Chapter One: Umasa
Kriselle
One month before the quarantine period.
FROM: Diego Hontiveros
Can we meet at 7 pm at Carlito's?From: Diego Hontiveros
I have something here which belongs to you. Dapat dati ko pa ito binigay sayo.May gumuhit na ngiti sa mga labi ko nang mabasa ang mensahe na iyon ni Diego. May ibibigay daw siya sa akin na dapat ay dati pa niya binigay. Tunog proposal iyong pagkakasabi niya at hindi ko maiwasang kiligin.
Pero parang bilis naman yata...
Anyway, wala naman sa tagal ng relasyon ang pagpapakasal lalo na kapag true love.
Lalo akong kinilig sa kaisipan na sa wakas may magpo-propose na sa akin ngayon. I met Diego in a dating application called Honeycomb. Na-attract ako sa picture palang niya kaya gumawa na ako ng move agad. I took the courage to chat him first, sending him the corniest pick up line I know. Akala ko hindi siya mag-re-reply kaya handa ko na i-uninstall iyong application noon.
Wala naman kasi matinong kausap at puro casual thing lang ang mga gusto. But Diego reply and we clicked even if I'm the corniest person he ever met. Ang kalat ko sobra pero walang kaso iyon kay Diego at tanggap niya kung ano at sino ako. Iyong small talks namin ay naging everyday hanggang late night talks na. Wala na keber kahit inaantok pumasok ng opisina dahil pag-ibig ang tumama sa akin.
After few voice call, nag-level up kami sa video chat hanggang sa magkita na kaming dalawa. Mabilis lang lahat at nang sabihin niyang gusto niya ako ligawan, pumayag ako agad. Now, Diego and I were in a relationship for four months now. Matagal din at hindi na masama kung magpo-propose siya sa akin.
Excited akong lumakad pabalik sa opisina namin at nginitian bawat empleyado na masalubong ko. Weird para sa iba dahil kilala nila akong masungit na engineer dito pero hayaan na lang at bahala na kung ano 'man ang sabihin nila.
"Aba, mukhang maganda mood natin, ah!" tuya ni Hera sa akin - isa sa mga kaibigan at katrabaho ko. Pareho kaming engineer at may hinahawakan na magka-ibang project. Biyernes kasi ngayon kaya narito kami sa opisina para gawin ang mga paperworks na natambak mula Lunes hanggang kahapon, Huwebes. "Anong bago sayo?"
"Wala naman," hindi ko maiwasang kiligin kapag naalala iyong chat ni Diego.
"Nako oy, kilala kitang babae ka. Anong meron ngayon at ganyan ka makangiti?"
"Magpapakasal na ako..." ngumisi ako matapos sabihin ang mga salita na iyon nang pakanta.
Nawala ang ngisi ko nang bigla akong hampasin ni Hera. Grabe, si Hera palang ito paano pa si Beauty at Autumn kung sakali. Pisikalan talaga ang trip naming magkakaibigan at ako ang laging biktima.
"Hindi nga? Magpapakasal -" Agad ko tinakpan bibig ni Hera nang malakas siya magsalita. Sa kanya ko palang sinabi dahil kaibigan ko siya. Saka na sa ibang katrabaho namin kapag may singsing na akong ipagyayabang.
Excited na akong isampal iyon sa mga nagsabing hindi ako magkaka-jowa agad dahil ambisyosa ako. Wala namang masamang maging ambisyosa kaya who you sila kapag may singsing na akong suot!
"Huwag ka maingay. Sayo ko pa lang sinasabi kasi kaibigan kita," sabi ko saka pinakawalan ko na ang bibig niya. Kumuha ako ng wet tissue at pinahiran iyong nag-smudge na lipstick sa kamay ko.
"Maka-takip naman ito ng bibig!" Nag-peace sign ako matapos punasan ang kamay ko. "So, paano ka magpapakasal eh wala pa naman akong nakikitang singsing sa kamay mo. Saka 'di ba three months palang kayo?"
BINABASA MO ANG
Love Quarantined
RomanceKriselle Bonifacio is a confident, straightforward, and enthusiastic engineer who believes there are no possible reasons for falling in love. She firmly believes that feelings shall be known, not hidden to the receiving end. But her bravery is teste...