Julia's POV'
12 narin ng gabi kaya nagpasya na kami na matulog na. Ako, si Yassi, si Nadine, at si Kath, doon kami matutulog sa kwarto ni Kath malaki naman yung kama niya kaya kasya kaming apat. At dahil may isang lalaki, si James, siya na din ang nag-volunteer sa sarili niya na sa sala nalang siya matutulog.
Nagpa-alam lang muna ako kay Kath na pupunta lang ako sa kusina kasi iinom ako ng tubig.
Paglabas ko palang, napadaan ako sa salas kaya kitang-kita ko si James na nakahiga sa sofa, ang lalim ng iniisip.Umupo agad ako sa harap ng upuan ng hinihigaan niyang sofa.
"Lalim ng iniisip natin ah"
Pagka-sabi ko nun, bumangon siya at ngayon ay naka-upo nalang."May past ba kayo ni Kath?" tanong ko nalang, iba kasi kanina eh, parang kilalang-kilala na nila ang isa't isa. Si Kath ang pinaka-close ko sa tatlo kaya alam na alam ko lahat ng mga galaw niya.
Akala ko di siya sasagot, kasi ilang minuto nang nakalipas ng tanungin ko siya pero bigla siyang nagsalita.
Nadine's POV'
Bigla akong inuhaw kaya bumangon muna ako para pumunta sa kusina. Sina Yassi at Kath, nakatulog na.
Dumiretso ako ng kusina pero nakita ko si Juls at Bangky na seryosong nag-uusap. Kaya umubo ako para malaman ilang dadaan ako, baka private kasi pinag-uusapan nila, di ko naman gawain ang pagiging chismosa.Napalingon sila sakin.
Ito naming si Julia, ginaya pa ako, naguubo-ubuhan din saka ngumiti ng nakaka-asar sakin. Una tiningnan niya si Bangky saka sakin. Palipat-lipat.Di ko nalang siya inintindi at dumiretso nalang sa kusina at uminom. Pagbalik ko sa kwarto ni Kath, nandon na si Juls.
"Anong tingin yan?" tanong ko pagkapasok ko.
Kinikilabutan naman ako sa babaeng to, may pataas-taas pa ng kilay."Wala" sabi niya pero nakangiti parin.
Okay, ako nang walang alam sa pinag-uusapan nila. Haysst.Makatulog na nga...
*****
Pagkagising ko kina-umagahan, ako nalang ang naiwan sa kama. Ganon naba ako katagal gumising o sila lang talaga ang maagang gumising? Hmmpt.
7 am pa naman ah?
Bumangon nalang ako kahit hinihila pa ako ng kama pabalik.
Pagdating ko ka kusina, nandon na silang lahat, kumakain. Di man lang ako ginising.Napatingin ako kay Julia, sabi ko na nga bang mali ang pagtingin ko sa kanya. Ito na naman po siya sa ngiti niyang nakaka-asar.
Napatingin ako sa bakanteng upuan, sa tabi ni Bangky, ganito kasi ang formation nila.
Julia...Kathryn...(Wala)...Bangky...Yassi
May kakaiba akong feeling sa dalawang to eh. Bakit di nalang sila magtabi. Ang awkward tuloy.
Umupo nalang ako sa gitna ni Kath at Bangky.
*knock*knock*
Biglang tumayo si Kath para buksan ang kumatok.
Matagal-tagal din bago bumalik si Kath.
"Sino yun?" tanong ni Yassi
Tumingin muna si Kath sakin saka nagsalita."Si Daniel, may pupuntahan kasi kami ngayon"
Bigla akong kinabahan baka kasi pareho dati, bigla nalang nagalit si Kath sakin.Pero nawala naman yun kaba ko nung ngumiti si Kath sakin pero mas inaalala ko ngayon si Bangky. Di kaya siya nasasaktan na magkakasama si Daniel at yung ex niya?
"Auring maybe I need to go, maghahanap pa ako ng apartment na tutuluyan ko eh" paalam ni Bangky sakin, nagpa-alam na din siya sa iba.
Si Kath din, maya-maya nagpa-alam din kasi may lakad nga sila ni Daniel. Okay lang naman sakin yun, tutal break na kami ni Daniel so ano pang-aartehin ko di ba? Eh wala naman.
Tsaka naka-move on na ako. Kahit ako yun nang-iwan ako pa ang may ganang gumamit ng word na move-on. Haha
Kami nalang ni Julia at Yassi ang na-iwan kaya biglang nagsalita si Yassi na ngayon ay naghuhugas ng pinggan. Kahit naman na maarte si Yassi, may alam din naman siya sa mga ganyang bagay.
Ano pang silbi ng pagiging kaibigan namin ni Yassi kung di naming siya tuturuan di ba? Hehe"Ang bigat sa pakiramdam kanina no? Naramdaman niyo ba?"
"Oo nga eh, kaw ba naman, ang mga magsyota noon nagsama sama" comment ni Julia
Napatingin ako sa kanya. Alam na niya lahat?
"Grabe ka naman makatingin Nadz" sabi ni Julia
Tinitigan ko lang siya.
"Okey, sinabi ni James sakin kagabi na ex niya si Kath at yung sayo? Alam ko na yun, nung dumalaw palang si Daniel dito noon" sabi niya.
Yan gusto ko sa kanila eh. Titig palang alam na nila ang ibig sabihin.
Tumango lang ako sa kanya.So, about pala don ang pinag-usapan nila kagabi.
"Waah!, so ako nalang pala ang wala kaalam-alam dito?" sabi ni Yassi sabay tabi kay Julia, tapos na pala siyag maghugas ng pinggan.
"Ikwe-kwento ko nalang sayo mamaya" sabi ni Julia kay Yassi.
"So sino na?" biglang tanong ni Julia sakin
"Anong sino?"
"Sino sa dalawa?" taas kilay na tanong ni Juls
"Huh?"
"Hayst. Ganyan na ba ang pag-ibig ngayon? Bumabagal na ang process sa utak? What I mean is sino na yung gusto mo sa dalawa?"
"Ewan"
"Alam mo? Mas bet ko na si James para sayo"
"Ako din, bagay kayo" pagsang-ayon ni Yassi
"Yassi, kumusta na kayo sa poging driver mo" pang-iiba ko ng topic.
Aba nam-blush ang loka. Haha, nakakatuwa.
*Blag*
Pareho kaming tatlong napatingin sa kwarto ni Kath dahil don nanggaling ang ingay. Wait, kami lang naman na-iwan dito ah. Sino yun? O ano yun?
BINABASA MO ANG
Jadine and Kathniel Twisted Love Story
عشوائيFrom Nadine and Daniel Kathryn and James Kung saan buong akala mo ay kayo na talaga para sa isa't isa hanggang sa huli Pero Nagtwist ang tadhana Naging Nadine and James Kathryn and Daniel Paano kung pagkatapos magtwist, ay magiging okay na sana laha...