Chapter Six: Positive +

298 16 0
                                    

Chapter Six: Positive +

Colby

AS I LISTENED to Engr. Bonifacio exchanged words with Engr. Ortega and Engr. Clemente, I find myself wanting to know more about her. Para kasing ang dami niyang kinikimkim na hindi sinasabi. Dinadaan lang niya sa biro ang lahat pero isang way iyon upang hindi ipaalam sa iba ang kanyang pinagdadaan. Ang alam ko lang pinaasa siya base sa mga salita niya roon sa viral video ng pagbigwas sa akin. Other than that, I know nothing. She opened up when got drunk but it's all about the guy named Diego.

I've been there, keeping my real feelings before but Lola taught me how to be open up when it comes to it. Siya lang ang pamilya na meron ako kaya hindi ako pwede maging malihim sa kanya. Although may mga pagkakataon na pinapalipas ko muna bago ipaalam sa kanya lahat. Gaya ngayon, ayoko siya mag-alala ngayon hangga't wala pa iyong resulta. Dinampot ko ang cellphone at nagpadala ng text kay Erian na huwag muna tawagan si Lola hangga't wala pang resulta ng test. Reliable naman si Erian minsan pero makailang ulit niya ako pinagalitan kanina.

It was an accident.

Naglalakad ako noon papunta sa NICU para tingnan iyong baby ng expectant mother na sinugod ko dito kahapon. Bigla na lang hinimatay iyong babae kahapon at saktong napadaan naman ako. She was eight months pregnant and I was about to cut her open but halted when the Emergency Ambulance from 911 came. Dito ko siya pinasugod sa St. Jude para maisalang sa operasyon agad. The expectant mother undergone ceasarian and put her baby on incubator immediately.

Hindi ako sa lugar na ito dumaan dahil wala naman akong suot na PPE. Basta narinig ko na lang iyong malakas na pagtawag sa akin tapos sumunod na ang pagtili. I took the risk and entered this place without any protections. Then I saw Engr. Bonifacio with a suspected Corona virus carrier experiencing convulsion. Dali-dali akong lumapit, binalewala ang process na ako mismo nagpa-implement at tinaya ang sarili kong buhay para iligtas ng pasyente na nasa kabilang kama ngayon.

Isolated place ito at kailangan naka-PPE ang sinumang pumasok sa floor at facility na 'to. Ang laki din ng signage na hindi napansin ni Engr. Bonifacio kahit sila naman nag-install noon. Ortega Construction Group recommended big door signages for the higk risk triage like this. It seems like Engr. Bonifacio's eagerness to get my sign brought us here. It's a cruel fate and it's not like an ordinary cliché or meet-cute encounter.

There's a virus between us that has already entered our body system without our knowing due to ignorance of the process and negligence.

"How long are we going to stay here?" tanong na pumukaw sa akin.

Lumingon ako kay Engr. Bonifacio. "Fourteen days kapag positive ang resulta," tugon ko.

"Kapag negative?"

"St. Jude implemented a monitored seven days quarantined in a different isolation room for those who got negative results."

"Malaki ba ang chance na mag-positive tayo?"

"I cannot say, but between you and me, I'm at risk since the patient bit me."

"Bakit parang normal lang sayo ito?"

Ayan na naman siya.

Kanina noong tinulungan niya ako gamutin ang sugat ko, nanginginig na siya at agitated na rin. Naiintindihan ko naman kung saan siya nanggagaling. Nakaka-stress talaga maging close contant ng taong suspected carrier. And it's not normal to me. I'm just being a doctor here and I need to maintain professionalism.

"I am a doctor, Engr. Bonifacio. It's not normal to me even if I worked here. I just need to be professional all the time. Ayokong sabayan ang pagpapanic ng mga pasyente dahil baka imbis na makatulong ay makasama pa lalo."

Love QuarantinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon