CHAPTER 10- Cook

669 23 2
                                    

"H-huh?" Nauutal kong sabi rito. Todo iwas din ako ng tingin sa kaniya. Eh kasi naman, kung makatitig kasi siya ay parang may ginawa akong masama.

"What are you doing here?" He repeated. Prente pa itong sumandal sa pinto.

"A-ano... kasi ano."

"Ano?" Nakataas na kilay na tanong nito. Namula ang pisngi ko at nag-iwas ulit ng tingin. Paano ko ba sasabihin sa kaniya? nakakahiya!

"S-sorry!" Mabilisan kong sabi at pinikit pa ang mata.

"Sorry? for what?" Nagtatakang tanong nito na ikina-ngiwi ko. Ang slow naman ng taong 'to. Ba't 'di na lang niya agad ma-gets at nang sa gano'n ay 'di masyadong nakakahiya.

"Sorry kasi umasta akong selfish kahapon." Nakita ko kung paano tumaas ang kilay nito. Naghintay ako ng ilang segundo sa sasabihin niya. Kinakabahan pa ako at baka pagalitan niya ako pero nang ibinuka niya na ang labi niya ay pumintig ng malakas ang puso ko.

"Okay." H-huh? okay?

"Anong okay?"

"Okay, I mean it's all fine now." Napangiwi ako at segundo ko pang pinag-isipan kung ano ang ibig niyang sabihin hanggang sa ma-gets ko na.

Just what the hell?! Kahapon ko pa pinag-iisipan kung paano ako hihingi ng tawad sa kaniya at halos hindi pa ako makatulog sa kakaisip nito tapos 'okay' lang ang isasagot niya, as in 'okay' lang daw?! this...

"Fucking asshole." I whispered. Inis ko siyang tinalikuran at astang hahawiin na siya paalis sa pinto nang magsalita siya

"Did you eat your breakfast?" Eh?

"No.. not yet." Nasabi ko na lang dito at astang aalis na sana ulit pero napatigil ako.

"Then, are you hungry?" I sigh, frustratedly. Asar akong humarap dito at bumalik sa kinatatayuan ko kanina.

"Bakit? paglulutoan mo ba ako kung hindi?" Singhal ko dito, nagulat na lang ako nang tumango ito.

"Yeah, if that's what you want."

"You know how to cook?" Gulantang kong sabi, prente ulit itong tumango.

That was unexpected. Hindi ko talaga inaakala na marunong siyang magluto kasi nasanay akong hindi marunong magluto ang mga lalaking nakapaligid sa akin. Even my kuya's don't know how to cook.

"How about you?"

"I'm still learning." Lies. Hindi naman talaga ako marunong magluto at wala rin akong balak matuto. We have chiefs so what's the point? Saka ayokong masira ang balat ko kaya it's a no.

"Still learning, huh?" Tinaasan ako nito ng kilay. Halatang nang-aasar, eh.

"Then, can you help me?" Shit, masasabak pa ata 'tong mga hidden talents ko.

"To what?"

"Cook. Help me cook our breakfast." Natigilan ako roon at hindi agad nakapagsalita. Hindi nakatakas sa akin ang patago nitong pag-ngisi na kina-inis ko.

"Sure, but I'm not really good so don't expect anything." Mahina itong natawa sa sinabi ko na mas lalo ko lang kina-inisan. Nagulat na lang ako nang hilahin niya ako palapit sa kaniya.

"W-what the..."

"Relax, I'm just guiding you to my mini kitchen." Guiding pala, huh? Ba't kailangan mo pa akong hilahin kung puwede namang ituro mo na lang? tks.

"Whatever." Nasabi ko na lang at nagpadala sa hila nito. Hila hila niya ako hanggang sa makarating nga kami sa kusina niya. And I'm not really surprise when I saw his kitchen is combination of modern and wood things just like the set of his sala.

The Billionaires BratWhere stories live. Discover now