Chapter Twenty-Eight: Girlfriend

237 16 0
                                    

CHAPTER TWENTY-EIGHT | GIRLFRIEND

Colby

TODAY, Kriselle and I will have our booster shot for vaccine we got months ago. We agreed to meet in front of the hospital. Hindi dito sa St. Jude gaganapin ang citywide vaccination pero dahil may ilang pasyente akong kinausap kanina, dito na lang kami nagkasundo na magkita. Galing din siya sa OCG ngayon para magpasa ng liquidation forms at reimbursement. Kailangan niya raw ang pera dahil may mga parcel na namang darating sa unit ko. Little did she know, I already received all the boxes and paid for it earlier.

"Babe!" sigaw na nagpalingon sa akin. There I saw Kriselle running towards my spot. Muntik pa nga siya madapa kaya imbis na hintaying makalapit sa akin ay sinalubong ko na lang. "Naghintay ka ba ng matagal? Ang tagal i-release ng reimbursement ko kaya natagalan ako."

Lumuhod ako sa harap niya para i-check ang kanyang paa na bahagyang na-sprain.

"I think you should check your ankles first."

She's a klutz.

May mga pagkakataon na bigla na lang siya matitisod kahit walang nakaharang na bato. Madalas bumangga sa kanto ang tuhod at hita niya kaya laging may pasa. Hindi ko tuloy maiwasan mag-alala kapag naiiwan ko siya mag-isa dito. Back and forth ako sa ibang bansa ngayon dahil sa research na kailangan ko i-represent personally. Sa katunayan nga'y kababalik ko lang kahapon at ngayon lang kami nagkitang dalawa.

"Hindi naman masakit." Tumayo ako at agad na niyakap siya. "Is there a problem?"

"No. I just want you to be careful always." Lagi kong bilin iyon kay Kriselle kaso hindi talaga inaasahan ang aksidente. Gaya na lamang noong naaksidente siya sa ginagawang bahay ko. Hindi siya pinabalik ni Engr. Ortega doon at lagi lang nasa opisina itong girlfriend ko. Minsan napunta dito sa ospital para mag-sub sa dalawang bagong engineer na namamahala sa mga minor works dito.

Bahagya siya lumayo at tiningala ako. "Yes, Dad," she giggles while I groaned. Sinapo ko ang magkabila niyang pisngi saka pinatakan ng halik ang tungki ng kanyang ilong. Napapikit siya saka ngumiti pagkatapos. "May dumating na bang delivery para sa akin?"

"Yeah, nasa unit na at bayad ko na rin."

"Teka, nandito pambayad na mga iyon." Tuluyan siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at may kinuhang sobre sa loob ng bag. "Here."

"It's okay,"

"No. Accept that. Hindi kita pagbabayarin para sa mga luho ko."

One thing I like with my girlfriend, she never made me pay for things she called wants. Kapag kakain, minsan ako magbabayad, minsan siya o 'di kaya ay hati kami. Despite my busy schedule everyday, I make sure to check on her always. Kriselle's job is as stressful as my job here in the hospital. Noong isang araw lang ay nagbreakdown siya dahil sa stress.

Mabuti na lang at magkasama kaming dalawa ng mangyari iyon at nagawa ko siyang pakalmahin. Siniguro ko na maramdaman niya na lagi lang akong nasa kanyang tabi kahit na anong mangyari. Sinisingit ko ang mga two-day trip na kaming dalawa lang para ma-relax siya. Minsan simpleng movie marathon lang sa unit ko o sa apartment niya solve na. Hindi ko rin siya ginugutom kapag magkasama kami. And I make sure what she's eating were healthy.

"Fine. I'll pamper you next time."

"Will look forward to that, Doctor."

***

KANINA ko pa tinitingnan ang hawak ko na maliit na kahitang naglalaman ng singsing na balak ko ibigay kay Kriselle. I know it's too early for this but we've knew each other for a long time, and I think that's enough. Enough for me to give this ring and ask her to be part my of my life forever. Binili ko ito sa Hawaii kahapon at balak ko na sana ibigay kanina nang magkasama kami magpa-vaccine kaso nanghina ang loob ko. Baka kasi hindi pa siya handa at ayoko namang mapilitan lang siya.

Love QuarantinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon