Chapter Thirty-Three: Forever With You

221 9 0
                                    

CHAPTER THIRTY-THREE | FOREVER WITH YOU

Kriselle

KULANG ang salitang kabado ako ngayon na hinihintay ko signal na pwede na ako lumabas ng sasakyan. Makailang ulit ko na binigkas ang mga panalangin sa aking isipan upang gabayan niya kami sa araw na ito. Hinihiling ko rin na maging smooth kahit naumpisahan nang hindi kanina. Kapatid yata talaga ni Jollibee ang pamilya ni Papa. Sukat ba namang siya lang ang umiba sa suot ng mga bridesmaids ko samantalang hindi naman siya ang maid of honors.

Hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon ay pulos sakit ng ulo ang dulot nila sa akin. Nagpa-solo picture pa sila sa photographer at kumpletong inagaw ang eksena sa akin. Kapag naaalala ko ang mga nangyari kanina, kumikirot ang sentido ko. I decided to ignore them so I couldn't ruin my own wedding. Dapat masaya ako dahil ito na ang hinihintay ko na forever noon.

"Ms. Kriselle, tara na po," pukaw na salita sa akin ng wedding coordinator.

Inalalayan niya ako pababa ng sasakyan at naka-abang naman sa pintuan ng simbahan ang tatlo kong maid of honors. They helped me fix my gown and the veil on my head. Siniguro ni Hera na secured ang veil ko para pagladlad ni Sean noon ay hindi matanggal.

"Ready ka na?" tanong sa akin ni Beauty.

"Oo pero kinakabahan pa rin ako," tugon ko at napipilitang ngumiti sa kanilang tatlo.

"Cheer up girl. Ginawan na namin ng paraan ang problema mo."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Autumn. Isa-isa nilang na-kwento sa akin na kinulong muna nila sa suite nila sina Zara at Eden para hindi makapang gulo. Hindi ko sukat akalain na ganito sila ka-reliable tatlo at pati problema ko'y nasolusyunan na nila. Hindi ko maiwasang matawa lalo't naiimagine ko ang reaksyon nang dalawang pa-importante na iyon.

"Bilib ka na ba sa amin?" Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Hera.

Muli nila ako inayusan at pumosisyon na kami nang magbukas na ang pintuan ng simbahan. Naunang lumakad ang tatlo kong maid of honor na sinundan ko naman agad hanggang sa makalapit ako kay Sean.

"Ang ganda mo," aniya sa akin.

Ngayon lang niya ako pinuri kaya hindi ko maiwasang matawa. Wala talagang kaiyak-iyak sa kasal na ito dahil umpisa palang ay pulos nakakatuwang pangyayari na. Bukod nga lang sa kaguluhang hatid ng pamilya ni Papa.

"Sige lang bolahin mo pa ako." Sean chuckled.

"Sabagay mayaman ka na, Little Madame." Pasimple ko siyang siniko bago bahagyang yumukod para maayos niyang masaklob sa akin ang veil ko. "Mas emosyonal pa yata ako sa magiging asawa mo."

Sa dulo nitong aisle, naroon at nakatayo si Colby na abot tainga ang ngiti. Katabi niya si Erian na siyang best man niya, si Mercy at Lola Irene. Lahat sila ay hinihintay ako na makalapit.

"Sira ka. Tama nga si Sheena ang babaw ng luha mo." Hindi ako makapaniwala na maluha-luha akong hinatid ni Sean sa altar at inabot kay Colby ang aking kamay. "He's a crybaby." I said to Colby which made him laughed.

Nakipagbatian siya kay Sean habang ako naman ay sa pamilya niya kasama na si Erian. They're all happy for us. Ngunit hanggang sa mga oras na ito'y hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na kaming dalawa.

"Are you ready to be my wife?" tanong ni Colby nang balingan niya ako.

"Yes, I'm ready to spend my forever with you," I answered as I gave my hand to him.

***

"WHERE are we going, babe?"

Hindi pa tapos ang reception namin pero heto kami at paalis na sa hotel. Kay Lola Irene lang kami nagpaalam kanina pati na kay Mercy. Lubos ko pinagtataka ang lahat ng nagyayari ngayon. Successful at sobrang memorable ng araw na ito mula sa simbahan hanggang dito sa venue ng reception. Na-exceed ng JSD Events ang expectations ko sa kabila ng mishaps sa photoshoot bago ang kasal.

Love QuarantinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon