13

9 2 0
                                    

Something's off beyond the status

NIKKI'S POV

Oh my gosh, it is so tiring! Nakakapagod na kung ano-ano na lang ang maii-kuwento ko kay Kieran para lang hindi niya mapuntahan si Adallina kanina. Halos lahat na nga ng mga estudyante sa amin, and I know naman na pag-uusapan kami ng mga iyon at panigurado ay makakarating iyon kay Adallina in no time. Pumasok ako sa kuwarto ko at doon nahiga sandali, ilang oras lang ay umupo naman ako sa study table ko pero ilang sandali lang din ay hindi ko na alam kung saan ako pupuwesto. Hindi ako mapakali na para bang bawat upo at pahinga ko'y may kung sinong nakatingin sa akin na siyang hindi ko nagugustuhan, habang hindi ako mapakali roon biglang may kumatok at binuksan ang pintuan ng kuwarto ko, it was Dad.

"Dad, ikaw pala? May kailangan ba kayo?" Tanong ko rito at umupo sa kama ko. "Bakit naman parang balisa kayo? May problema po ba?"

Umiling ito at umiwas ng tingin. "May mga katanungan lang ako para sa iyo, Nikki." Tugon nito na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Ano 'yon, Dad?"

"No'ng namatayan ka ba ng kapatid, ano ang naisip mo? Gusto mo bang mag-isa ka lang o mas gusto mong kasama mo siya?" Napangiwi ako sa sinabi niya, dahil ni minsan ay hindi naman niya ako tinatanong nang ganiyan. "Gusto mo ba siyang makilala o 'di kaya'y mayakap? Sagutin mo ako, Nikki."

"Actually Dad... I can't think about it, masiyadong dehado kung iisipin ko kaagad." Napabuntong-hininga na lamang ito kaya niyapos ko ang mga pisngi nito. "Pero para sa akin sa oras na makapag-desisyon ako nang maayos, siguro pipiliin kong makasama siya, bakit niyo naitanong?"

"Wala lang. Simula kasi no'ng mabuhay tayong dalawa lamang hindi ko na sila naiisip pa kahit nga ang Mom mo ay hindi ko na naalala ang death anniversary niya. Maliban na lang sa nangyari sa akin kanina lang." Sambit nito kaya kumunot ang noo ko. 

"What happened to you earlier? May masakit po ba sa iyo?"

"Walang nangyari sa akin. It's just... Parang nagpaparamdam sila sa akin na dapat inaalala ko sila kahit sandali man lang. Inaasikaso ko kasi iyong mga papeles sa company ng dad ni Ada tapos biglang nahulog iyong painting ng Mom mo para sa sister mo noon, tapos parang may bumubulong sa akin." Paliwanag nito. "Hindi kita tinatakot, Nikki okay? Nagsasabi lang ako."

"Dad kahit sabihin mong hindi mo ako tinatakot sa kuwento mo, matatakot pa rin ako!" Reklamo ko kaya humalagapak siya sa tawa. "Tumatawa ka pa riyan, Dad!"

"Siguro kung narito ang kapatid mo, magiging masaya pa tayo lalo. Sana nga, narito na lang siya at kasama natin."

"Guardian angel naman natin siya e." Tugon ko at ngumiti sa kaniya. "Even me, I really really miss them, sana lagi silang nasa mabuting kalagayan."

----------------------------------------------------

ADA'S POV

I ate dinner with all of them, tahimik kaming kumakain na magkakasama at sabay-sabay plus first time lang namin maging ganito dahil lagi naman silang busy and sometimes, wala talagang pakialam kahit niyaya ko sila. Habang kumakain ako bigla kong nakagat ang dila ko kaya uminom ulit ako ng tubig, yes ULIT; Paano ba naman kasi nakakailang kagat na ako sa dila ko na hindi sinasadya at sobrang sakit kaya */screams in silence; nakakainis, masakit!

"Panglima na 'to!" Reklamo ko at halos mabusog na ako sa tubig dahil sa sobrang sakit. "Nakakainis naman, I can't enjoy eating foods tuloy."

Ngumisi sila Dad and Mom even kuya Livius. "Baka kasi pinagc-chismisan ka!" Sabay-sabay nilang sambit kaya tinarayan ko sila.

"Walang dapat pag-chismisan sa akin ano. At saka maliban na lang kung may plano sila sa akin na masama." Angal ko kaya ngumisi silang lahat. "Gwapo at ang ganda niyo pala kapag mga ngumingiti kayo, sana lagi ko na lang iyong makita at sana sabay-sabay tayo ulit kumain."

"You'll see us being like this everyday, okay?" Dad smiled at me and patted my head. "One month na lang ay babalik na si ate Esha mo." 

My eyes widened. "Uuwi na si ate Esha?" Tanong ko at tumango-tango naman ito. "May isa na namang demonyo ang nakalabas sa hawla nito." Bulong ko at ngumiti sa kanila nang mapait.

Nagpatuloy kami sa pagkain, nagk-kuwentuhan, nag-aasaran and first time kong makita na maglambingan muli sila Mom and Dad. All I can do now was to giggle because of happiness I am feeling right now, the way how flustered kuya is, first time ko lang makita ang pagiging ganoon nila. Pagkatapos naming kumain, pinaupo namin iyong mga maids para makakain na rin sila nang sabay-sabay para sa hapunan nila------after those things, umakyat ako sa taas at naririnig ko pa ang cellphone ko na nagr-ring kahit nasa may pintuan pa lang ako. Kinuha ko iyon at nakitang tumatawag sa akin si Kieran, actually naiinis pa ako sa inaasta nilang dalawa ni Nikki kanina sa university, ultimo pati ang klase ay nakaligtaan niya dahil sa pakikipag-kuwentuhan sa babaeng 'yon? Damn it.

Muli siyang tumawag kaya sinagot ko siya. "Ada, I've been waiting for hours here. Nasaan ka na ba? Papunta ka na ba sa restaurant?" Tanong nito sa akin kaya pumamewang ako.

"Restaurant? Bakit ako pupunta? Ano bang mayroon?" Tanong ko rin sa kaniya.

"Our dinner, sabi ko treat ko 'di ba?" Sambit nito kaya umiling na lang ako. "Nasaan ka na ba? I'll pick you up instead."

"No need, I'm not coming, Kieran. Nagyaya kasi sila Mom ng dinner with us kaya nakakain na ako, I'm sorry if I let you waited there for hours."

He chuckles so I got confused. "Thank you for letting me wait for hours, Ada. Halos hindi pa ako kumakain dahil hinihintay ita, sana man lang nagsabi ka kaagad."

I gasped. "Sorry din ha? Dahil mukhang kasalanan ko pang unexpected na magyaya si Mom nang dinner with us. Ako na may fault, okay ka na ba? Should I bow my head virtually para sincere ang apologies ko?"

"Ayan ka na naman, Ada. Nagiging ma-pride ka na naman. Nagiging pikon ka kahit pinagsasabihin ka lang." Sagot nito.

"Grabe, sumagot lang naman ako, ma-pride na? Ikaw nga hindi mo ako sinasagot sa oras na si Nikki ang pinag-uusapan nating dalawa e, sinabihan ba kitang pikon or what? Damn it, Kie." Iritado kong tugon. "And now, you're being silent? Dahil ba I bring up Nikki over here? Gosh."

"Ada... Stop bringing her up. Wala naman siyang kinalaman dito ah?"

I chuckles bitterly. "Sige, I won't bring her up since then but can I ask, Kieran?" Tanong ko at hindi ito sumagot. "Bakit simula no'ng nakikita mo na si Nikki, bakit parang lagi na lang siya ang biktima? Lalo na iyong nangyari sa library na ayaw mo akong paniwalaan."

"Dahil siya naman talaga ang dehado no'ng makita ko kayo, you were standing right there and doing nothing." Mariin nitong sambit kaya halos kumulo ang dugo ko sa inis.

"Dehado? Ako ang una niyang binagsakan ng shelf na iyon! And for nothing freaking reason, inalis niya ako at sinuksok ang sarili niya roon. Now, you're saying that she's the victim and I'm doing nothing? Halos magkasugat ako sa pangungurot niya sa akin dahil ayaw niyang magpatulong!" Reklamo ko. "Hindi ako magtataka kung bukas at sa iba pang araw, mas bagay nga kayong dalawa tulad ng sabi ng ibang tao, tsk."

Next chapter ahead. Enjoy reading!

LS#4: Save me, Doctor✓Where stories live. Discover now