Kabanata 33

223 15 0
                                    

Note: Read at your own risk.

33. Apology Accepted

"I'm sorry, kumain lang Naman kami sa mcdo." Mahinang sambit ko.

Gusto ko sanang sabihing, kamusta Naman kayo ng kalandian mo? Kung makapagsalita ang bwesit na lalaking ito, kala mo hindi lumandi kaya ka namin iniwan.

"Apology not accepted." Masungit na sambit Niya.

Nakasakay na kami ngayon sa loob ng kotse. Ibinigay ko kay celandine ang take out namin kanina. Papalubog pa lang ang araw. He started the engine and drive safely. He's still mad, pero dapat ako ang magalit. Pero, para Saan Naman? Ang gulo ko rin. Nakakainis. Ano bang kinagagalit ko kung may kalandian siya? Mga galawan ko rin eh, no! Ang daming palusot kahit nahuli na akong nagseselos. Wala namang kaselosselos roon, naiinis lang ako.

"Hubby, I'm sorry," malambing kung sambit ko.

Nasa likod rin ang pinabili kung phone. Pinahawak ko kay celandine noong isinakay siya ni Asher. Pagkatapos niyang sabihin iyon sa akin ay alam kung galit siya. Hindi man lang Niya ako pinansin. Napatingin ako sa likod ng makita si celandine na busy roon sa dati kung phone. Hindi ko pa nasasabi kay asher na nagkausap kami ng pinsan ko. Bakit kailangan ko pang sabihin sa kaniya?

Mabuti Naman at pumayag na ang pinsan ko na samahan akong magprepare ng surprised birthday party para kay celandine. Noon Kasi ay tatawanan Niya lang ako at tatalikod na sabay sabing, 'I'm busy, I have something to do on my office.' Akala ko nga iyon ang sasabihin Niya ulit. Mukhang may sumapi o nakain ang pinsan ko kaya siya nagdilang angel. Ihahanda ko na rin ang mga bibilhin at kailangan kung sakaling dumating ang araw na magsisimula na ako sa surprised. Tahimik kaming lahat sa loob ng kotse.

Hindi ko alam kung paano magsisimula. Paano nga ba? Ilang sandali ay tumigil na ang sasakyan. Narito na kami sa bahay. Bigla tuloy akong kinabahan, lalo pa at galit si Asher. Kait galit ay inalalayan pa rin Niya ako pababa. Agad namang tumakbo sa loob si Celandine papasok ng bahay. Nasa garage kami, at kami na lamang ang naiwan ni Asher. Napalunok ako ng lumingon ako sa kaniya. He's looking at me seriously.

Paano ko ba siya mapapakalma? Napaatras ako at alam kung Hindi pwedeng tumakbo dahil buntis ako at baka mapaano pa kami ng anak ko. Ngayon alam ko na kung bakit ako kinakabahan. Kapag galit siya, galit rin ang little junior Niya.

"Sorry," mahinang sambit ko at nagbaba ng tingin.

Patuloy ako sa paghakbang paatras. Binibilisan ko na nga para Naman makapasok na sa loob ng bahay. Gusto ko sanang nandito pa si celandine para Naman kahit papaano, ay panatag ako. Nagtaas ako ng tingin at nakitang halos tumakbo na ako ng makita ang malalaking hakbang Niya. Kayo na po Ang bahala sa amin ng baby ko. I run as fast I could just to get away from him.

"Fuck, careful!" He shouted.

Nagpasalamat ako at walang nangyari sa amin ni baby. Agad Kung hinanap si celandine at nakarinig ako ng ingay nagmumula sa kusena. Nagpunta ako kaagad roon ng marinig Ang mga yabag ni Asher. Naabutan ko ang anak ko na nakaupo sa stole at inaalis ang pagkaing tinake out namin sa mcdo. Umupo ako sa tabi Niya at sa gilid ng mata ko ay naglakad papalapit sa amin si Asher. Napaupo ako ng tuwid ng umupo siya sa aking tabi.

"Daddy, we take out your food. Hindi ka po Kasi sumunod sa amin, kanina..." Celandine said.

Nasa gitna Nila akong dalawa. Agad namang ibinigay ni celandine sa akin ang pagkain na inorder ko. Ang chicken with rice, spaghetti, burger at fries. Meroon pang extra na spaghetti. Hindi ko Kasi kinain iyong akin kanina.

The Devil's Sweetheart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon