CHAPTER 15

382 15 0
                                    

Matapos kong tawagan si bert at matapos ang mahabang paliwanagan at pagiging asukal nya kagabi na hindi ko alam kung bakit ko hinahayaan tsk, buti hindi ako nagkasakit ng diabetes dahil sa sobrang kaswetan nya hayy, pero ayos lang kinikilig din naman ako hehehe.

Nandito ako sa may sala at ginagawa ang work ko dahil may pinasa sakin si fe na mga proposal na kailangan kong i approve, mamayang hapon daw dadating ang mga bisita ko dahil may kanya kanya pa silang tataposin ayos na rin yun para makapag handa pa kami ni nana.

"Ate Daphne" napatingin ako sa tumawag sakin napangiti ako ng makita ko sya.

"Shiella, kailan ka pa dumating?" Nakangiti kong salubong dito, she's Shiella Sarmiento anak nila mang isko at nay lena, nag aaral sya sa manila first year college major in academic, she's sweet loving innocent 18 girl maganda sya at mabait matalino din at laging top sa klase, dean listed and scholar din.

"Kahapon lang po, may trangkaso po kasi nanay kaya umuwi na po muna tutal summer naman na po" magalang nitong sabi sakin.

"Kamusta si nay lena?" Tanong ko

"Maayos na po sya ngayon, pumunta lang po ako dito kasi sabi ni tatay nakauwi na daw po kayo gusto ko lang po sanang ibigay to, gawa po yan ni nanay" Shiella is a shy type of girl, kahit na matagal na kaming magkakilala ay mahiyain pa rin ito.

"Nako salamat nag abala pa si nay lena baka mabinat sya, pero paki sabi salamat dito" kinuha ko ang biko na dala nito, masarap magluto ng kakanin si nay lena, pareho sila ni nana, pero mas madalas lang mag luto si nay lena dahil binibenta nya ito sa bayan.

"Wala pong ano man ate Daphne"

"Sya nga pala kamusta ang pag aaral mo?" Tanong ko habng kumakain.

"Maayos naman po, medyo busy lang dahil sa dami ng projects at pag rereview" napaka sipag nyang studyante hindi ko alam kong nabubully ba sya sa school nila dahil style nito, medyo old fashion kasi at may salamin pero cute pa rin syang tignan kahit ganon nakaka talino tignan.

"Mabuti naman, pagbutihin mo lang pag aaral mo saka wag ka munang mag bboyfriend baka hindi ka makatapos nyan.....study first" paalala ko namula naman ito.

"N-nako hindi ko po iniisip yan ate Daphne, wala pa po sa isip ko ang pag bboyfriend po" nakayuko nitong sabi at nilalaro ang mga hinlalaki nya ganyang yan kapag nahihiya or kunukorot nya yan pag kinakabahan.

"Buti naman, ah sya nga pala may gagawin ka ba mamayang hapon?" Umiling naman ito.

"Wala naman po, gusto ko lang po sanang dalawin si ella sa quadra nya mamayang hapon" ella is her horse, binigay ko yun sa kanya bata pa lang sya nasa tabi lang yun ng qadra ni Shan, kasama ko sya dati sa pag papatakbo ng kabayo namin sa field noon.

"Ayos namiss ko rin makipag karera sayo eh, mamamyang hapon race tayo game?" Natawa naman ito ng bahagya.

"Hindi ko naman po kayo matalo talo ate Daphne eh" nakangusong sabi nito.

"Pwes talonin mo ko this time hahaha" natatawang sabi ko, napakurap naman ito habang nakatingin sakin, alam ko naninibago sya, sabagay talagang maninibago sya dahil ibang Daphne na ang kaharap nya ngayon, and thanks to that man tsk.

Nag kwentuhan pa kami ni Shiella at umuwi din sya babalik na lang daw mamayang hapon para sa karera namin, mukang namiss nya ang kabayo nya, ako ang nag turo sa kanya kung pano magpatakbo ng kabaya, at masasabi kong fast learner sya dahil nakuha nya ito agad, magaling syang magpatakbo yun nga lang mas mabilis lang ako ng kunti.

----

3 in the afternoon nandito kami ni Shiella sa may field nakalabas na si Shan at Ella sa qadra nila at nag aayos narin kami ni Shiella for safety gear.

Perfect Stranger (Storm Siblings #4) Eliazar Bert StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon