CHAPTER 5- Golf Cart

834 23 1
                                    

"Good morning po, miss."

"Good morning, what do you want?" I raised my eyebrow.

"Pinapatawag po kayo ni sir, miss." Kumunot ang noo ko.

"Sir? Who's sir you're talking?" Nakakunot noo at nagtatakang tanong ko rito. Last time I checked ako lang naman ang nandito bukod sa mga kasambahay at 'yong asungot na 'yon. Wala sila mommy at daddy dahil balak ata talaga nilang iwan ako rito.

"Ah, si Sir Azreal po." Doon ako napangisi at mahinang natawa.

"Oh, that bodyguard of mine? please, don't call him sir, it's sound so funny." Ngumuwi ito na parang hindi nakuha ang joke na pinapahiwatig ko kaya natigilan ako at tinignan ito ng walang bakas na emosyon.

"You're not supposed to call him sir 'cause he's not. He's just a bodyguard, kailan pa ba tinatawag na sir ang mga gano'n?" Tumayo ako galing sa kinauupuan ko at naglakad na, parang bumalik naman siya sa wisyo at sinundan agad ako.

"Where is he?"

"This way, miss," Hindi na ako nagsalita at basta na lang siyang sinundan.

Pff, how funny he is. Inuutusan ang mga kasambahay na tawagin ako? Tks! Sino ba siya sa tingin niya? ang laki laki ata ng tingin niya sa sarili niya, eh, sa laki ay parang nalimutan niyang walang wala siya kompara sa akin— wait a minute, why I am comparing myself to him?! Tks!

"Just where the hell you're taking me? Bakit ang layo-layo, subrang init pa." Argh! How I hate province. Marami namang puno pero bakit hindi manlang ako natatabunan ng mga 'yon. Akala ko ba nakakatulong ang mga punong 'wag mainitan ang mga tao.

"Pasensya na miss, medyo malayo-layo kasi ang kwadra sa hacienda." Napataas ang kilay ko.

"Kwadra? What's that?"

"Stable miss, kung saan naroon ang mga hayop." I sigh, frustrated.

"And why the hell you're taking me there?" I hissed.

"Pasensya na po talaga, miss, utos po kasi ni Sir— amh, Azrael po—" kung mataas na ang kulay ko kanina mas tumaas lang ngayon.

"Call him sir."

"'Di ba po sinabi niyong 'wag siyang tawagin—"

"And? Call him anything you want just don't call his name. You're not allowed to." Don't get me wrong, nakakaasar lang talagang marinig ang pangalan niyang tinatawag ng iba.

"O-okay po, miss." Pina-ikot ko na lang ang mata ko at nauna nang maglakad sa kung saan man.

"Ah, miss!" Huminto ako at naaasar siyang nilingon.

"What?!" I hissed.

"K-kasi po hindi po riyan a-ang daan—" Namula ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin.

"Whatever, just tell me where the hell is that stable you're talking!" I hissed again. Kitang kita ko ang pagngiwi nito sa boses ko.

"This way po, miss." Lumihis ako ng daan sa tinuro nito at nagpatuloy nang maglakad. Mabilis naman ako nitong sinundan.

Simula noong napunta ako dito araw-araw na akong naiinis.

Sa mahaba habang nilakad namin, sa wakas nakarating din kami sa stable na 'to. Ba't ba kasi ang layo layo nito? Kaasar! Alam ko naman kung gaano kalawak ang lupa na mayroon kami pero subra naman ata 'to. Ang nakakaasar pa ay walang golf cart o kahit anong masasakyan.

Sana naman sa susunod bibili na sila ng goft cart kung ganito lang din naman ang lalakarin ko.

"Nandito na po tayo, miss. Pasok lang po kayo riyan at makikita niyo po si Azrael—" mabilis ang pagsama ng tingin ko sa kaniya, nag-iwas ito ng tingin, "I mean sir po." Inikutan ko siya ng mata at pumasok na sa loob.

The Billionaires BratWhere stories live. Discover now