2:30 am na kami nakauwi ni bert at buti na lang hindi siya nag lasing, masiyadong masaya ang anniversary namin dahil kasama namin ang mga kaibigan namin, actually gusto ni bert na kaming dalawa lang dapat pero dahil mga lunatics nga sila ay hindi sila pumayag, may next time pa naman daw para masolo ako, kaya wala ng nagawa si bert kung hindi ang pumayag na lang.
Nag sayawan, kantahan at tawanan lang ang ginawa namin, well, wala naman pagkikita namin na hindi kami tumawa na parang mga baliw, i was so thankful dahil nakilala ko sila, if i didn't saw bert that night maybe until now, I'm still stock in our villa, still mourning my mother's death and still introvert.
Dahil sa kanila natuto akong makipag halubilo sa iba at maging masaya sa kahit maliit na bagay lang, I'm so grateful because I'm part of their circles of friendships, very overwhelmed.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at ganon din si bert, dahil may meeting ito ng maaga so as i kaya maaga kaming pumasok sa kaniya kaniya naming trabaho, well hindi pa rin naman mawawala ang pagka PDA niya pero sakto lang naman hehehe.
I'm here at the cafe malapit lang sa company ko, kasama ko si Danica dahil binulabog na naman ako kanina sa office ko, nabobored daw siya kaya ako ang pinuntahan para idamay sa walang kwenta niyang araw tsk.
"Ano Daph?, pumayag ba si lovey dovey bert mo na pumunta ng America for the competition?.." inirapan ko naman ito dahil sa tinawag niya kay bert.
"Yeah, okay na sa kaniya.." sabi ko.
"Hayy buti pa kayo may love life na, sana all na lang talaga, pati si bakla meron na rin, dinaig pa ako hmmp.."makatol nito at kinain ang cake niya.
"Pano ka magkakalove life, eh halos lahat ng manliligaw mo wala kang natitipuhan, ang taas ng standards mo sa lalaki tsk.." naiiling kong sabi, gusto kasi niya yung tall dark and handsome na may sariling company at lagi siyang sinusunod, tsk kaya nga hindi nag tatagal ang mga naging boyfriend niya sa kaniya dahil sa nasasakal na daw ito sa kaniya.
"Well it's not my fault, gusto ko lang na laging perfect sila masama ba yun?.." nakangusong sabi nito.
"Wala naman perfect sa mundo Danica, kahit mag boyfriend ka ng pari wala ka pa ring makikitang perfect sa mundo tsk.."
"Hayy, oo na, pero yung mga kaibigan ba ni Eliazar eh nakilala mo na?.." tanong niya.
"Yes..."
"Really?, then you meet them and you saw them, even hang out with them?.." sunod sunod nitong tanong, inirapan ko naman siya.
"Ano naman kung oo?, taken na yung kalahati sa kanila tsk.."
"Ayy, pero may hindi pa naman diba?, pwedi mo ba akong ipakilala sa kanila?, please Bessie,... pretty please!..." she pleaded, mataman ko naman itong tinignan.
"Why?.." tanong ko.
"Ano ka ba, tinatanong pa ba yun, malay mo isa sa kanila yung destiny ko..." sabi nito at pinagsiklop ang mga palad na parang nag d-daydream.
"Ewan ko sayo,.."
"Segi na kasi Daph, alam mo kapag nagkatuloyan kami ng isa sa kanila, bibigyan ko ng isang mansion ang magiging first baby mo.." sabi nito at tinaas pa ang kanang kamay niya.
"At dinamay mo pa ang magiging baby ko tsk, pano naman kung hindi kayo magkatuloyan?.."
"Edi, walang mansion ang anak mo hahaha.." natatawang sabi nito, napairap na lang ulit ako at uminom ng kape, saktong pagtingin ko sa may pinto ay ang pagpasok ni Donna don, napabaling ito sakin, at first she was shocked but then turned into smirk and walk towards us, walang emosyon ko itong tinignan.
BINABASA MO ANG
Perfect Stranger (Storm Siblings #4) Eliazar Bert Storm
RomantikShannon Daphne Ferrer 27 years old, fashion designer, all her life she's living in the past, the past that it's hard for her to move forward, to move on, to forgive and forget, when her mother died in front of her she became cold hearted person and...