CHAPTER 19- Innocent

623 18 1
                                    

Kabadong kabado akong sinundan siya sa loob. Subrang bilis din nang tibok ng puso ko, at ni hindi ko maayos ang paghinga ko.

Papasok lang ba ako? o kakatok muna para mukha akong repestado? pero bukas na 'yong pinto eh! kaasar. Bahala na nga, papasok na lang ako, nasa loob na rin naman si Z. Kahit galit naman siguro 'yon ay aasikasuhin niya pa rin ako, 'di ba? sana naman.

Kahit subrang kabado ay nagawa ko pa ring igalaw ang mga paa ko papasok sa loob nang bahay.

I gasp. I really thought this would be a cheap house because of how it looks outside, but no, definitely no. Oo at maliit siya tingnan sa labas, kahoy at aakalain mo pang isang bagyo ay giba na agad pero hindi, eh. Kung gaano ako namangha at nagandahan sa bahay ni Z, ganoon din ako rito. Kung 'yong bahay ni Z ay kahoy sa labas at modern naman sa loob, ito naman ay kahoy sa labas at pinaghalong modern at kahoy sa loob. Just wow.

Okay, I'm a bit judgemental but yeah. Guess what? His grandmother is looking at me with those curious eyes. What should I do or say?!

"A-ah.." Natigilan ako at nilingon si Z na nakatingin lang sa akin, sinubukan kong magpa-awa sa paningin niya at baka tulungan niya ako pero hindi, nauna lang itong maglakad sa loob.

"Ikaw ba si Cassandra, iha?" Gustong gusto kong tumalon sa subrang gulat nang magsalita na lang ito bigla.

"O-opo hehehe." Opo? Seriously? Ang galang mo naman ata ngayon Janine.

"Kay ganda mo namanag bata, pero nobya ka ba ni Azrael, iha?" H-huh? Gulantang ako sa tanong na 'yon, at napa-awang pa ang labi, hindi alam kung ano ang isasagot.

"Cassandra." Doon na ako napa-igtad. It's Z, and he's calling me.

"Bakit? tawag mo ako?" Just no, please no. Mukhang purong tagalog ang salita nang lola niya. Paano na 'to ngayon? huhuhu.

"What are you still standing there? Come here, let's eat." With his so commanding voice, he commanded me. Natatarantang yumuko ako sa lola niya at mabilis siyang pinuntahan.

Hindi ko alam kung papasalamatan ko ba si Z o maiinis pa sa kaniya, baka kasi nagmukha akong walang modo sa mata nang lola niya. 

"Sit." Sa takot ko sa subrang diin nang boses niya habang sinasabi iyon ay mabilis ko iyong sinunod nang wala ni isang reklamo.

Sino ba naman kasing hindi susunod kung 'yong tingin niya parang hindi mo gugustuhing hindi siya sundin, 'yong tipong paparusahan ka agad.

Ahh, kung siya rin naman ang magpaparusa then punish me daddy Z— este, ayoko nga. Ano siya gold?

"Eat." Tinulak niya ang isang platong puno nang ulam at kanin sa harapan ko. Nagtataka ko lang iyong tiningnan habang siya ay walang emosyon akong hinihintay na gumalaw.

"Eh? 'Di ba dapat kausapin ko muna 'yong lola mo?" Hindi siguradong tanong ko rito habang pilit na hinahanap kung saan na nagpunta 'yong lola niya, pero kahit na ganoon wala pa rin itong reaksyon ni isa.

"You can do that later, but for now, eat." Inulit niya ang ginawa niya kanina kung saan tinulak niya ang plato palapit sa akin, at gaya kanina ay nakatingin lang ako roon nang nagtataka at balik ulit ang tingin sa kaniya.

Oo nga pala. Muntik nga pala akong mapagalitan dahil nagsinungaling ako. Hindi man lang ba niya ako kayang ipalusot ngayon? pff.

"O-okay?" Sinimulan ko nang kunin ang kutsara at tinidor, at nilagyan iyon nang kanin. Astang isusubo ko na iyon nang makitang nakatingin pa rin siya sa akin hanggang ngayon.

"What?" Nakakunot noong tanong niya sa akin, nahihiya lang akong ngumiti rito.

Matanong nga sa lola niya kung pinaglihi ba siya sa sama ng loob.

The Billionaires BratWhere stories live. Discover now