Bigo at nakasimangot kong tinitingnan ang sarili sa salamin, "This is not what I wanted to wear." Napabuntong hininga ako sa subrang pagkabigo.
Pero alam ko rin naman kasing hindi ko na mababago pa ang isip ni Z, baka pagalitan pa ako no'n- pero ayoko talaga nito huhuhu... paano nga kung hindi ako magustuhan? Alam ko ang ang nangyayari kapag ganito no. Palagi ko kaya 'tong napapanood, lalo na't taga probinsya pa naman din 'yong lola ni Z kaya mas magugustuhan no'n 'yong simple lang, hindi gaanong kinulang sa tela 'yong damit-
"Cassandra, are you not yet done?" Napapikit ako. Ganito na lang talaga?
Wala sa sariling naglakad ako palapit sa pinto at dahan dahan 'yong binuksan, bumungad agad sa akin ang nakakunot na pagmumukha ni Z. Mukhang naiinip na kakahintay.
"What takes you too long, Cassandra?" Can't still choose-" Natigilan ito nang pinasadahan niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa.
I told you! Hindi talaga ako nito magugustuhan! Kitang kita ko kasi sa mukha ni Z na parang nagulat siya, at alam kong ayaw-
"I thought you'll be still stubborn..." he cleared his throat, "but I guess you listen to me well this time." That's when he avoided my gaze, that made me confused.
Ano ba talaga? Gusto niya o hindi? Mukhang napangitan sa suot ko at hindi na kaya akong tingnan. Hindi na ako nagtataka kong nagpipigil niya na sa kaloob-looban niya ngayon. Tks..
I pouted, "What? What's wrong?" Did you not like it? pero sinunod ko naman 'yong gusto mo, ah. Ganitong ganito-"
"Yes I know." he cut me off, still avoiding my gaze, "Are you good now?" Napangiwi ako, hindi inaasahan ang naging reaksyon nito.
'Yon lang? Wala man lang bang compliment diyan ni isa? Kahit sabihin niya lang na bagay sa akin 'yong damit o ang ganda ko ngayon, pero wala talaga? Iisipin ko na lang na sa dami dami nang gusto niyang sabihin wala siyang maisip. Sige.
"Not yet. Can I just borrow your jacket? Feeling ko kasi subrang kita lang 'yong balat-"
"No." I pouted again.
"But Z, it's really-"
"I said no, Cassandra. You're just going to hide it, and that's not you. Kahit ang init init nga noong nalilibot kayo nag jacket ka ba? No. You're wearing a short shorts and a crop top that day."
"Oo na nga!" Naaasar na pasinghal kong sagot dito at nauna nang maglakad. Padabog pa akong naglakad pababa sa hagdan at sa kamalas malasan ko ay mukhang napasubra ang pagdadabog ko at hindi ako naka-apak sa isang hagdan. Kaya nakapikit na hinintay ko na lang ang sarili magpagulong gulong pababa at ipahiya ang sarili.
"Tks. What are you still doing? Get up." H-huh? Eh? Dahan dahan akong napadilat at nilingon lingon ang paligid, saka ko napansing hawak hawak pala ako ni Z sa baywang ko.
Mabilis na nag-init ang pisngi ko at natatarantang tinulak siya palayo sa akin at mabilis akong naglakad pababa. "Be careful, brat." That's not a kind asking, that's a command.
Hindi ko na lang din siya pinansin at nauna nang pumasok sa magarang sasakyang naghihintay sa amin sa front door.
"I bet, we also owned this car." Nakangisi kong bulong sa sarili.
Mayamaya rin ay nakita ko na si Z na papalabas na habang kinakausap si Jel. Mukhang may hinahabilin ito sa kaniya. Hindi naman sana talaga ako maiinis dahil alam kong may inuutos lang si Z pero bakit ang tagal? Nakakainip. Hindi niya pa ba alam na ayoko ng pinaghihintay?
"Azrael!" Malakas na tawag pansin ko sa pangalan niya, nagtagumpay din naman ako dahil nakuha ko agad ang atensyon niya. He then sighed, and later on they ended their little chitchat. Tks.
Nang makapasok na ito sa sasakyan ay natigilan ako nang mapansing sa akin siya nakatingin at talagang nakakunot pa ang noo. "What?" Naaasar na tanong ko rito.
"Nothing." Ako naman ngayon ang napakunot ang noo nang makitang parang nagpipigil siya nang ngiti. At ako lang ba o para talaga siyang nakangisi ngayon?
Tks, ewan ko nga sa kaniya. Ano naman kayang ngini-ngisi niya riyan? Masaya ba siya kasi naka-usap niya si Jel? Edi magsama silang dalawa.
"Ano? Gusto mo bang i-cancel na lang 'to at makipag-chikahan ka na lang? o baka naman palit na lang kami ni Jel at siya na lang ang ipakilala-"
"Ah, no... I'm just admiring your pretty face when you're jealous." Napa-awang ang labi ko nang kindatan niya ako, at sa subrang gulat ko roon ay hindi na ako nakapag-angal pa sa sinabi nito at natulala na lang sa pagmumukha niya.
What the- what just happened?
Walang pansinan ang naganap sa buong biyahe namin patunggong bahay nang kaniyang lola. Hindi rin naman niya ako kinausap kaya hindi ko rin siya kakausapin, saka naaasar pa rin ako sa kaniya no!
Mayamaya ay madami na kaming nadaanan na mga bahay, at subrang dami na ring tao kaya alam ko agad na ito na ang bayan at malapit na kami.
"Malapit na ba tayo?" Naniniguradong tanong ko kay Z at bahagyang nilingon pa siya, at natigilan pa ako nang makitang nakatingin din pala siya sa akin.
"Yeah. Why? Are you hungry?" Umiling iling ako at nag-iwas na nang tingin sa kaniya.
Ang totoo ay gutom na talaga ako. Hindi kaya ako kumain nang hapon dahil gusto kong makita nila akong sexy, kaso parang mapapadami ata ang kain ko pagdating namin doon.
"Are you sure?"
"Oo nga kasi." Pagsisinungaling ko ulit.
Bahala na nga, sanay na rin naman akong pigilan 'yong gutom ko kapag ganitong biglaan at nakasuot pa naman din ako nang dress na kitang kita 'yong tiyan kaya kailangan talaga walang bundok na makikita. Tiis ganda na 'to.
"I don't like a brat and a liar, Cassandra. So, you better tell me the truth." With his perfect thick eyebrow raised, he asked me. 'Yong mukha niya parang hindi ka talaga makakapagsabi nang hindi nito magugustuhan.
May bodyguard bang ganito? Ang commanding naman kasi. Nagmumukha tuloy ako 'yong employee at siya naman 'yong employer.
"Oo na Z!" pagsuko ko at kaagad na yumuko sa kahihiyan, "pero ayos lang naman, malapit na rin naman kasi tayo, 'di ba?" He sighed.
"You're so stubborn, Cassandra." Iling-iling na sabi niya at ganoon na lang ang pagtataka ko nang bigla niyang iniliko ang sasakyan at binilisan ang pagtakbo no'n.
"Did you not eat your lunch?" Ayon, mukhang Q and A ulit tayo nito.
"I did!" I immediately answered him. Kumunot ang noo niya at nakipagtitigan pa sa akin saglit hanggang sa kinuha niya ang cellphone niya habang nakatitig pa rin sa akin at mukhang may tatawagan pa.
Shit. I have a bad feeling about this.
"Hello, manang?" Eh? Bakit niya tinawagan si manang? "Did Cassandra eat her lunch, manang?" Habang tinatanong niya 'yon ay sa akin ang tingin niya.
"Not yet, really?" Doon dumiin ang tingin niya sa akin, napakagat na lang tuloy ako sa labi ko, at not to mention na subrang bilis na nang tibok ng puso ko ngayon dahil sa kaba.
"Thank you, manang." That's when he ended the phone call and turned his gaze to me.
"Hmm.. do you know what will happen next to someone who's obviously lying?" Napalunok ako sa sariling laway sa subrang kaba.
"A-ano... kasi ano.."
"What?" He raised his eyebrow.
"Ano..." Ano ba?! Anong sasabihin ko? Sana pala at hindi na lang ako nagsinungaling at sinabi na lang ang totoo. 'Yan tuloy at mukhang papagalitan pa ako.
I heard him tks-ed, "Labas." With his cold voice, he commanded.
"H-huh? pero nasa..." Nabitin ang dapat kong sasabihin nang makitang nakatigil na pala ang sasakyan at naka-park sa isang maliit na bahay. Kahit nalilito pa rin ay dahan dahan akong bumaba, hanggang sa sundan ako nito.
"We're not yet done, Cassandra. Expect your punishment after this. Understood?" Napangiwi ako, at aangal pa sana ako nang mauna na itong pumasok.
"Z! Sorry na nga kasi!" Natatarantang sigaw ko pero hindi man lang ako nito nilingon at diri-diretso lang pumasok.
Patay.
YOU ARE READING
The Billionaires Brat
Romance[ on-going &. under editing ] billionaires #2 Azrael Vigancillio, a living Multi-Billionaire. He has the looks, the body to die for and obviously he has the money, but he still choose to be someone who doesn't have anything. He choose to be a bodygu...