Chapter 1

1.7K 42 7
                                    

Nadine's POV'
4th Year Highschool na ako at dahil sa graduating student ako, tinuon ko talaga ang sarili ko sa pag-aaral sa school year na 'to pero may time pa din naman ako kay Daniel na busy din magsuplado sa mga babaeng lumalapit sa kanya.

Well, paano ba? He's the team captain at MVP ng basketball team kaya proud na proud naman ako. Ang nakakainis lang eh yung andami na tuloyng nagkakagusto sa kanya. Pero kahit na, proud pa rin ako.

"Oh ba't nakangiti ka diyan mag-isa? Iniisip mo ko no?"

"Ay butiki!" Napatayo naman ako nung may biglang sumulpot na butiki sa likuran ko.

"Di nga ako butiki" pamimilit niya, palagi ko kasi yang sinasabi sa kanya.

"Don't worry, cute ka naman na butiki eh" sabi ko, tumabi na siya sakin sa pag-upo.

"Nagdala nga pala ako ng pagkain para sayo oh" sabi niya.

"Wow, ang sarap niyan ah, thank you ah" sabi ko sa kanya at saka siya hinug.

"Syempre naman, pinaluto ko pa yan kay Mama para lang sayo" napangiti naman ako saka kumain ng kumain.

"Bilisan mo ngang kumain diyan malapit na magstart ang class. 30 mins. lang ang binigay satin para sa lunch break" sabi niya

"Ito na po, malapit nang maubos" sagot ko sa senyorito.

Kathryn's POV'
"Tigilan mo na nga yang ginagawa mo" sabi ko kay James na ngayon ay hawak-hawak ang ilong at tinakpan ang bibig niya sa isa niya pang kamay.

"Patawarin mo muna ako" sabi niya at binalik na naman ang isa niyang kamay sa bibig niya.

Pano ba naman eh ang lakas mantrip.

Nasa London kaming dalawa nag-aaral. Halos kami nga lang dalawa ang nagtatagalog rito eh. Magaling naman magtagalog si James pero nandiyan pa rin talaga ang accent niya, half Filipino lang kasi siya.

"Oo na pinapatawad na ki..." di ko pa natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong buhat na parang bagong kasal.

"Ibaba mo ko kung ayaw mong patayin kita"

"Okay lang na patayin mo ko as long as sasamahan mo ako" nakangiti niya sabi, napangiti nalang din ako.

Kung di mo talaga kami kilala, di niyo aakalaing boyfriend ko ang ungas na to, minsan napagkakamalan kaming magkaibigan lang dahil sa kakaibang trip ng lalaking to.

"Uy!, baba mo na 'ko malapit nang mag-start ang class" sabi ko

Di pa rin niya ako ibinaba, buhat-buhat niya parin ako at naglakad na papunta sa room ko kahit di kami classmates sa ibang subject.

"Pag di mo talaga ako ibababa makikipag-break na talaga ako" pagbabanta ko kahit di ko naman talaga totohanin, di ko kaya.

Agad naman niya akong ibinaba.

Hahaha, ito talaga ang weakness ng lalaking to eh.

Nadine's POV'
Nakinig lang ako ng nakinig sa guro namin kahit gusto ko na talagang matulog sa subject nato. History eh.

Napatingin ako sa mga kaklase ko kung sino ang nageenjoy sa klase.
Karamihan sa nakikita ko ay natutulog. Ang iba kulang nalang lagyan ng posporo ang mga mata para hindi makatulog.

Pagtingin ko sa katabi ko.
"Bakit ikaw ang nandiyan?" Tanong ko
"Nakipag-palit ako ng seat ayoko doon eh ang daming haliparot" sabi ni Daniel.

"Kaya kita gusto eh, kasi hindi ka babaero. Hahaha"

"Ms. Lustre are you even listening to my class!?" Sigaw ng guro namin habang galit na galit

Jadine and Kathniel Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon