ɪɴ ᴛʜᴇ ɴᴀᴍᴇ ᴏꜰ ʟᴏᴠᴇ
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ꜰɪꜰᴛʏ ᴏɴᴇ
⟮ ᴄᴏɴꜰᴇꜱꜱɪᴏɴꜱ│ᴡᴏʀʀɪᴇᴅ ⟯
『 ʀᴇɴᴢ ᴋʏʟᴇ ꜱᴀʟᴠᴀᴅᴏʀ'ꜱ ᴘᴏᴠ 』
" Bye Kyle! " paalam sa akin ni Stephanie ang sekretarya ng classroom namin, nagpaalam naman ako sa kaniya at winagayway ang kanang kamay ko.
Kakarating palang namin dito sa dorm buildings galing sa office ni teacher Carla, may pinapagawa kasi siya sa amin at tsaka natapos na kami ng alas otso na ng gabi.
Pumasok naman ako sa building ng dorm namin at sumakay sa elevator. Pagkasakay ko ay agad ko namang pinindot ang 5th floor button at matiyagang naghintay. Makaraam ang ilang segundo ay nakarating na ako sa aling destinasyon, agad naman akong lumabas sa elevator at pumunta sa dormitory ko at ti-nayp ang passcode saka pumasok na.
Pagkapasok ko ay agad na tumambad sa harapan ko ang madilim at tahimik na atmospera dito sa loob ng dormitory.
Ba't ang dilim? Pinatay niya naba ang ilaw kasi natutulog na siya? - tanong ko sa aking isipan.
Agad ko namang pinailawan ang ilaw dito sa loob ng dormitory, at tsaka pumasok sa kwarto para magbihis ng damit. Pagkapasok ko ng kwarto ay tumambad naman sa akin ang madilim at tahimik na atmospera kaya pinailawan ko naman ang ilaw sa loob. Nakita ko naman na walang tao sa loob kaya naisip kong hindi pa siya nakabalik sa dorm.
Madami siguro siyang ginagawa kaya hindi pa siya nakababalik. Hmm, well. That's a good thing though, mabuti nalang at wala pa siya para naman hindi ako mairita sa kaniya.
Nagsimula naman akong magbihis at pagkatapos ay lumabas na ng kwarto para kumain, nagugutom na kasi ako dahil sa daming ginawa namin kanina sa office ni teacher Carla. Nagpatulong kasi siya sa amin ni Stephanie sa mga gawain niya kasi daw hindi niya kaya mag-isa. Kung nag-hire nalang kaya siya ng assistant niya, pinapagod niya kang kami eh.
Binuksan ko naman ang refrigerator at nakita ko namang walang laman ang ref, nasa loob lang ay mga hilaw na pagkain...walang luto na. At kung magluluto naman ako ay hindi rin makakain kasi hindi naman ako marunong magluto, putek talaga, if only I know how to cook then I would not depend on him.
Aish, I'm speaking about him again. I've promised to myself na, I wont talk about him kasi naalala ko na naman ang mga pagtatalo namin noong nakaraang araw.
Hays, tang'na nagagalit pa rin ako sa kaniya sa tuwing naaalala ko yung pangyayaring yun, pero naintindihan ko naman siya kasi baka nasabi niya lang yun dahil lasing siya nung gabing yun...pero, nagtataka pa rin ako eh, sa'n niya napulot ang balitang may boyfriend ako? Palaisipan pa rin talaga sa'kin yun.
" Sheesh, let's stop thinking about it now. Mag- oorder na muna ako ng makakain ko. " sabi ko sa sarili ko.
Binuksan ko naman ang cellphone ko saka na nag- order ng makakain. Makaraan ang ilang minuto ay tapos na ako sa pagpili ng makakain ko, kaya pinadeliver ko na ito.
( 40 minutes later )
Knock, knock
Naring ko namang may kumakatok sa pintoan kaya agad ko naman itong pinagbuksan.
" Mr. Salvador po? " tanong ng lalaki.
Sumagot naman ako sabay tango.
" Heto po yung inorder niyo. " sabi ng lalaki sabay abot ng plastic saka ko naman naamoy ang bango nito.
YOU ARE READING
In The Name Of Love - Bxb [ Ongoing ]
Fiksi Remaja•⟮ ᴍᴘʀᴇɢ ⟯• •ꜱᴇᴀꜱᴏɴ ᴏɴᴇ• An identical twin brothers namely, Axcel Zachary Constantino is Jung Sung-hyun and Renz Kyle Salvador is Jung Seongyeon. Son's of a President in the country of Korea but got alienated from their real family because of someon...