Dahan dahan na lang ang pagtakbo ko sa kabayo nang matanaw ko na ang bahay ni Z.
Gabi na pero dahil sa ilaw na nagmumula sa bahay ni Z ay lumiwanag din hanggang dito. May palapit din kasing poste sa bahay niya kaya siguro naman at makikita niya agad ako 'di ba? o baka naman sa subrang saya niya sa mga kaibigan niya kuno ay hindi man lang niya ako mapansin na nakasakay sa kabayo. Amp. Dapat lang na makita niya agad ako at siya na mismo ang mag imbita sa akin sa loob dahil kung hindi uuwi na lang ako. Hinding hindi ako papayag na ibaba ulit ang pride ko dahil lang ulit sa kaniya no.
Oo nga't ako ang may gusto nito pero gusto ko lang naman makilala 'yong mga kaibigan niya kuno, ah saka dapat nga at ipakilala niya ako dahil ako lang naman ang binabantayan niya- pero kung hindi man niya ako ipakilala ibig sabihin lang no'n kilala na ako nila. Who isn't? Ako lang naman ang tagapagmana nang family company namin. Tks.
I look stupid right now, trying to lift my own fucking pride.
Mas lalo ko lang binigalan ang pagtakbo ng kabayo nang nasa harapan na talaga kami ng bahay niya.
Kaagad kong natanaw sa malaking bintana ang mga kaibigan niya. They're all boys... I don't think so. May lalaki kaya hindi puwedeng walang babae riyan.
Pinaikot ikot ko ang kabayo para makuha ang pansin ng isa sa kanila pero mukhang busy silang lahat at hindi man lang ako na pansin ni isa sa kanila, pero hindi ako susuko. Ang sumunod kong ginawa ay pinalakad lakad ko naman ang kabayo sa harapan lang ng bahay nila, pinabalik balik ko iyon. Tingnan na lang natin kung hindi ko pa rin makuha ang atensyon nila... kahit isa lang. Hindi naman siguro sila bulag para hindi ako makita no?
Ilang beses kong pinalakad pabalik balik ang kabayo sa harapan nang bahay niya pero nakalipas na ata ang ilang minuto hindi pa rin nila ako napapansin.
"Oh, fuck." Malutong kong mura sa subrang pagka-asar.
Pinahinto ko ang kabayo at pinaharap ito sa bintana. Tinanaw ko ulit sila. Okay, wala akong nakikitang ni isang babae pero hindi pa rin ako naniniwala. Paano kung nasa kuwarto pala 'yong iba? nasa kuwarto na? and come to think of it, hindi ko pa nakikita si Z simula noong nandito ako, kaya paano nga kung...
Naghalo halo na ang emosyon ko, asar, inis, and lastly parang natapakan ang pride ko sa hindi mawaring dahilan. Pinahiyaw ko ang kabayo at sa wakas, nakuha ko rin ang atensyon nila, hindi lang isa kundi silang lahat. Kasama na roon si Z na hindi ko lang pala nakikita dahil nasa kusina.
Isang minutong katahimikan, at para maiwas ang susunod na kahihiyan ay bumaba ako sa kabayo- kay Cassy. May pangalan nga pala 'tong kabayong 'to, muntik ko pang makalimutan.
Bumababa ako roon na para bang pagmamay-ari ko si Cassy. Hindi lang ordenaryong pagbaba 'yong ginawa ko kundi pagbaba na may kasamang elegance- just to save myself from embarrassment again, and I did it.
They're still speechless kaya ginamit ko kaagad 'yong paraan para makapag-isip ng idadahilan kay Z. Alam ko kasing hindi pa ako tuluyang nakaka-iwas sa kahihiyan kapag hindi ko nasagot ng maayos ang itatanong sa akin ni Z mamaya, and of course ano pa bang itatanong niya? Edi 'what are you doing here?' tks.
Mukhang nakabawi na sila sa pagkatulala sa kagandahan ko nang bumukas ang pinto ng bahay at iniluwa roon si Z na may nagtatakang tingin sa akin.
That's when I smiled sweetly at him and wave my hand a little, "Hi, Z? May party pala kayo rito?" I chuckled and turned my gaze into his friends, "I'm sorry to interrupt you guys, bigla na lang kasing humiyaw si Cassy, hindi ko na rin napigilan 'cause you know?" maarte kong hinawi ang buhok ko, "Maglilibot lang sana naman kasi ako nang siya mismo ang huminto rito." Tinuro ko si Cassy. Thank god she can't speak, if she can mabubuking ako nito ng wala sa oras.
YOU ARE READING
The Billionaires Brat
Romance[ on-going &. under editing ] billionaires #2 Azrael Vigancillio, a living Multi-Billionaire. He has the looks, the body to die for and obviously he has the money, but he still choose to be someone who doesn't have anything. He choose to be a bodygu...