Chapter Nineteen: Live Kiss

237 15 0
                                    

CHAPTER NINETEEN: LIVE KISS

Kriselle

SWIPE LEFT.

Left.

Ayoko nito masyadong buff.

Blue eyes swipe right.

I slouched while browsing on the dating application I recently downloaded. Syempre kailangan ko i-flex ang bagong haircut ko courtesy of my friend, Autumn. Talented lahat ng kaibigan ko at iyong isa ay nag-a-apply pa na sa superhero. Saka sila rin ang nagsabi sa akin na mag-download ako nitong application ulit kahit dito ko nakilala si Diego.

So far, hindi pa naman ako na-i-scam. Marami lang ako na-encounter na manyakol at walang pakundangan mag-send ng anes nila. Kung pwedeng mag-ipon at gawing slide show iyong iba't-ibang variation ay ginawa ko na. Tingin ko rin kailangan ko magpatak ng holy water sa mata dahil masyadong na naging makasalanan para sa araw na 'to. May iba na pulos bagets at binabago lang edad nila na 'di ko naman pinapatos.

Ayoko ng bagets. Gusto ko iyong mas matanda sa akin kahit nakikini-kinita ko na ako iyong magiging pasaway niyang jowa. I don't want to be caged nor to relocate. Mahal ko ang Pilipinas at hinding-hindi ako aalis dito.

"Nakiki-wifi ka lang dito sa ospital, Kriselle. Bakit hindi ka na lang umuwi?" Hinayon ko ang tingin ko kay Hera ngunit agad din nabaling kay Lucille na lumapit sa akin para magpakalong.

"Hindi kaya. See? Bibili kami ni Lucille ng chocolates sa labas," sabi ko pagkakalong sa bata. Lucille giggled and pointed out the door. Ibig sabihin noon ay umalis na raw kaming dalawa. "ibabalik ko din anak mo mamaya Sean."

"Kapag iyan lumaking spoiled brat talaga..." nahinto sa pagsasalita si Sean.

"Mana malamang sa inyong dalawa." Pamimilosopo ko at muling nagpaalam na.

Pumayag naman si Sheena na bilhan ko ng chocolates si Lucille kaya sapat na iyon para umalis kaming dalawa. Nagshe-share sa iisang kwarto si Hera at Sean ngayon dahil masyadong marami iyong casualties ng aksidente kahapon. Isang dahilan kaya ako ang nagpapirma kaninang umaga at ma-witness ang pakikipaglandian ni Colby sa jowa niya. Kapag naalala ko iyong eksena kanina ay hindi ko maiwasang mainis.

Iyong bagong engineer ang pumalit sa akin pagka-pirma ko dahil utos ni Sean na mag-focus ako sa Rizal project. Mas malaki kasi iyon at dalawa pa kaya hilong talilong din ako kung minsan.

"Okay... what shall we buy pretty Lucille?" tanong ko sa kasama kong bata nang marating namin iyong convenience store sa malapit.

"I want Chuckie and a bread, Ninang."

Binuhat ko siya at pinakita iyong mga tinapay. "Choose which bread you want to buy. Isa lang para hindi sumakit si tummy mo."

"I want that one po," tinuro niya iyong cheese bread na apatan sa isang balot. "I'll eat only two, promise!"

"Okay sige. Promise iyan, ha? Baka kasi magalit si Mommy sa atin," tumawa si Lucille at hinalikan pa ang ilong ko bago nagpababa. Ang sweet talaga ng isang ito at binisita niya rin ako noong naka-home quarantine ako. Kinuha ko ang tinuro niyang tinapay pati na ang inumin. Kumuha din ako ng isang bote ng inumin at chips na ngangatain ko sa biyahe. "Let's go now Lucille," tawag ko sa inaanak ko pero hindi siya lumapit.

May pinupulot siyang mga nalaglag na tinapay at binalik iyon sa shelves. Parang hindi ito anak ni Sean. Masyadong mabait at mapagkawang-gawa.

"Done!" Tumakbo palapit sa akin si Lucille at kumapit sa kamay ko. Kumakanta-kanta pa siya habang naglalakad kami papunta sa counter.

"Kris!" Hinayon ko ang tingin sa tumawag sa akin. Napangiti ako nang makitang si Dr. Quervas iyon ngunit napalis nang masino ko naman iyong kasunod niya. "I thought you'll handle the project here again."

Love QuarantinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon