Miserableng Buhay bilang isang ampon ng pamilya
ADA'S POV
After spending four hours in listening, answering and hearing their applauds between Kieran and I; My stomach hurts dahil gutom na ako kanina pa. Kaunti lang din kasi ang kinain kong almusal sa bahay kaya tumungo kami kaagad sa may cafeteria, nang makarating kami roon lahat ng estudyante ay halos mahimatay sa kilig na dumadaloy sa kagagahan nila. Kieran is the famous heart throb kuno rito sa U.P------halos lahat kasi ng mga pinagsasalihang competition ng U.P para sa mga medical students ay siya ang unang nakilala rito. When that news came out, halos dumugin siya ng mga estudyante para makapagpa-picture lang or whatever kaya hinayaan ko na lang.
Nag-order kami roon ng menudo at chicken pastel na meal at saka umupo roon sa pangalawang upuan sa bandang dulo. Habang nakain doon, napansin kong may kung sinong tinititigan si Kieran kaya lumingon ako at nakita si Nikki Agacci, isa siya sa mga kilalang medical student sa second-year college students dito sa U.P------isa rin siya sa kilalang famous CEO of her own company kasi maraming may kakilala sa kaniya at umi-idolo.
"Hmm, she's pretty, isn't it?" I chuckles as Kieran looked back to me again.
"W-what? May iniisip kasi ako, anong sinabi mo?" Tanong nito kaya ngumisi ako.
"Sabi ko, maganda si Nikki 'di ba?" He didn't response for one minute yet he nodded for the second time around. "Well, hindi na ako magtataka kung siya ang iniisip mo kaya hindi mo narinig ang sinabi ko."
"Come on, Ada. Ayan na naman tayo, I already told you that I changed, 'di ba? Iniisip ko lang iyong date natin mamaya." He winked at me so I shakes my head. "Sabay na tayo, okay?"
"May date pala tayo?" Sambit ko para asarin siya, he looked at me confused. "Hindi ko alam kasi ang alam ko ay sabay lang tayong uuwi."
"Ada naman, stop it."
"Bakit? Totoo naman ah? Hindi mo naman sinabi sa aking may date pala tayo."
"I already told you about it earlier, pagkarating mo roon sa classroom kanina."
"Wala kaya." Reklamo ko pero bumuntong-hininga lang ang ginawa niya. Wala, nainis ko na siya. "Oo na, we'll have our date later, okay?"
"Fine." He crossed his arms so I chuckles. "Kanina, muntikan na kayong mag-rambulan ni Esha ah? Ano na naman ba kailangan niya?"
"Ano ba laging kailangan niya? Pera."
"She also texted me about you pero hindi ko na lang ni-replyan. Bakit kasi hindi siya maghanap ng trabaho like what you did before?"
"Asahan mong gagawin niya 'yan. Ni maghugas nga sa bahay, mag-asikaso man lang ay hindi niya magawa. Mahanap pa kaya ng trabaho at mag-pagod? Gosh, Kie."
Lumipat siya sa tabi ko at hinalikan ako sa noo. "Hayaan mo na, isipin mo na lang iyong date mamaya okay? Hmm, okay?"
"Y-yeah." I uttered.
Bumalik kami sa classroom at kasabay namin ang Pharmacology professor namin, he is a man. He said that Pharmacology is the study of how a drug affects a biological system and how the body responds to the drugs The discipline encompasses the sources, chemical properties, biological effects and therapeutic uses of drugs.
"Adallina, what is the two major branches of Pharmacology and its definitions?" He stated.
"Pharmacokenitics which refers to the absorption, distribution, metabolism, and excretion of drugs and
Pharmacodynamics, which refers to the molecular, biochemical, and physiological effects of drugs,
including drug mechanism of action." I smiled and so he does.------------------------------------------------
Pagkatapos ng tatlong subjects, umalis na rin kami ng classroom, I saw ate Esha's circle of friends tapos ang sama pa ng tingin sa akin no'ng Cheska kuno. Hindi ko na lang sila pinansin at sinundan si Kieran patungo sa isang restaurant sa may Makati. Naka-dine in kami sa Firefly Roofdeck Restaurant kaya medyo malayo-layo pero naka-kotse naman kaya mabilisang biyahe lang.
Nang makarating kami roon, we ordered some dishes that we usually get, Kieran got his own tequila but I don't. Minsan lang ako mag-inom when it comes occasionally. Habang nagkukuwentuhan kami roon, may isang taong tumabig ng pagkain ko kaya natapon ito sa uniporme ko--------tiningnan ko kung sino ito at nang makita ko'y napa-buntong hininga na lamang ako.
"Ay sorry, Ada. Hindi ko kasi alam na hindi ka pala trash bin para tapunan ng pinagtirhan." Ate Esha stated. "May date pala kayo ng boyfriend mong gwapo na si Kieran tapos ikaw dugyutin? Gosh, kaya tinatanggi kitang kapatid e."
Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. "Dahil ba 'to sa perang hindi ko ibinigay sa iyo ha? Porket ba hindi ka napagbigyan, sumusobra ka? Ano ka, nakahithit? Ayusin mo buhay, ate Esha."
Tumayo ako para kumuha ng tissue pero tinulak niya ako pabalik sa upuan ko. "Pera lang naman hiningi ko pero pinagdadamutan mo ako! Minsan lang ako manghingi tapos ganiyan ka pa?"
I chuckles bitterly. "Minsan ka lang manghingi? Talaga ba? Gosh, sabi ko nga hahahaha." Tinulak ko siya at tumungo sa comfort room para kumuha ng tissue pero sinundan niya pa ako.
Sinabunutan niya ako at kinaladkad palabas ng cr, hindi ko siya mapigilan kasi halos dalawang kamay niya ang nakahawak sa buhok ko at wala akong masyadong pwersa. Tinanggal niya ang kamay niya sa buhok ko at itinulak ako sa mismong gitna ng daanan ng restaurant at binuhusan ng whiskey at margarita kaya sobrang lagkit ng katawan ko, gosh.
"Sa susunod kasi, mamigay ka ha? Ampon ka lang naman." Sambit nito at umalis kasama ang mga kaibigan nito pero bumalik ulit siya at binuhos sa akin ang isang cranberry juice. "Attention everyone! Ampon lang 'to okay? Huwag kayo papatol dito, maramot 'yan tapos magnanakaw pa."
Lahat ng tao ay nagsisi-tawanan, nagbubulungan, nagtitinginan sa akin at kung ano-ano ang pinagsasabi sa akin. Hindi ako makatayo kaya tinulungan ako ni Kieran. Hiyang hiya akong umupo muli sa upuan ko pero wala pang ilang minuto'y patakbo akong umalis at pumunta sa may kotse ni Kieran sa labas. Naupo ako sa gilid nito at doon umiyak, nakita ko siyang naglalakad patungo sa pwesto ko kaya tumayo ako at pinagpag ang damit ko kahit basang-basa ito.
"You okay? Hatid na kita, mababasa ka rito at saka lalamigin ka." He hugged me that tight pero itinulak ko siya palayo. "W-why?"
"Mag-aamoy alak ka, mapapagalitan ka nila tita."
He chuckles. "Alam nilang naglalasing ako okay? Nag-iinom ako at alam nila kaya sanay sila." I stared at him. "Come on, I'm taking you home, Ada."
Ibinigay niya sa akin iyong coat na mayroon siya sa back seat ng kotse at isinuot sa akin ang coat na iyon. Nang makarating ako sa bahay, I saw kuya Livius and ate Esha chuckling, giggling on something--------pumasok ako at umakyat sa taas pero tinawag nila ako pero hinayaan ko lang sila. Habang papunta ako sa kuwarto ko, sinampal ako ni Mommy kaya nagulat ako.
"M-mom? B-bakit p-po?" Nangangaralkal kong sambit.
"How dare you na ipahiya si Esha sa isang restaurant ha? At sinong may sabi sa iyong mag-inom ka at kasama mo pa si Kieran?" Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi ni Mom. "Give me your phone, hindi ka lalabas, si Manong ang magsusundo sa iyo at hindi si Kieran. Ampon ka na nga lang, ganiyan ka pa umasta? Grabe ka, Ada." Wika nito habang pababa siya papuntang sala kung nasaan sila ate Esha.
"Si ate Esha po ang nagpahiya sa akin, tinapunan niya ako ng whiskey at margarita. Tinapon niya pa nga sa akin iyong pagkain sa uniform ko e."
Sinampal niya muli ako. "Ampon ka lang, tunay na anak ko sila. Dugo at laman ko sila kaya huwag mo silang binabanggit at dinadamay sa katangahan mo, naiintindihan mo ba? Simula ngayon, pag-aaral mo lang ang aasikasuhin mo!"
"M-mom..."
"You're not my daughter, Ada so stop acting like you are my daughter I gave birth."
Yes, I am an adopted child of Eir's Family and this is how hell nourished my freaking body.
Next chapter ahead. Enjoy reading!
YOU ARE READING
LS#4: Save me, Doctor✓
Teen Fiction[COMPLETED] Fool of love, desperate dreamer and lonely most of the time. A professional general surgeon whose heart is like a stone. Isang bitter na babaeng walang ibang ginawa kundi intindihin ang sarili kaysa sa iba. Uunahin ang sariling intesyon...