CHAPTER 20- Apologize

627 15 0
                                    

"So... It's true? You have a girlfriend all this time?" Nakataas kilay na tanong ko rito.

Alam kong sinabi na noong Solace Levine na girlfriend nga siya ni Z, pero hindi naman 'yon cinonfirm ni Z.

Nilingon ako nito, "No." Nakipagtitigan lang ako sa kaniya, tinitignan kung totoo nga ba ang sinasabi niya.

"No? What do you mean no?" Masungit kong tanong dito.

Ang kapal ng mukhang mag deny, eh sinabi na noong Solace kuno na girlfriend niya nga ito.

"If you're wondering, Solace is my childhood friend and no, she's not my girlfriend. She's just playing with you." Playing he say? Ano ako, laruan? Sumama ang tingin ko sa kaniya, samantalang siya ay nagkibit balikat lang.

"Oh, tapos? Anong paki ko kung kaibigan mo nga siya?" He sigh.

"Okay, I'm sorry-"

"Why are you the one who's saying sorry to me now? Ikaw ba ang naglaro sa akin kanina, huh?" Nakataas kilay pa rin na sabi ko rito.

Hinding hindi ako papayag na hindi mag sorry sa akin 'yong babaeng 'yon. Kagaya lang talaga siya ni Z, ang kapal din ng mukha niya. Oo nga't nakipagsabayan ako sa kaniya at inaasar ko siya pero nauna siya, eh sumunod lang ako.

"Okay, okay, brat. I will tell her to say sorry to you, it's that fine now?" I smirked.

"So, I'm a brat now? pero bakit kani-kanina lang hindi mo ako matawag nang ganiyan sa harapan nang so called childhood friend mo, huh?"

"It's a callsign just for the two of us. Do you understand, hmm?" Naningkit ang mata ko sa kaniya, habang siya naman ay seryuso lang ang mukhang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko tuloy 'yong tingin niya tumatagos sa katawan ko, hindi ko 'yon nakayanan kaya ang ending ako ang naunang umiwas.

"Damn it." I whispered. Sinigurado kong hindi niya ako narinig dahil baka pagalitan na naman niya ako at maging daddy mode na naman siya.

"Shall we go back now?" Hmm, what if ayoko na? ayoko nang makita muli 'yong mukha noong childhood friend niya na halatang plastik 'yong ngiti sa akin kanina. Nakakaasar nga, eh. Dahil din sa pagka-asar ko pinili kong magpahangin na lang, hindi naman pumayag si Z na mag-isa akong maglakad lakad sa labas kaya ito at sinamahan niya ako ngayon pero mukhang namiss niya na 'yong pagmumukha ni Solace at gusto nang bumalik.

"Ayoko."

"Why not?" Sinamaan ko siya nang tingin. Miss na niya talaga, eh.

"Bumalik ka mag-isa kung gusto mo." Hindi ko mapigilan ang sariling magtunog nagtatampo kahit anong pilit ko.

"I wll not do that. I came here with you and I will go back with you, too." Eh? Pinagsasabi nito? Oo nga't kasama ko siya naglakad lakad pero hindi ko naman sinabing gusto ko nang bumalik, siya lang nama ang nagpilit kaya dapat siya lang din ang bumalik no. Tks, ang sarap sabihin niyan sa kaniya.

"Ayoko nga kasi."

He stopped, and glanced at me with his eyebrow raised at me, "Being a brat now, huh Cassandra? Did you just forgot about the punishment I will give you after this? Hmm.." humarap siya sa akin, "...or you want to add more?" Napalunok ako sa sariling laway.

Shit! Inaamin kong nakalimutan ko nga ang tungkol doon, nawala sa isip ko saglit dahil sa pagka-asar ko doon kay Solace pero ngayong pinapaalala na sa akin ni Z, parang ayoko na lang siyang suwayin at sumunod na lang sa kahit anong gustuhin niya.

"Oo na, sige na, babalik na!" Pagsuko ko, napangisi na lang siya at nauna nang maglakad pabalik, nakayuko na lang akong sumunod sa kaniya.

Kaasar!

The Billionaires BratWhere stories live. Discover now