First day of observation
NIKKI'S POV
Kakauwi ko lang and bumungad kaagad sa akin si Dad na sobrang balisa at hindi mo maintindihan ang ikinikilos niya. Lumapit ako sa gawi nito para tanungin siya pero humagulgol na lang ito sa iyak at may kung anong pinagsisisihan siya kaya lalo lang akong nagtaka at paulit-ulit siyang tinatanong doon.
"Dad, what happened ba? Tell me, baka makatulong ako." For the third time, I asked him again. "May nangyari bang masama? Ano bang nangyari? Nagkaroon ba ng problema sa company?"
"Nikki..." He hold my hand while he's crying. "I-I... I-I d-did something h-horrendous."
My eyes widened as I began being worried what he did next. "H-horrendous? Why? What did you do, Dad?"
"I feel guilty, I feel embarrassed but I-I didn't m-mean anything to do i-it. I am sorry about h-him, I am really s-sorry a-about him." He started crying out loud that I couldn't calm him down. "Nikki, I-I can't... I-I can't help it t-that's why, I did i-it and I f-feel sorry."
"Shussh, calm down, Dad, okay? Tell me, what happened so I won't get confused, okay?" I cupped Dad's face and smiled. "What happened?"
"Yung d-dad ni Ada, I saw him." Napatakip na lang ako sa bibig ko at nadanggi ang flower vase sa gilid ng sofa. "Nikki, I saw him! And you know what happened? He knows, he knows about our plan in their company and I think he knows me too."
"Are you sure? Namukhaan ka niya?" Tanong ko at tumango naman ito bilang sagot niya. "Anong nangyari sa kaniya, Dad? What's horrendous act you did?"
"Sinagasaan ko 'yong kotse niya para hindi na niya masabi pa." Dahil sa pagkagulat ko ay nasampal ko sa kanang pisngi si Dad nang hindi sinasadya. "Nikki..."
"Dad, I'm sorry. I'm really really sorry." Paghingi ko ng tawad at hinimas ang pisngi niya. "Ada knows." I shortly exclaimed and his eyes widened.
"W-what? H-how? Buhay pa ang tatay niya?"
"I don't know pero kanina tinatanong niya ang pangalan mo and I gave it dahil akala ko wala lang. But now, I heard that thing and I am now regretting it."
"Hindi naman niya ako makikilala, Nikki. She won't."
"Make sure of that, Dad." Mariin kong sambit at tumitig sa mga mata niya. "Ada's siblings are Esha Livia Eir and Livius Phtonus Eir. Sila ang tunay na mga anak ng mga Eir's."
---------------------------------------------------
ADA'S POV
Hey! It's my first day being there sa De La Salle Medical Center, buti na lang pumayag na rin kaagad ang professor at chief nang hospital kaya papunta na ako roon at nasabihan ko na rin iyong kaibigan ni Mom about the apartment renting.
Habang pababa ako nang hagdanan, I saw Mom making sandwiches kaya lumapit ako at nagpaalam na. "Mom, mauuna na po ako." Sambit ko at ngumiti.
"Ada!" Tawag nito sa ngalan ko kahit nasa gilid niya lang naman ako. "Heto, baunin mo 'yan ha? Iba't ibang jam 'yong nilagay ko dahil hindi ko alam 'yong gusto mong jams e."
Kinuha ko iyong dalawang tupperware. "Thank you, Mom." Aalis na sana ako kaso may itatanong pa ako kaya nilingon ko siya ulit. "How's Dad?"
"He's fine, doing a great job. Thank you so much, Ada."
"Hmm, yeah."
Lumabas na ako nang bahay and I saw Kieran's car in front of our gate. He said, ihahatid na raw niya ako para hindi hassle and nagpaalam naman siya sa professor na mal-late siya. I was joking, teasing and annoying him dahil magiging busy na rin naman kami pareho pero dahil pikunin siya, ayan ang kinalabasan para siyang kamatis na puputok sa inis, gosh.
"Oh bakit? Inaano ka ba? Nagsasabi lang naman akong wala na akong chismis na masasagap tapos nagagalit ka." Angal ko pero hindi niya ako kinikibo. "Wala na, pikon ka na."
"You can have Nikki's phone number para updated ka sa source." He winked at me. "Ano akala mo? Hindi ako sasabay sa trip mo, Ada? Aga aga, nang-iinis ka sa akin."
I pinched his nose. "Hindi na ako magtataka kung bigla kong malalaman na ikaw na ang papalit kay Nikki dahil sa pagiging chismoso mo."
"Hindi kaya, makiki-chismis lang ako tungkol sa Preston na 'yon." I stared at him for a second and chuckles. "Wala lang, awkward and weird siya at the same time."
"Siguradista ka talaga kahit kailan, anyway he was humble when I met him kaya huwag ka nang mag----" He cut me off.
"What if he do something to you?" Jusmeyo beh, napahalagapak na lang ako sa tuwa dahil sa mga sinasabi ni Kieran. "I'm not joking or what, Ada. What if he does?"
"Stop it, Kieran. Stop procrastinating." Sambit ko at tumigil naman ito. "What if you do something behind my back huh, Kieran?"
"Me? I'm not going to, Ada. I've changed, you know about it."
"Hmm, well..."
"You don't fully trusting me, isn't it?" He asked and I shakes my head. "Got it, hmm. We're here, enjoy and good luck, Ada." He stopped the car and said those words without looking to me.
"I'm trusting you, Kie. Not fully yet I have it on myself." Tugon ko. "Thank you sa paghatid, mag-ingat ka rin and good luck sa iyo sa UST." I kissed his forehead, tinanggal ko 'yong seatbelt ko pero hinala niya ang kamay ko at sabay halik sa aking mga labi.
"I love you, Ada."
"I love you too, Kieran."
---------------------------------------------------
Nang makapasok ako roon, pumunta muna ako sa room ni Dad at binati siya. Naka-ayos na rin ang mga gamit niya dahil magd-discharge na sila ni kuya Livius. Habang naglalakad, nagtitingin-tingin sa paligid, someone patted my shoulders so I turn my back to see it.
"Hey." We both greeted each other. "Aga mo ngayon Ms. Ada------"
"Please, call me Ada instead okay? Masyadong formal, Preston." He chuckles. "Where can I get those s-scrubs?"
"Sa locker, samahan na kita."
We got in the locker room and guess what? Ang daming interns bukod sa mga trainee observant lang ay halos mapuno ang room dahil sa mga nagsisiksikang tao sa loob. Nang makalabas ang iba sa kanila, saka lang kami pumasok at doon ako nagbihis.
Pagkalabas na pagkalabas namin, may mga nagkukumpulang pasyente ang nakasakay sa stretcher ang ipinapasok sa may E.R, may mga sugatan, mga duguan at putol ang isang bahagi o parte ng kani-kanilang katawan; hinawakan ni Preston ang kamay ko kaya nagtaka ako.
"Huwag kang bibitaw, magulo rito." He exclaimed. "Teka, my resident paged me, wait me here okay?"
"S-sure." Sagot ko at saka siya umalis.
Habang nagt-take ako ng notes doon, may isang bata ang naroon sa harapan ng entrance ng ospital at duguan ang bandang noo nito kaya itinago ko ang notebook ko at saka ito nilapitan. He was standing firm na para bang isang statue na halos hindi mo na malalaman kung humihinga pa ba siya or not.
"Hey, you okay? May hinahanap ka ba? Sinong kasama mo?" Sunod-sunod kong tanong sa bata pero hindi niya ako sinasagot. "May hinahanap ka ba? May kakilala ka ba na narito sa ospital?"
"D-doktor po b-ba k-kayo?" Nangangaralkal nitong tanong sa akin kaya tumango ako bilang sagot ko.
"Bakit? Hinahanap mo ba ang magulang mo? Nawawala ka ba?" Tanong ko pero umiling lang ito, kinuha ko ang Pen torch ko para makita ang mga mata nito. "May problema sa mata mo." Bulong ko at hinawakan ang bata sa kamay pero bigla na lang itong natumba at nag-seizure. "I need help! Somebody help! Help." Paulit ulit kong sigaw doon.
Next chapter ahead. Enjoy reading!
YOU ARE READING
LS#4: Save me, Doctor✓
Teen Fiction[COMPLETED] Fool of love, desperate dreamer and lonely most of the time. A professional general surgeon whose heart is like a stone. Isang bitter na babaeng walang ibang ginawa kundi intindihin ang sarili kaysa sa iba. Uunahin ang sariling intesyon...