After that night na nag explain si bert at ang pag gawa daw kuno namin ng little designer at little chef ay sa awa ng dyos nakalakad naman ako 'yun nga lang ay paika ika dahil sa inover time ako ng magaling kong fiance..yes fiance ang damuho nag propose sa'kin habang sumasay sa ibabaw ko, baka daw kasi hindi ko siya sagutin ng yes kapag nag propose siya ng matino tsk.
Kaya ayon wala na akong nagawa kung hindi ang sumagot ng oo, well, gusto ko rin naman syempre pero mas maganda pa rin tignan 'yung may effort siya na...hindi 'yung gaya ng ginawa niya while we making love gosh.
Ano na lang ang sasabihin ko sa mga magtatanong kung papaano nag propose si bert sa'kin?, alangan naman na ikwento ko sa kanila ang ginawa namin, ang damuhong iyon talaga!!.
Hindi rin naman kami nag tagal ni bert sa isla niya at umuwi rin kami dahil nag aalala ako kay Deon, hanggang hindi pa nahuhuli si Donna ay ayaw ko munang iwan siya at baka kung ano na naman ang gawin ng babaeng iyon sa anak ko.
Dito kami dumiredyo sa tagaytay dahil nandito silang lahat magkamag anak, bert said his going to announce that we're okay now and his family wants to celebrate that, matagal na daw kasi noong huli silang nag celebrate ng walang kahit na anong problema sa buhay.
Halos lahat sila ay masaya sa pagkakaayos namin ni bert at humingi rin ang parents niya ng paumanhin sa nagawa ni bert noon sa'kin, well, wala na rin naman sa'kin 'yun dahil ang gusto ko lang ngayon ay matapos na ang problema sa buhay namin at mahuli na si Donna, doon pa lang ako magiging kampante na ligtas na kami at sasaya.
Nanatili muna kami dito sa hacienda nila tita dahil na rin sa kagustuhan ni bert, mas safe daw kasi kapag nandito lang kami, ayaw ko pa sana dahil kailangan pa rin naman ako ng company ko lalo na at malapit na ang launching ng new design collections for this season, and also i want to introduce my first ever gown that i made for my mom.
I told bert to bring the equipments that i needed for tailoring the gowns and dresses i made, binigyan naman nila ako ng space dito at dahil tuwang tuwa ang mga girls dito sa mansion ay halos lahat sila tumulong sa'kin maliban na lang sa may mga trabaho o may pasok sa school, ang saya nilang kasama, lagi na nga akong tumatawa kapag sila ang kasama ko.
And now looking at the gown that i made for my mother makes me feel complete, ang saya ko dahil nabalik na sa'kin ito, i ask bert kung paano niya nakuha ang original design na 'yun and he told me that dad gave it to him when Donna and her mother throw out in his mansion, nasa kaniya na daw 'yun noong natapos ni Donna na gayahin ang design ko at kinuha niya ang original design nito at itinago ng matagal.
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa sinabi niya, tinatanong ko ang sarili ko kung bakit hindi niya ibinalik sa'kin 'yun ng mas maaga edi sana hindi lumalala ang sama ng loob ko sa kaniya.
"Iha.." napatingin ako kay tita ng lumapit ito sa'kin, hindi ko pala naramdaman ang pagpasok niya, ngumiti ako dito ng ngitian ako.
"Tita, Goodmorning po.." bati ko dito.
"Goodmorning din, mukang maaga mong natapos ang gown mo.." nakangiti nitong sabi, tumango naman ako.
"Opo, kailangan na po kasi 'yan sa susunod next week.." sabi ko.
"Alam mo...hanga talaga ako sa galing mo, akalain mong sa dami ng pinagdaanan mo ay heto ka ngayon, hindi natutumba at patuloy pa rin pag abot ng mga pangarap sa buhay, alam ko na kung nandito lang ang Mommy mo, paniguradong masayang masaya siya sa mga naabot mo ngayon, at sobrang proud na proud siya sayo..." namuo ang luha ko dahil sa sinabi nito hindi dahil nakakaramdam ako ng sakit kung hindi ang saya sa puso ang mga sinabi niya, feeling ko ay si Mommy ang nag sabi no'n, ngumiti ako habang tumutulo pa rin ang luha ko, pinunasan naman niya ito.
BINABASA MO ANG
Perfect Stranger (Storm Siblings #4) Eliazar Bert Storm
RomanceShannon Daphne Ferrer 27 years old, fashion designer, all her life she's living in the past, the past that it's hard for her to move forward, to move on, to forgive and forget, when her mother died in front of her she became cold hearted person and...