17

10 2 0
                                    

Rambulan na 'to!

ADA'S POV

Naupo ako roon sa upuan ko habang pinapanood sina Kieran at Nikki na sumasagot sa mga katanungan sa television na pinapanooran ko. Dahil nga representative sila pareho sa competition na iyon, hindi matanggal ang tingin ko sa bawat galaw ni Nikki towards Kieran.

"Ms. Adallina Eir, unahin mo ang pagt-take down notes diyan kaysa titigan si Mr. Kieran Zalana sa television. Makinig hindi titigan." Sambit ng professor namin.

"Sorry, Sir." Paghingi ko ng tawad dahil sa inasta ko sa harapan nito. "Well, hindi ko alam na kapag nasa Business Management ka, required na magalaw ang kamay mo." Bulong ko sabay hikbi at nagsulat na lamang.

Habang nakikinig sa mga isinasagot nila, sa mga isinasagot ng kabilang university representatives, I patiently wrote it down para sa notes ko. Ilang oras din ang nakalipas, pinatay bigla ng professor namin ang television kaya lahat kami ay napatuon doon ang atensyon sa kaniya.

"We'll have a quiz on those things they answered. Bukas na bukas, naiintindihan ba?" Tanong nito kaya um-Oo na lang kami. "Good, first subject dismiss." Sambit nito at kasabay niya ang mga nagsisi-takbuhang estudyante ng section namin palabas ng class room, hay nako.

Actually, wala talaga akong naintindihan sa sinulat ko dahil iyong mata ko ay hindi mapakali sa kakatingin sa mga galawan ni Nikki kanina sa television, gayun pa man ay pag-aaralan ko na lang sa bahay mamaya at magr-research ako kahit kaunti para pandagdag man lang. Nang makalabas ako sa class room namin, nakabunggo ako ng isang estudyante na hindi ko naman sinasadya, hmm.

"Ano ba! Kanina pa may nakakabunggo sa akin!" Iritado nitong sambit na siya naman ay isang pamilyar na boses sa akin. "Ada? Ikaw pala 'yan?" Yeah, it was her, ate Esha.

Akala mo laging gulat sa oras na nakikita ako pero hindi naman talaga. Ano bang klaseng reaksyon ang mayroon siya ha? */confused; Medyo stressful isipin ganern po.

"Yeah, it was me. Sorry kung nabunggo kita, hindi ko naman sinasadya." Tugon ko pero tinarayan niya lang ako. Aalis na sana ako kaso tinawag nito ang pangalan ko muli. "May kailangan ka ba?"

"Kanina, may nakabunggo sa akin na isang babae tapos kilala ka niya tapos tinanong niya ako kung kapatid kita dahil pareho tayo ng apelyido." She stated so I got confused. "Kilala mo ba 'yon? Kabit mo? Hindi ko alam na nagugustuhan din pala ang mga babae." Biro nito pero umiwas ako ng tingin.

Siya talaga iyong taong kilala ko na walang ginawa kung hindi ay mag-isip ng mga bagay na wala namang kabuluhan. */rolled eyes; Hindi ko alam kung pati mga professors or pati magulang namin, gawin niya na rin ng relationship status on her own decisions behind us, gosh. Kakairita ha.

"Hindi ko akalain na bintangera ka na, ate. Ayan na ba ang sort of changes mo no'ng umalis ka ng isang buwan sa bahay at manahimik pansamantala?"

"Watch you freaking mouth, Ada. Malilintikan ka sa akin." Mariin nitong sambit kaya umiwas na lang ako ng tingin. "Sino ba kasi iyong babaeng 'yon ha? Kilala mo ba?"

"Hindi mo naman ni-describe, paano ko makikilala? Hindi ako fortune teller ha, baka kasi inaakala mo lang, tsk."

Aamba na sana siya nang sampal pero pinagtaasan ko siya ng kilay. "She's long haired, sexy, slim and pretty girl. Sa Business Management siguro siya."

"She's Nikki, a not very close friend of mine. Okay ka na ba?"

"Hmm, may kaibigan ka pa pala?"

"Siguro, ate Esha. Ikaw ba? Ay mayroon ka nga pala ano? Si Satanas." Sarkastiko kong sambit.

"Ano? What the hel----"

"Yeah, magkaibigan kayo, right? Parehong demonyita." Sambit ko at umalis na, tatanong na nga lang siya tapos mamb-bwesit pa sa akin.

-------------------------------------------

Nag-order lang ako nang kakaunting snacks dahil busog pa naman ako kahit papaano. Naupo ako roon sa pinaka-gilid na corner sa cafeteria at kumain mag-isa, I saw kuya Livius together with ate Esha's group of friends, he waved his hands at me and I smiled at him. Kumain ako nang tahimik doon habang hinihintay si Kieran, hours had passed, tumayo ako para pumunta na sa class room dahil second class na namin and wala pa rin si Kieran pati na rin si Nikki.

Pagkarating ko sa class room, I saw my professor, looking at me while holding her bunch of books. Naupo ako nang tahimik at nakinig sa mga lessons niya which is about "SURGERIES." She also said that every surgery, takes its own risks beyond, beforehand of opening patient's bodies. She listed some different surgeries and I wrote them on my notes immediately, she stared at us for a minutes and went back on listing again.

"Everyone, pay attention!" Maotoridad nitong sambit kaya lumingon kami sa kaniya. "Pick one surgery and performed them to me next next week, okay? Do research, asking, and everything. Ayoko ng FAILURE." All of us were shocked, it seems that we're all not ready to made those things.

I stayed on my chair pero sabi nila ay wala na raw iyong pang-huli naming professor dahil coach siya ng baseball team kaya busy at hindi makakapag-discuss sa amin. Lumabas ako ng class room at naghintay sa may parking lot si Manong para sunduin ako, ilang oras lang ay dumating na ito kaya sumakay na ako at hindi na hinintay si Kieran.

Habang nagmamaneho si Manong at nakatingin ako sa bandang bintana, nakatanaw ako ng isang couple na halos pamilyar sa akin, the height, hair and how the guy walks was totally familiar to me. Ibinaba ko iyong window ng sasakyan para tiningnan sila, nang makilala ko iyon, I was shocked. It was them, Kieran and Nikki walking together along the side walks, tinawag ko si Kieran pero hindi niya ako naririnig kaya umupo na lang ako at ini-angat iyong window ng sasakyan namin.

-------------------------------------------

NIKKI'S POV

Pabalik na kami sa university para kuhanin iyong mga reminders paper para sa mga subject na nalaktawan namin dahil sa competition. Nang makuha iyon, nauna nang umalis si Kieran dahil gusto raw siyang makausap ni Ada kaya naman ay naglakad na rin ako palabas sa ng class room nang may isang babae ang nagtapon sa ulo ko ng isang malamig na juice.

I looked at her fiercely and blazing. "What the fvck is your problem huh?" Iritado kong tanong pero tumawa lang ang mga ito.

"Sabi ko naman kasi sa iyo, NIKKI. Kilalanin mo ang binabangga mo, ni mag-sorry ay hindi mo sinabi sa akin bagkus pinagtaasan mo pa ako ng boses kanina!" Siya 'yon, ang ate ni Ada.

"Bakit ako mags-sorry ha? Santo ka ba para hingian ko ng kapatawaran? Harang ka kasi sa daanan kaya ka nabubunggo ng kung sino-sino!" Reklamo ko pero hinawakan niya ang buhok ko na siyang napigilan ko at hinawakan ang mga kamay niya. "Ikaw ang kumilala sa mga binabangga mo Esha Livia Eir." Sambit ko sabay bitaw sa kamay niyang napaka-dahas, tsk.

Next chapter ahead. Enjoy reading!

LS#4: Save me, Doctor✓Where stories live. Discover now