CHAPTER TWENTY-TWO | IN DENIAL
Colby
"DR. LEVEZQUE!" Nahinto ang aktong pag-alis namin ni Kriselle nang marinig ko na may tumawag sa akin. Agad akong lumingon at gano'n din si Kriselle. Pareho kaming na-surpresa nang makita si Ms. Lopez kasama ang debutante pati na si Mr. Mercado na ilang dipa lamang layo sa amin. Napatingin ako kay Kriselle at mas mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay. "Are you going home without greeting us first? Where is Madam Levezque?"
Huminga ako nang malalim bago nagsalita.
"Lola got caught up with her schedule today. I attended this party on her behalf, but we need to leave. My girl is not feeling well." I know it's rude to go away without greeting the celebrant, and Lola might scold me, but it's not essential to me. Mas importante sa akin si Kriselle at ang maka-alis dito ngayon ang kailangan namin gawin.
"Anyway, this is our daughter Eden and my partner, Dennis. Sayang at wala si Madam dito ngayon para sana makumusta namin personal na maimbitahan sa aming kasal." Nakita ko na sinilip ni Ms. Lopez si Kriselle. "Is she the daughter of J Group? The one who is bethrode to you... I forgot the name..."
"No. This Engr. Kriselle Bonifacio, the one that I'm courting." Nagtama ang mga mata naming dalawa ni Kriselle at alam ko ang ibig sabihin ng mga titig na iyon. "We have to go now. We're sorry about this, Ms. Lopez. My girl's health matters the most to me."
Ngumiti si Ms. Lopez gano'n rin ang anak nitong si Eden. "You talk like your Dad, Dr. Levezque. He's very affectionate especially to your mom."
"Yes he is." Hindi ko na maitatanggi iyon lalo't nakita ko kung magmahal ang aking mga magulang kahit saglit lamang.
"Colby..." mahinang tawag sa akin ni Kriselle.
"We really have to go, Ms. Lopez, Mr. Mercado, Eden." Binati ko ang celebrant bago muling nagpaalam sa kanila. Hindi na nila ako pinigilan pa at tuloy-tuloy na kaming umalis ni Kriselle. Hindi ako sigurado kung anong klaseng balita ang makakarating kay Lola pero hindi na importante iyon. Aware naman na siya na may iba akong gusto na pakasalan at makasama habang buhay. "I'm sorry about that, Kriselle. I tried my best not to get you hurt but I guess -"
"It's okay, Colby." Tiningnan niya ako sa pilit na ngumiti. "Let's go home now." Nauna siyang pumasok sa sasakyan at sumunod na lang ako sa kanya.
Buong biyahe ay tahimik lang si Kriselle at wala naman akong ibang magawa kung 'di igalang ang pananahimik niya. Tinuon ko ang aking atensyon sa daan at bigla na lang sumagi sa isipan ko ang mga paborito niyang pagkain. May mabibili pa kaya ako noon sa ganitong oras? Kinuha ko ang akin cellphone pero may bumawi noon agad sa kamay ko.
"Do not text while driving. Gusto ko pa mabuhay at mag-asawa."
"Sorry, but don't worry because I will marry you soon. Ayaw kitang madaliin at maghihintay ako sayo, Kriselle."
Umirap siya at tinuon na ang mga mata sa labas. "Why me? The pancake hassler is way more gorgeous than me."
"Because you are you, Kriselle. I don't think I need deep-rooted reasons for liking... no loving you."
"Baka naaawa ka lang sa akin,"
"I'm not, and please stop being in denial."
Tumingin siya sa akin bigla. May nasabi ba akong mali? Totoo namang siya at ako pa lang iyong sigurado sa aking nararamdaman. Siya lang iyong gusto ko mahalin at naiintindihan ko na naman ang pagiging in denial niya. Dumaan din ako doon pero hindi ko siya pagseselosin. I will never hurt my girl nor make her cry.
"Hindi na ako sigurado kung gusto ba kita o hindi na. Baka dala lang ng lungkot iyon kaya kita kinulit." Hindi ako nakakibo agad. I didn't expected that hear from her. "Babalik na ako sa apartment ko bukas. Safe naman ako doon at kilala ko mga kapitbahay ko."
BINABASA MO ANG
Love Quarantined
عاطفيةKriselle Bonifacio is a confident, straightforward, and enthusiastic engineer who believes there are no possible reasons for falling in love. She firmly believes that feelings shall be known, not hidden to the receiving end. But her bravery is teste...