki dito sa bahay nato pero wala naman lalaki dito.

"Kailan pala siya dadating?"
"Ewan" agad na sagot niya.

*ding-dong* *ding-dong*

Speaking of.

Pareho kaming napatingin ni Nadine sa pintuan ng kwarto ko.

Pero guyz, hindi sa pintuan ng kwarto ko may nag doorbell ha? Grabe naman yata kung ang kwarto mo may door bell no. Syempre sa labas yun galing. Nag tinginan lang kami dahil kung sino ang mag bubukas pero dahil bisita yun ni Nadine e siya na ang lumabas para buksan.

Ilang segundo din ay sumunod ako.

"Oh, Bangky, ang haggard mo yata?"

Nasa likod lang ako ni Nadine kaya rinig ko ang tanong niya. Napa-sulyap nalang ako sa lalaki. Ang epic ng itsura ah. Mukhang dumaan pa yata sa pitong kabundukan bago makarating dito.

"I just met people along the way" mahinahong sagot nito

"Siyempre naman Bangky, may makakatagpo ka talagang tao. Ang dami kayang tao sa Pilipinas."

Minsan pala may pagka-slow to si Nadz eh.

Liza's POV'

"What's your plan? Mukhang nagkakabaliktad-baliktad na yata ang mundo" Julia asked

I don't think worthy ang pagsunod namin sa dalawang lovebirds ngayon. Edi sino pa edi si Kath at Daniel.

I never thought, babaliktad ang tadhana. Mukhang mas mapapa-easy kami Julia nito sa pagsira ng mga relasyon ah. Mukhang ito na talaga ang tamang landasin ng tadhana.

Magready lang kayo Nadine and Kathryn, dadating din ang araw niyo.
Sisiguraduhin kong masisira ang lahat ng meron kayo.

Jadine and Kathniel Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon