CHAPTER 27

1 2 0
                                    

CHAPTER 27

"Gusto na atah kita"

Napa kurap naman ako sa sinabi niya
Tas napa lingon sa kanya.

Naka tingin lang siya sa malayo at walang imik, kaya walang nag salita sa aming dalawa ng ilang Minuto.
Hindi ko din alam kung anong sasabihin at dapat na maramdaman ko. ,Kung nasa maayos lang ako na sitwasyon ngayon malamang niyan kinilig na ako pero hindi na ako bata. hindi na tulad noon ang sitwasyon namin na pwede ko siyang mahalin ng malaya, pero ngayon ang daming manga bagay na kailangang i Consider dahil idol na siya, Malaking Consequences ang mag date ng Idol, alam ko yun kasi madami na kaming naka trabaho na Idol, na nag kaka iskandalo sa manga ka relasyon nila, na maaring ikasira na reputasyon niya at hindi ko alam kung kakayanin ng konsensya ko ang harapin ang ganung sitwasyon kung sa kali.

"Naguguluhan kalang dahil sa sitwasyon natin ngayon" basag ko sa katahimikan at Umiwas ng tingin at iginilid ang ulo,

Narinig kolang ang buntong hininga
"Hindi...." napa tigil nanan siya ng tumunog ang phone niya."wait lang Sasagutin kolang to"paalam niya sa akin Narinig ko ang pag bukas ng pinto kaya alam kong lumabas na siya, kaya naka tingin na ako ngayon sa Pintong nilabasan ni Jimin.

"Ano bang dapat na maramdaman kong ganyan ang sinasabi mo sa akin?"bulong ko at napa iling nalang saka naka naka tingin lang sa kisame, ilang minuto pa unti unti ng bumigat ang mata ko dahil Siguro sa Gamot na ininom ko kaya nakaramdam ako ng Antok, Ipinikit ko nalang ang mata ko at namalayan ko nalang na naka tulog na ako.

NAGISING Ako Ng alas 4 am ng Umaga dahil naka ramdam ako ng Uhaw, kaya napa Bangon ako at umupo sa kama, napansin ko wala na siya paligid, siguro Umalis na. mas mabuti na iyon.

Inilibot ko ang tingin sa Buong Lugar, at hinanap ang lalagyat ng Tubig nung nakita ko sa gilid dahan dahan akong tumayo at ang tungo doon at uminom ng tubig,

Napansin kong napakaganda ng View Dito kaya Mas Nilakihan ko ang pag bukas ng Bintana, mula dito tanaw ko ang City lights woah,

Ng ma realized ko kung nasaan ako napa Kunot ako ng noo ng napansin kong nasa VIP room pala ako kaya bigla ko agad na isip ang babayaran noon. Kulang na nga ang pambayad ko dito sa operasyon ni papa tas nandito pa ako sa mamahaling room.

kaya nag tungo ako sa may drawer dito kung nasan naka lagay ang manga gamit ko at Kukunin ko sana ang cellphone ko sa bag ng maalala ko na naiwala ko pala ang cellphone ko nung aksidente sa dressing room ni Jimin, hayst naman.

Pupunta na sana ako salabas para mag tanong ng nasagi ng mata ko ang  side table may napansin akong cellphone doon na mukhang hindi naman sa akin. kaya lumapit ako doon at Kinuha iyon"Kanino to?"tanong ko sa sarili ko pag ka kuha ko noon, pag talilod ko sa phone napansin ko ang Cover nito kaya alam kona kung kanino iyon."Maiwan niya ba to?"tanong ko at binukasan ang phone para tignan kung tumawag siya dito sa phone niya. Baka kasi Kailangan niya eto sa trabaho.

Napa ngiti naman ako ng makita ko ang picture niya na naka wacky face sa siyang lock screen wallpaper ng cellphone. Kaya napa ngiti ako"Parang bata"bulong ko napansin kong wala lang itong lock kaya siwipe to Unlock kolang ang phone niya.

Nawala naman ang ngiti ko ng makita ang home screen wallpaper niya,

Isa iyong Picture ko na naka Uniform na Suit tas naka Tayo sa Gilid. Ano ba to? Nakakaramdam ako ng Tuwa dahil doon pero pinipigilan ko ang sarili kong maging masaya dahil nga natatakot ako. "Bakit ba eto ang wallpaper ng lalaki to?" Tanong ko

Pano nalang kung may makakita noon? Pumunta ako sa icon ng contact Number at nag hanap na pwedeng matawagan doon

Napa kurap ako ng tumunog iyon tas may nag pop up na message kaya tinignan ko ang icon messege doon ng may message doon.

"PROMISE"(BTS Series #5) PARK JIMINWhere stories live. Discover now