Kinabukasan, hindi ko alam kung magiging excited ba ako dahil ngayong araw dadating si Daphne o hindi. Amp. Parang mas gusto ko na lang solohin si Azrael ngayong wala na ang mga kaibigan niya pero mukhang malabo na atang mangyari 'yon dahil malapit na si Daph dito. Ilang minuto na lang siguro at maririnig ko na ang boses niya sa labas.
Kasalukuyan akong nasa sala ngayon at hinihintay siya. Nandito rin ako na imbis nasa kuwarto ako dahil gusto ko lang maka-bonding si Z, pero nasaan siya? ayon, wala ulit. Baka mamaya pa 'yon magpapakita, may lahi pa naman 'yong kabute.
Napatayo ako galing sa inuupuan nang may narinig na kung anong ingay sa labas.
I no wonder if it's Daphne.
Naglakad na ako palabas at napangisi na lang nang tama nga ako, siya nga.
"Janine!" Malakas na tawag nito sa pangalan ko at mabilis na tumakbo papunta sa gawi ko at inayap ako ng mahigpit.
"Ano? parang hindi tayo nag-video call kahapon kung makayakap ka, ah." Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at talagang bahagya pa akong tinulak at inirapan.
"Tks. Hapon lang 'yon no, pero noong maggabihan na ni hindi na kita ma-contact. Ano? Busy ba sa pakikipaglandian diyan sa bodyguard mo, huh?" That caught me off guard.
Bahaygang namilog ang mata ko at halos mataranta na ako sa paglingon sa paligid kung may tao bang nakarinig sa pinagsasabi nang malaking bunganga nitong kaibigan ko ba 'to o ano?
"Ano ba?! Low down your voice, hindi lang tayo ang nandito." Hinila ko siya nang may nakitang paparating sa gawi namin, dahil kung hindi baka kung ano ano na naman ang sabibin nito at baka this time ay may makarinig na nga.
"Ano rin ba? Tks, I thought you're the boss here? Why are you so afraid if someone hear us? Ano? Mas mataas na ba 'yong bodyguard mo kaysa sa 'yo?" Napapikit ako sa pagka-asar pero patuloy ko pa rin siyang hinihila hanggang sa makarating kami sa garden side nang hacienda.
Dito ay nasisiguro ko ng walang taong makakarinig dahil hindi naman sila masyadong pumunta sa gawing ito.
"Look at you now, biatch. Denying that you're not under his command but afraid of him?" I sighed aggressively, and glared at her.
"Shut it. I'm not afraid, okay? A-ayoko lang na pag-isipan nila ako ng mali..."
"Na ano? alin?" Nakataas ang kilay nito at tila nanghahamon ang tingin sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin, "Na may gusto ako sa bodyguard ko!" Akala ko ay binulong ko lang 'yon pero mali ako, maling mali dahil nasigaw ko pala 'yon.
Kaagad na namilog ulit ang mata ko at natataranta ulit na lumingon lingon. Pinagpapanalangin ko na lang na tama ako sa puntong sinabi kong wala gaanong pumupunta rito sa likod ng hacienda dahil kapag nagkataon patay ako, at mapapahiya na naman ako!
Natawa si Daphne, halatang inaasar ako, "Oh bakit? hindi ba, huh?" Mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya. Sa mga oras na 'to nagsisisi na ako kung bakit ko ba siya pinapunta rito. Amp.
"Tigilan mo na nga ako, Daph! Hindi nga. Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako magpapababa ng dahil lang sa kaniya." Subrang diin kong sabi, at walang pagdadalawang isip dahil totoo naman.
Hinding hindi ako magpapababa. Remember what he just did to me the first time we meet? he embarrassment me to a lot of people, and that's the day I promised to myself that I will make him my toy to make him pay. And this? this is just part of my plan.
Makakabayad siya sa pagpapahiya sa akin at makaka-alis ako rito. Surely, kapag nakuha ko na ang gusto ko, magiging dahilan iyon para mag-resign na sa trabahong bantayan ako, at dahil doon? hindi agad hahanap ng iba si mommy. Knowing her, mataas ang tingin niya kay Z when it comes to guarding me. Ni buong buo ang tiwala nito sa kaniya, kaya hindi siya hahanap ng iba, at kapag nangyari 'yon? Edi mapipilitan silang ibalik ako sa poder nila at sila mismo ang magbabantay sa akin.
YOU ARE READING
The Billionaires Brat
Romance[ on-going &. under editing ] billionaires #2 Azrael Vigancillio, a living Multi-Billionaire. He has the looks, the body to die for and obviously he has the money, but he still choose to be someone who doesn't have anything. He choose to be a bodygu...