CHAPTER THIRTY-FOUR | LOVE
Colby
"PRACTICE SAFE DISTANCE lalo kapag truck nasa unahan mo. Alam mo na kung nasaan ang gas at break, ha."
Pangatlong beses ko na binilinan si Kriselle tungkol sa pagmamaneho. Alam ko na marunong siya mag-drive pero noong huling beses na hayaan ko siya ay muntik pa kami mapa-away sa daan. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon na hahayaan ko na naman siya mag-drive. May lakad sila ni Lola at isang charity event iyon sa labas ng Metro Manila. Kaya naman lalo ako natatakot dahil freeway ang daraanan niya.
"Alam mo ba'ng nakakarindi ka na?" I chose not to answer that. Nakakarindi naman talaga lalo kapag paulit-ulit pero inaalala ko lang ang safety niya. "Kaya ko naman mag-drive, babe. Huwag mo ako masyado alalahanin."
"How would I do that? As far as I could remember, we're married, Mrs. Levezque." Ngumiti siya at iyon lang naging tugon niya sa dami ng sinabi ko. "Take my advice, okay? Be careful. Bumalik ka sa akin ng buo at walang bangas."
"Yes, sir!" I cupped her face and gently caressed it. Hindi ko inasahan ang pagtingkayad niya saka paghalik sa labi ko. "I love you. Uwian mo ako ng chicken wings mamaya."
"Chicken wings?"
"May bagong product sila Lito at nagpa-reserve na ako sa kanila." Muli niya akong hinalikan sa labi bago tumungo sa driver side ng isa naming sasakyan. Sinundan ko siya at ako na nagbukas ng pintuan noon. "Mag-ingat ka rin sa pagpasok mo sa ospital. Kumain ka on time. And I'll have Dr. Quervas to watch over you."
"Stop tormenting that guy. Halos itulak na nga tayo dahil sa inggit."
Kriselle chuckled. "Nirereto ko siya sa kaibigan ko, ayaw naman niya." Inalalayan ko makapasok si Kriselle loob ng sasakyan. "Help me building up my friend Beauty to him. They're a perfect match, babe."
"You knew Erian, babe. May gusto siyang iba pero hindi pa niya sinasabi sa akin."
Kung malihim ako, mas malihim ang isang iyon. Kahit mag-drama ako sa harap niya, hindi niya sasabihin sa akin kung sino ang babaeng nagugustuhan. Pero malakas ang kutob ko na nasa ospital iyon at nakakasama namin lagi.
"Fine. I'll trust God in his case," Ako naman ang natawa. Hopeless case na kapag pinasa-Diyos na ang lahat. I give my wife one last kiss before I let her drive away. Hinintay ko na tuluyan siya makalabas ng gate bago ako sumakay sa sarili kong sasakyan at umalis na rin. Palabas na ako ng village nang tumawag si Kriselle na agad ko naman sinagot. Nilagay ko siya sa speaker mode. "Have you check if I unplug my hair curler?"
My wife and her anxiety every time we leave the house.
"I already did. Drive safely and stop using your phone."
"Naka-earphone po ako,"
"I love you."
And she said, she love me too before ending our call. Nagtuloy-tuloy na ako sa pagmamaneho papuntang ospital. Turn over ng bagong PET/CT Scan room ngayon at hindi ko iyong puwedeng ma-miss. Ginabi na ako ng uwi noong nakaraan dahil sa mga last minute repair na mabuti at naayos din agad. I personally thanked Engr. Ortega for being hands on the project.
To think that he's also a family man yet most of his time was consumed by work. Nagpaumanhin ako sa kanya matapos ilang hassle na pareho namin naranasan. I want my time after work will be exclusive to my wife and my future child if God bless us soon. Dalawang araw na ang lumipas mula nang makabalik kami mula sa higit dalawang buwang bakasyon namin sa iba't-ibang bansa sa Europe at Africa. Nakakapanibago at parang gusto pa ng katawan ko na magbakasyon kaming mag-asawa.
BINABASA MO ANG
Love Quarantined
RomanceKriselle Bonifacio is a confident, straightforward, and enthusiastic engineer who believes there are no possible reasons for falling in love. She firmly believes that feelings shall be known, not hidden to the receiving end. But her bravery is teste...