CHAPTER 25- Cassy

561 17 0
                                    

Nakarating kami sa bahay nang maghahapon na kaya gutom agad ang inabot naming dalawa. Ayan kasi, madami namang kotse sa garahe pinili pa talagang sumakay sa jeep. Amp, madami din namang puwedeng iparusa sa akin bakit 'yon pa? Tks.

"Go inside. There's a food in the kitchen if you're hungry. I'll ask manang if you eat it, understand?" Lumingon ako sa kaniya at kinunutan ito nang noo.

Ano? Ako lang ang kakain? Mukha kasing iiwanan agad ako nito kapag nakapasok na ako sa hacienda.

"Hindi ka kakain?" Puno nang sarkastiko kong tanong dito para malaman agad nitong hindi ako papayag kapag umalis agad siya.

Subukan mo Z, tapos ka na sa pagpaparusa sa akin kaya baka mamaya ako naman. Hindi ako papayag na ikaw lang no.

"I'm not hungry." Mabilis na sagot nito sa akin na kinasama nang tingin ko sa kaniya.

"Edi hindi rin ako kakain." Mabilis ko ring sagot dito. Tingnan na lang natin kung aayaw ka pa.

He sigh heavily, "Okay okay, I get it. We'll it together, happy now? Hmm?" Napangisi ako rito. I won! Sabi sa inyo, eh.

Wala na nga itong nagawa at sumama na sa akin papasok sa hacienda. Nasa likuran ko lang siya hanggang sa makapasok na kami sa kusina at bumungad sa akin ang mga pagkaing nakahanda na.

Nilibot ko ang tingin ko, and finally! Makakain din nang ulam na walang gulay! Ahh! Heaven.

Ngiting ngiting umupo ako at astang kukuha ako nang beaf steak nang may nauna sa akin at inilayo ito, "This is not good for your health." Ang kaninang nakangiting mukha ko ay naglaho na parang bula at napalitan nang pagbusagot.

"Eh? Anong gusto mo palagi akong kumain nang gulay at prutas lang?" Puno nang sarkastikong tanong ko rito, hindi naman ito nagdalawang isip na tumango sa akin.

"Ano ba naman, Z! Puro gulay na lang kaya 'yong kinain ko noong nandoon ako sa inyo—"

"Want me to bring you there again then?" Natigilan ako roon at mabilis na umiling iling.

He smirked, "Then behave and eat only vegetables food." Napa-pout na lang ako nang sinimulan nitong kunin isa isa ang mga pagkaing paborito ko pa naman.

"Z naman! sayang naman 'yan kung hindi natin kakainin." Pagrereklamo ko pa. Sana tumalab!

"I won't waste them. I'll asked others to eat them instead." Napangiwi ako. Ang dami dami talagang alam ng isang 'to. Amp.

"Kahit isa lang, Z? Kalahati na lang tapos mas kakain ako nang gulay, I promise!" Please tumalab ka!

"Sure.." nagliwanag ang mga mata ko at astang kukunin na ang beef steak sa kamay niya nang ilayo ulit niya ito sa akin, "but not now." At 'yon na nga, tuluyan niya nang ipinamigay ang mga paborito kong ulam.

Kaasar.

Isang minuto lang din at nakabalik agad ito dala ang ibang ulam na. Hindi na 'yon ang mga paborito ko kundi napalitan na iyon nang mga gulay na naman.

Hindi man lang ba siya nauumay sa kakakain nang gulay? kasi ako umay na umay na. Ito rin siguro ang nararamdam ni mommy noong pinipilit pa siya ni daddy na kumain ng gulay— well, hanggang ngayon naman pinipilit pa rin ni daddy pero iba na rin ngayon, nakakaya na ni mommy at hindi na masyadong pinipilit, nagkukusa rin kasi pa-unti unti si mommy. Samantalang ako? Hindi ko ata makakayanan na araw araw na ganito palagi. Mapipilit, oo pero siguradong 'pag hindi ko na nakayanan isusuka ko 'yon. At 'yon ang pipigilan kong mangyari at baka kapag nagkataon nasa harapan ko pa si Z habang sumusuka ako. Ramdam ko na ang hiya habang iniimagine ko pa nga lang.

"Here, eat it." Nilahad nito sa harapan ko ang dala dala niya, kasama na rin doon ang kanin at kustra. Full package talaga, eh para hindi na makahindi.

Bumuntong hininga ako at sinimulan na itong kainin, samantalang umupo lang ito sa tabi ko kaya napalingon ako sa kaniya habang kumakain pa rin.

The Billionaires BratWhere stories live. Discover now