Chapter 23

298 20 0
                                    

Kathryn's POV'

James...

Halata sa mga mata ko ang gulat pero inexpect ko na magugulat din siya but, he did the opposite. Nakangiti siya at halatang mapait yun.
Biglang tumibok ang puso ko sa kaba, lungkot at ewan basta halo-halo.

"Oh my gosh!" Napatigil kami sa pagtitigan ni James nang sumigaw si Nadine.
Tumingin kami kay Nadine pati narin si Yassi tinitigan na rin si Nadine.

"Oh my gosh... my god.." hindi pa rin tumigil si Nadz habang nakatingin sa aming dalawa ni James. Alam kaya niya na may past kami? Hindi naman siguro kasi kung alam niya edi sana di niya sinama si James dito.

Tumahimik si Nadine pero nakatingin pa rin sa direksyon namin ni James.

"Hoy, anong nangyari sayo" tanong ni Yassi

"Nako Bangky! Nakalimutan ko! Siya pala yung sinasabi mo sakin na ex... Ooops." Napatigil nalang si Nadine sa pinagsasabi niya. Habang ako naman ay napa-face palm dahil sa katangahan niya.

Pero di pa rin naman mawala ang lungkot ko at naisip ko rin, mabilis ba talaga akong kalimutan?
Pero parang mas gumaan din ang pakiramdam ko, mas mabuti na rin to para walang masaktan samin. Siguro nakamove on na rin siya. I'm happy for him.

Napatingin kami kay Nadine nang tumunog ang cellphone niya.

"Sino yan?" tanong ni Yassi

"Julia" kinabahang sagot ni Nadine, nagkatinginan kaming lahat pati narin si James, naramdaman niya sigurong may kakaiba.

Sinagot na ni Nadine ang tawag.

"Hello..." simula ni Nadine

"Julia! Umiiyak ka ba? Uy! Bakit?" Nagkatitigan ulit kaming lahat

"O sige aantayin ka naming dito nandito rin sila Kath."

"Bye.."

Yun lang ang narinig namin sa pag-uusapan nila.

"Ano daw yung nangyari kay Julia?" tanong ko

"Katulad ng sa atin. Pupunta daw siya dito"

Tumango nalang ako.
Sino kaya may pakana nito. Wala naman kaming atraso eh.

Someone's POV'

Sama-sama? Mas maganda.
Ano kaya mas magandang gawin ngayon ng nagsama-sama silang lahat?
Hmmm...

Julia's POV'

Tumigil ang sinasakyan kong taxi sa harap ng bahay nila Kath. Lumabas na agad ako.

Bago pa man ako makapasok, may napansin akong babae sa di kalayuan, nakablack siya lahat at nakatingin lang sa direksiyon ko.
Habang tinitigan ko din siya, ang itim ng aura. Ilang Segundo din ng pareho naming nalaman na nagtitigan na pala kami sa isa't isa ay biglang siyang pumasok sa kotse niya saka umalis agad.

"Julia anong tinitignan mo diyan?" napalingon ako, sila Kath pala. Di ko namalayan na lumabas na pala sila.

"Wala" sagot ko nalang saka pumasok na rin.

Sino kaya yung babaeng yun? Di ko siya namukhaan dahil nasa malayo siya pero feel na feel ko na nakatingin siya sakin kanina.
Di ko maiwasang maghinala, siya kaya ang may pakana sa nangyari sakin kanina?

Umupo ako sa sofa sa sala nila Kath, pero pagkaupong pagkaupo ko.
Bigla silang tumawa.

What? Baliw na ba tong mga kasama ko?

"Ano?" tanong ko
"Ang epic kasi ng itsura mo" sagot ni Nadine
"Sarap kuhanan ng picture haha" dagdag ni Yassi
Tumawa na naman silang lahat...

Sige pa... pagtawanan niyo pa ako... sige... kulang pa eh

Sa gitna ng pagtawa nila bigla silang sumeryoso, ano to? Bipolar lang ang mga tao ngayon?
Sila na nagkakaintindihan, habang ako, itchapwera lang sa gilid.

Ngayon ko pa lang din napansin... Sino yang isang lalaki? Ang puti ah.

"James, James Reid" pakilala nito nung napansin niyang nakatingin ako sa kanya.
Inabot niya din yung kamay niya para makipag-shake hands.
Nakipagshake hands nalang din ako. Mahirap na baka mapahiya.

"Julia, Julia Montes" sabi ko
Bumalik na ulit ako sa pag-iisip pero di ko na maalala kung ano nga ba ang dapat kung isipin. Napansin kong biglang tahimik ang paligid.
Mukhang may something...

Napatingin ako kay Kath pero seryosong seryoso ito, kaya tinitigan ko pa rin siya.
Maya-maya napapansin kong minsan siyang titingin sa James na yun. Haysst, anong meron?

Nadine's POV'

Ang tahimik na talaga, di ako sanay. Dahil kung magkakasama naman kaming lahat noon ang ingay-ingay.

"So, sa tingin niyo, sino ang gumagawa nito?" basag ko sa katahimikan

"Ha?" sabay nilang sabi.
Sabi ko na nga ba, may iba-ibang iniisip tong mga to.

"Sabi ko, sa tingin niyo, sinong gumagawa nito?" ulit ko

"Di ko alam/Ewan" sabi ni Kath at Yassi
Napatingin kam kay Julia, siya lang kasi ang di sumasagot.

"Ha?" sabi niya nung bumalik siya sa diwa niya

"Alam mo ba kong sino?"
Nagkibit-balikat lang siya. Pero alam kong may iniisip siya tungkol sa nangyari. Sa amin kasing apat, si Julia ang pinaka-mature mag-isip kumpara sa aming tatlo kaya alam kong mag-iisip talaga si Julia ng paraan para malaman ang pasimuno nito.

"May kutob ako na..." biglang hirit ni Yassi kaya tumingin kami sa kanya, si Bangky naman nakikinig lang sa amin.

"Sino?" tanong ni Kath
"Di kaya si Liza? O si Julia B?" sabi ni Yassi

"Huh? Kung si Liza... sa pagkaka-alam ko, sa akin at kay Kath lang may matinding galit si Liza so, bakit niya kayo dadamayin. At kung si Julia B naman, di ba partner sila ni Liza so, kami lang dapat ni Kath ang tinitira dito so, pwedeng may iba pang galit satin?. Pero Liza at Julia? May sense din naman. Pwede" sagot ko.

Nag-isip naman sila. Pero para sakin, may possibility na sina Liza yun.

Jadine and Kathniel Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon