CHAPTER 30- Complain

1.7K 46 14
                                    

Nang tuluyan ng umalis ang babae ay binalik ko na ang tingin ko kay Z, he's still looking at me, watching my every move, and still kneeling down in front of me.

Then finally, he spoke. "What was that all about?" I raised my eyebrow at him.

"What? What do you mean?" Nagpanggap akong inosente na kuhang kuha ko naman. Duh, ako kaya ang nakamana sa mala anghel na mukha ni mommy.

"And please.. step back you're too close." Sa sinabi kong 'yon ay unti unti niyang nilayo ang sanang isang dangkal na layo ng mukha namin na pinagpapasalamat kong ginawa niya.

Hindi ko na kasi namalayang nagpipigil pala ako ng hininga noong magkalapit pa ang mukha namin, pero ngayon? My breathing is all fine now.

"You asked me to kneel down and it's nothing?"

"Don't make it a big deal, Z. I said it's nothing." Inirapan ko pa but then Z being Z hindi niya pa rin ako titigilan hanggat hindi nakukuha ang gusto.

So, who's the brat now? Huh? Tks.

"Are you playing again, brat?" Nakatayo na ito sa harapan ko ngayon, nakakunot ang noo, at ang mga mata nitong puno ng panghihinala.

"I'm not." Kaagaran kong sagot at tumayo na rin.

Ayoko sa posisyon namin. Nakatayo ba naman kasi siya sa harapan ko at nakayuko sa akin dahil naka-upo ako, para bang ang liit liit ko kumpara sa kaniya.

"Sit back, you're still injured." Utos nito pero hindi ko sinagot.

What? Kakatawag niya lang kayang 'brat' sa akin so bakit hindi ko patunayang tama nga ang tinawag niya sa akin 'di ba? Tks.

"I said—" Nagpanggap akong may nginitian sa kabilang banda ng pasilyo para sana mawala siya sa sinasabi niya at nagawa ko nga.

Huminto ito sa pagsasalita at nilingon ang tinitignan ko sa kabilang pasilyo na wala naman talaga.

I heard him sighed, frustrated. "Fine, I get it, you're playing and it's working. Happy?" Tila asar na asar niyang sabi pero hindi ko lang ulit siya pinansin.

Duh, this is how it work. Playing innocent.

"Okay, so?" Sa pagkakataong ito ay sa kaniya na naman ako nakatingin. Hindi ko na puwedeng baliin pa ang tinginan namin— maliban na lang kung siya mismo ang maunang mag-iwas pero alam ko namang malabo 'yon. Sanay kasi ata siya sa staring contest. Tks.

He sighed again. "Do you want me to bring you to the mall? Shopping?" That made me caught off guard. Alam kong nagmukha ng nagliliwanag ang mata ko sa mga oras na 'to sa subrang excitement na nararamdam— but, what if he's just using it to trap me again? to trick me? No. Hindi ako papayag kahit gusto ko ang sinasabi niya.

"Ayoko." Matigas na pangtanggi ko pero deep inside nagsusumigaw na pilitin mo ako! Gusto ko!

"You don't want to? Are you sure?" Argh! This is so tempting! But again, ayokong magpadala ulit sa kaniya no, baka pagsisihan ko lang kapag pumayag ako ngayon. Baka nga may plinaplano siyang iba, eh.

"O-oo I mean yeah! I'm not in the mood to shop. I'm tired, I want to go home." Nagpanggap ako na parang inaantok na pero hindi naman talaga.

Argh! This is matter of my pride, okay? Kaya hindi ako puwedeng umoo kahit gustong gusto ko.

"I understand." Doon ako napalingon sa kaniya.

What?! Ganoon lang 'yon? Hindi man lang ako pinilit?

Alam kong napansin niya ang tingin ko sa kaniya kaya once again nagkatitigan na naman kami, but this time he was now smirking at me. That smirk of him was like he's asking me if what's wrong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Billionaires BratWhere stories live. Discover now