CHAPTER 12- Your Turn

654 17 1
                                    

Subrang asar na asar ako at not to mention subrang bagot na rin sa kakahintay sa pagbalik niya. Isa pa kung bakit ako inip na inip ay dahil hindi ko dala ang cellphone ko! The most important thing I always brought when I'm going out! Hindi ko nadala. Argh! I'm so messed up, and of course this is all because of Z. Siya naman talaga ang dapat sisihin. Nonormalize ko nang siya ang may kasalanan sa lahat ng mangyayari sa akin.

Nilaro laro ko na lang ang kamay ko at at the same time, patingin tingin din ako sa labas. Buti na lang at hindi tinted ang sasakyan at kahit paunti unti ay nakakagaan kapag may tao akong nakaka-eye contact. May iba ngang pogi at inakala ko pang taga-manila, eh. Hindi ko naman talaga ipagkakait na may mga itsura ang mga taga-bundok na 'to, even Z— wait, what?! Anong si Z? hindi siya kasama, no ang pangit no'n!

Speaking of the evil. I saw him, at papalapit na siya ngayon sa sasakyan. May dala-dala rin itong paper bag at paniguradong nandoon ang mga kailangan ko pero hindi lahat dahil kung lahat pa ay sigurado nang lima o anim na malalaking paper bag ang dala-dala niya, no.

"Have I keep you waited so long?" 'Yon agad ang bungad nito sa akin.

"What do you think?" Nakataas kilay kong tanong dito.

"I'm sorry. Medyo natagalan ako dahil hindi nila masyadong alam ang mga brands na gusto mo, but there's one girl who knew and I think she's also using tha brand you use—"

"Really?" Puno ng sarkastikong tanong ko.

His eyes full of amusement, he nodded, "Yeah—" I smirked.

"Then, throw those..." I pointed the paper bag, "Away. I've changed my mind, I don't want that brands anymore." Sinara ko ang pinto sa puwesto ko at pinikit ang mata. Akala ko ay papagalitan at susumbatan na naman niya ako sa pagiging brat ko na naman pero wala ni isa 'tong sinabi at narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto sa driver seat.

"What brands do you want this time, then? You can list it again later when we get back." Napa-igtad ako sa gulat nang maramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko at akala ko may gagawin siya pero inayos niya lang pala ang seatbelt ko. Napatikhim na lang ako at hindi na rin nagsalita.

Damn it.

Mabilis kaming naka-uwi. Nauna akong bumaba rito at iniwan na rin siya roon. Hindi ko alam kong susundin niya ba ang gusto ko at itatapon nga ang mga 'yon.

I just hate the fact na may gumagamit din pala lahat no'n. I thought it's unique brand but ended up, it's not.

"Miss Janine, may tumawag nga po pala kanina at hinahanap po kayo." 'Yon ang bungad ni manang nang makita ko.

Umupo ako sa sofa at binalingan siya, "Who called me?"

"Ah, wala po silang sinabing pangalan, pero babae po 'yon at parang kaibigan niyo." Natigilan ako. Babae? Is it Daphne? Siya lang naman ang may alam na nandito ako sa province at siya lang din ang binigyan ko ng bago kong number.

Daphne is one of my friends, 'yon nga lang ay siya sa lahat ang pinaka-close ko kasi magka-ugali kami. She's also a brat.

"Give me the phone, manang." Kaagad ako nitong sinunod. Kinuha ko 'yon at dinail ang number niya. Siya nga talaga 'yon dahil memorado ko pa ang gamit gamit nitong phone number.

Segundo lang ang hinintay ko at sinagot kaagad ako nito, "Hello, yes?" Napangisi ako sa boses nito.

"It's me, Janine. Why did you called me?" Sumadal ako sa upuan at napatingin sa harapan ko nang makitang kakadaan lang ni Z roon. Anong ginagawa no'n?

"Oh, my! Is that really you, Janine?! Gosh, bakit ang tagal mo namang sagutin 'yong tawag at noong sinagot pa ay hindi ikaw. Where have you been?" Napa-irap ako. See? Kaugali ko nga siya.

"Pumunta kaming bayan kanina at nalimutan kong dalhin ang phone ko. So, bakit nga? What do you need from me?" I asked again. Halata namang may kailangan siya at kung bakit siya napatawag. Eh, subrang busy nga nito sa manila at sigurado'y nalimutan na ako pero dahil may kailangan nga, ayon napatawag na naman sa akin. I wonder kung ano na naman 'to? Baka isa na naman sa mga kalukuhan niya.

"Duh, kung makapagsalita ka ay tinatawagan lang kita kapag may kailangan ako, ah." Tila nagtatampong sabi nito, napa-irap lang ako hangin.

"Seriously? You know that you're too obvious, right?" Mahina lang itong natawa sa sinabi ko. Inisip niya atang kilalang kilala ko talaga siya.

"Oo na, sige na. Whatever. Pero saan ba ang way nang bahay niyo? puro puno lang ang nakikita ko rito, wala ni isang bahay—"

Nanlaki ang mata ko, "Wait a minute, don't tell me you're here?!" Gulantang na tanong ko.

"Then... I won't tell you."

"Omg! Talaga? You're here talaga?" Malakas na tili ko, nagulat na lang ako nang parang may bumagsak sa kung saan at mayamaya ay humahangos na tumakbo si Z palapit sa akin.

"Fuck! What happened? Are you okay? Did something happened?" Natatarantang tanong nito.

"Yes, yes!" Masayang tili ko, naging alerto naman ito at napatingin tingin sa palagid na para bang mayamaya ay may susugod sa amin.

"Hold on there, Daph. I'll send someone to guide you here, okay?"

"Yeah, sure. Better update me who the hell is that handsome voice from." Napangisi ako at pinatay ang tawag. Tinignan ko ulit si Z na alerto pa rin hanggang ngayon.

"Duh. Z, can you calm down? It's just my bestfriend. She's coming here," lumapit ako rito at tinaasan siya ng kilay, "Your turn now. Behave and be a good boy so that this brat will not be mad at you, okay?" I even patted his hair before leaving him there, speechless.

The Billionaires BratWhere stories live. Discover now