Someone's POV'
"Ano? Tapos na ba ang plano?" Tanong ko kay JB."F*ck! Ilang taon ko nang ginagawa to! Sa tingin mo, hindi pa ba?" Sigaw nito.
Kung pwede ko lang siyang suntukin sa pagmamaldita niya, ginawa ko na. Pero ano nga bang magagawa ko? Kundi sundin lang nang sundin ang kademonyuhan niya.
Wala naman akong ibang magawa dahil si JB ang lider namin.
Tsaka hindi lang si JB ang may galit nina Kath at Nadine.I hate them too.
They are both sh**, hindi pwedeng maging masaya silang dalawa!"Ssi!" Napalingon ako ng may tumawag sa akin.
Nadine's POV'
Kinabukasan, madaling araw na nung bumalik si Yassi sa bahay. At kinabukasan din, naging wierd si Bangky kasi palaging sunod ng sunod kung saan man ako magpunta.
Nasa grocery store ako at dahil nandito si Bangky, aba't siya na ang pinadala ko. May balak pa man din akong gumala.
Malaki naman ang katawan ng lalaking to kaya kakayanin naman siguro niya kung matatagalan pa kaming umuwi.
"Hoy! Saan mo planong pumunta?" Agad na tanong nito nang naglakad ako palayo.
"Sa Mall"
"What?!" Sigaw na patanong nito. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Tumitingin siya sakin sabay sa dala niya eh. Haha.
"Kaya mo na yang bitbitin"
Napakamot nalang siya sa batok niya.
Pumasok na kami sa Mall at dumiretso ako sa Book Store.
Wala naman talaga akong planong bumili ng libro. Parang may humihila lang talaga sakin na pumasok dito.
Ilang minuto din ang tinagal namin dito nang mabored ako kaya napagdesisyunan ko ding umalis.
Papaalis na sana ako ng may narinig akong naguusap na nabanggit ang panggalan ko.
Kaya lumapit ako doon sa may bandang sulok ng Book Store at nagtago sa isang bookshelf.
"Make sure na bukas na bukas din ng gabi sisimulan mo na ang plano bago pa tayo maunahan ng plano ni JB" sabi nung narinig ko. Parang naging statwa ako ng tuluyan kong nakilala ang boses niya.
Kath...
"Opo boss, bakit hindi po natin gawin ang plano ngayon din?" Sagot nung utasan niya.
"Demonyo man ako pero paghingahin muna natin yang Nadine na yan" Sinilip ko sila para siguraduhing si Kath ba talaga siya. Tama nga... Kathryn ang sama-sama mo.
"Boss, paano po eh nandiyan yung boyfriend niyang nakabantay sakanya palagi"
"Boyfriend? Bakit naging sila na ba? Hahaha" sabi niya at humalakhak ng pandemonyo.
"Kung maaari patayin mo narin lahat ng nakapaligid sa kanya except kay Yassi, kakampi natin yun eh"
Parang nagningning ang tenga ko sa narinig.
---- except kay Yassi, kakampi natin yun eh
---- except kay Yassi, kakampi natin yun eh
---- except kay Yassi, kakampi natin yun eh
Kath and Yassi. Wow lang.
James' POV'
Agad akong napabalik sa Book Store nang mapansin kong hindi ko na kasabay si Auring.Bago pa ako makapasok sa Book Store. Nakita ko si Auring na tumatakbo at nakita ko namin si Kath na sa loob na paalis na rin.
Pagkakita ni Auring sa akin, hinila niya agad ako palayo.
"Nagkita kayo ni Kath?" I asked.
Takbo parin siya ng takbo na may pinagtataguan habang ako nakasunod.
Huminto lang kami nung nasa Jolibee na kami.
"Kain nalang muna tayo tapos may sasabihin ako" hinihingal niyang sabi.
Ako nalang din ang nagvolunteer para umorder.
Nakita ko naman siyang nandon sa bakanteng table at upuan.
Kaya habang naghihintay kami sa order namin, parang ang lalim ng iniisip niya.
"You okay? Ano pala ang sasabihin mo?"
"I think we should not trust anyone" simula niya.
"Huwag ka magpapadala sa mga taong nasa paligid natin" patuloy niya.
"Kahit sa mga bestfriends mo?" I asked.
Tumango siya.
***
Pag-uwi namin, sinalubong kami ni Yassi.She looks so worried.
Paano ba eh madaling araw na siyang umuwi kanina at paggising niya wala kami ni Auring at ngayon gabi na kami nakauwi.
"Saan ba kayo nanggaling? Akala ko kung ano na ang nangyari sa inyo"
Auring just flashed her weak smile.
Kinwento na rin niya sakin lahat kanina sa Jolibee.Hindi ko pa rin lubos maisip na magagawa yun ng mga kaibigan niya lalong-lalo na sa kaibigan niyang nasa harap namin ngayon.
Yassi.
Pero kaya ko bang walang gagawin?
Siguro ang magagawa ko lang ngayon ay ang protektahan siya.
"Yassi nasaan nga pala yung driver mong si Ian?" Tanong ni Auring.
"Pinauwi ko muna sa probinsya para magbakasyon muna" sagot ni Yassi.
"Ang sabihin mo pinaalis mo para walang makakaalam sa plano mo" bulong ni Auring sarili niya at dahil malapit lang ako. Narinig ko pa rin.
"Ano?" Tanong ni Yassi kasi hindi niya narinig ang bulong ni Auring.
"Ang sabi ko sayang, may itatanong pa naman sana ako"
Pagkatapos, nagpaalam na rin si Auring na magpahinga nalang muna siya.
At heto naman ako. Umalis sa bahay.
Because I really need to do something.
Kahit kamatayan man ang kapalit.
Maprotektahan ko lang ang taong mahalaga sakin.
BINABASA MO ANG
Jadine and Kathniel Twisted Love Story
DiversosFrom Nadine and Daniel Kathryn and James Kung saan buong akala mo ay kayo na talaga para sa isa't isa hanggang sa huli Pero Nagtwist ang tadhana Naging Nadine and James Kathryn and Daniel Paano kung pagkatapos magtwist, ay magiging okay na sana laha...