Chapter 28

33 2 0
                                    

Nadine's POV'

Pilit kong inalis sa isip ko ang narinig ko sa Book Store.
Nagsimula na din kasi ang pagdududa ko.

Kay Yassi, parang nawala lahat ng tiwala ko sa kanya at hindi ko talaga alam kung ano ang nagawa ko.
Wala naman kaming problema, wala nga ba?

Halos ilang oras akong lutang sa kakaisip ng biglang maalala ko ang nangyari bago kami umalis ni James kaninang umaga para maghanap ng condo ni James na tutuluyan.

Ian Delgado.

[Flashback]
Mga 3 narin ng umaga nang makaramdam ako ng gutom, feeling ko nga walang laman ang tyan ko kaya lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina nina Yassi.

Nagtimpla nalang ako ng kape para magising naman ang diwa ko.

"Bakit ba ang pakialamero mo?" narinig kong sigaw na bulong ni Yassi.
Lalabas sana ako ng kusina para puntahan siya nang may sumagot sakanya.
"Hindi naman ako nagiging pakialamero kung walang ginagawang masama ang pinakikialaman ko diba?" narinig kong sabi ng isang lalaki.  At alam kong kay Ian ang boses na yun.
"No! I'm not the one who's wrong here.  Siya, siya ang sisihin mo!" sumigaw si Yassi buti di naman sobrang lakas para marinig ng lahat.
Ano bang pinaguusapan nila? Ugh! Di ako makarelate.

Wala naman ako sa lugar para makialam ako kaya kahit di ako chismosa, pilit akong nakikinig hanggang sa wala na akong marinig.
Ang huli ko lang narinig ay,

"Ian, swear, di ko ginusto to"
[End of Flashback]

Yung driver ni Yassi...

Alam kong alam niya.

Pero san nga ba yun nakatira? Geez.

"James, we need to find him" agad na sabi ko kay James. Kita ko naman sa mukha niya ang pagkalito.

"Ian Delgado"

Napansin kong napangiti ng konti si Bangky.

"Anong ningingiti-ngiti mo dyan?"

"You called me James" sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko.

"Wala tayo sa normal na sitwasyon ngayon Bangky, may malaki pa akong problemang haharapin at idadamay kita sa problema kong yun" sabay ngiti ko.

"What ever  but I know where he is"

"Si Ian?" tumango lang siya

"Tara puntahan natin siya, I badly need to talk to him at kung pwede ngayon na"

"Let's just do it tommorow, we have to travel and it's almost night"

Tumango nalang ako.

***
Maaga kaming pumunta kung saan si Ian ngayon, maaga kaming umalis di na rin nagpaalam kay Yassi kasi tiyak na kapag malalaman niyang pupuntahan namin si Ian, hindi yun papayag.

Nasa isang taxi kami ni Bangky nang mapansin kong ang lalim ng iniisip niya.

"Uy, okay ka lang?"

"Auring, do you think Kath's really one of those people behind this?"

"Ewan. Hindi pero base sa narinig ko, oo"

"We've been together for years before but I didn't know she can do this. Do you really saw her yesterday?"

So, kinakampihan niya si Kath? Wala naman akong karapatang kumontra sa sinasabi niya kaya di nalang ako sumagot pero siguradong-sigurado akong si Kath yun.

Bakit parang ayaw niya atang maniwala sakin?
Natural, mas matagal silang nagkasama kaya kilala na nila ang isa't isa. Haynaku Nadz. Boba mo.

"Pwede naman siguro nating kausapin si Kath o di kaya tanungin" sabi niya at biglang tumahimik ang loob ng taxi.

"Kailan mo siya gustong makita? ....para kausapin" hindi ko alam basta lumabas lang siya sa bibig ko.

"Ahh ano, uunahin nalang natin yung Ian"

"Hindi, pwede namang ngayon nalang eh malapit pa naman tayo sa bahay nila"

"Yung lalaki nalang"

"Okay, sabi mo eh. Si Ian naman pala ang uunahin, ininsert pa ang pangalan ng Kathryn na yun, bwiset" bulong ko. Nagiinit na talaga ulo ko dahil sa katrayduran ng Kathryn na yon.
Ayoko na talagang marinig ang pangalan niya, ang sama niya, ano bang atraso ko sa kanya? Sa kanila?

So, sana pala di na ako umuwi dito sa Pilipinas? O baka paraan lang yun ni Yassi para magawa nila ang plano nila? Ang tanga ko!

"Auring, let's go" sabi ni Bangky at binuksan ang pintuan ng taxi para lumabas kaming dalawa. Di ko namalayang huminto na pala ang sinasakyan namin.

Binayaran naman niya si Manong.
Kailangan naming lumipat ng bus para papuntang Quezon.

Nasa pinakalikod kami ni Bangky umupo dahil halos puno na ang bus at ang likod nalang ang may vacant seat. Ayoko pa namang nasa pinakalikod kasi nawawalan ako ng energy.

"Auring, I'm sorry.." biglang imik ni Bangky.
"Huh? Para san?"
"Wala, I just thought you're mad"

Weird. Di naman ako galit sa kanya, naiinis ako sa Kath na yun.

"Patulog ah?" paalam ko nalang at nilagay ang ulo ko sa balikat niya.

Siguro matatagal pa ang iglip ko nito and I really hope paggising ko, masasagot na ang katanungan ko.

Daniel's POV'

"Kath di mo naman kailangang gawin yun eh" sabi ko pagkaharap ko sa kanya na ang lalim ng iniisip.

"Uy" sabay kalabit ko sa kanya kasi hanggang ngayon ay di pa rin siya nagsasalita.

"Kath, si Tita andyan, kakausapin ka raw niya" sabi ko na naman nang pumasok si Tita na kararating lang kaninang madaling araw.

Alam kong napapansin din ni Tita ang kakaibang inaasta ni Kathryn ngayon, parang namatayan ng aso. We just found out si Julia B ang may pakana ng lahat.  It was just days ago but after we found out, may nabuong plano sa isip ni Kath against Nadine. Ewan ko kung bakit nagkaganon kaya nagalala ako ng sobra. Alam kong mapapahamak silang dalawa dito and di ko hahayaang mangyari yun.

Hindi ako naniniwalang nag-iba si Kath. Oo may plano siyang masama sa bestfriend niya pero alam kong hindi niya gusto ang gingawa niya, di niya lang alam.

Tinatanong ko siya kung bakit siya gagawa ng kung ano kay Nadz ang sasabihin niya lang naman eh kasi epal si Nadine sa buhay niya.

"Iho, pwede bang dun ka muna sa labas? Kakausapin ko lang siya ng pribado"

"Sige po"

"Salamat"

Kagaya ng sinabi ni tita, lumabas ako at doon nalang muna sa sala nila Kath pero biglang may kumatok sa pintuan nila Kath.

It was her. Ang totoong may pakana ng lahat ng ito. Julia B. Ano ba ang pinaplano mong mangyari sa kanilang apat?

----------------
Author's Note
Alam kong sobrang tagal na nung last akong nag-update. I'm really sorry.
Alam ko ring most of you have already stopped reading it kasi di na ako nakakapag-update. Sorry talaga as in sorry : (

I've decided to continue it and I'm hoping na sana, may magbabasa pa.

Salamat. I will update another chapter soon. Love you guys <3

Jadine and Kathniel Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon