CHAPTER 27- The same

600 24 1
                                    

Nasa balkonahe lang ako buong maghapon, nagpapahangin, and at the same time nakikipag-video call kay Daphne- namimiss daw kasi ako nito kuno dahil hindi man lang siya nakapag-tagal dito kahit isang araw lang.

Isa pa, hindi ko naman iyon kasalananan, kundi kasalanan iyon ni Azrael. Sa subrang pagka-strikto nito akalain mo ba namang pina-alis niya ang boyfriend ko- not just that, but my best friend too. Ayan tuloy at nagtatampo itong si Daphne sa akin at gusto niya raw ulit bumalik dito pero this time hindi na siya magdadala ng iba pa.

Funny is, hindi na naman talaga ito makakapagdala ng iba dahil unang una wala na kami ni Rigo. Hindi na rin naman ako nakakapagtakang hihiwalayan kuno ako nito, saka hindi ko nga rin alam kung naghiwalay ba talaga kami o ano dahil hindi ko naman siya boyfriend. As I've said, he's just my fling but one day bigla na lang niyang sinabi na girlfriend niya raw ako so I have no choice but to agreed and just be his girlfriend. Pangalawa, paniguradong hindi rin papayag si Z na hayaan kong puntahan ako ni Daph dito ng may isasama- o isasama na naman niya si Rigo. Kahit hindi pa nito sinabi sa akin, halata ko na.

"Ano nga? When should I come back there?" Napabuntong hininga ako. Iniisip ko pa kung paano humingi ng permiso kay Z bago ko siya tuluyang papuntahin dito. Mahirap na kasi at baka parusahan na naman niya ako. Kung ano ano pa naman din ang pinaparusa niya sa akin. Baka sa susunod sa bus naman.

"I don't know, okay? Kakausapin ko pa muna siya-"

"Who?" Oh, this biatch. Parang hindi talaga alam kung sino ang tinutukoy ko, halata namang gusto lang marinig sa akin mismo.

I heard her chuckled, "Sino, Janine?" Umirap ako sa hangin, halatang inaasar niya lang ako.

"My bodyguard! happy?" Singhal ko rito, humagalpak lang ito ng tawa.

"Ahhh... can't still believe he got you under his command-"

"What are you taking about? I'm not!" Mabilis kong hindi pagsang-ayon dito dahil hindi naman talaga.

"Oh trust me, you are. Look at you, you're a spoiled brat who don't even listen to your parents but now... you have to ask your 'bodyguard' permission first..." Hindi na nito natapos pa ang sasabihin niya nang humagalpak na ulit siya ng tawa.

"Shut up, Daphne!" Naaasar na singhal ko rito dahil hindi niya talaga matapos tapos 'yong pagtawa niya.

Tatawang tawa 'yan?!

Sinubukan niyang pigilan 'yong pagtawa pero noong hindi niya talaga mapigilan ay inoff niya ang camera at akala ata nito ay aakalain kong huminto na siya kahit rinig na rinig ko naman 'yong mga pagpipigil niyang humagalpak ulit.

Kaasar.

Muli akong umirap sa hangin, "Pumunta ka rito bukas." Sa sinabi kong 'yon ay bigla niyang in-on ulit ang camera niya. Bumungad kaagad sa akin ang nakangisi niyang mukha.

"Ano? Hindi muna tatanungin sa kaniya kung ayos lang o hindi?" Iniwas ko ang mapaglaro at nang-aasar na mga mata nito sa akin.

"I'm not going to ask for his permission because why would I? He's just my bodyguard." Namilog ang mga mata nito pero hindi pa rin nawawala ang naglalarong ngisi sa labi niya.

"Ah huh? Talaga? Hindi na talaga?"

"Oo nga sabi!" Naaasar kong singhal sa kaniya dahil paulit ulit na lang siya.

"Okay okay, I'm going there tomorrow. Pero baka bumungad kaagad sa akin 'yong nakataas niyang kilay, huh? baka paalisin agad ako no'n." Hindi ko alam kong nag-aalala na siyang papaalisin siya o inaasar niya pa rin ako.

"That will never happen. I will never let him." umiwas muli ako ng tingin, "Saka, you're my best friend, he can't do anything about it. As you've said, I'm a brat, I'll get what I want." I said ending the topic and signaling her to change it.

The Billionaires BratWhere stories live. Discover now