CHAPTER THIRTY-TWO | SAFE HAVEN
Colby
MATAMA kong pinagmasdan si Kriselle na mag-isa at parang bata na naglalaro sa pool. Nakaupo siya sa pool side at kinakawkaw ang mga binti sa tubig. Kanina pa siya umaaktong weird habang ang iba naming kasama sa bahay ay naghahanda na para sa house warming mamaya. Si Lola ang nakita ko sa kusina at nasisiguro ako na hindi siya pinakilos kaya parang bata dito kung umasta.
Naiiling ko siyang nilapitan sa kanya tinabihan at nilublob din ang paa sa pool.
"What's your problem? Medyo madilim sa side na ito ng bahay." Sinimangutan niya saka inirapan. Ngumiti ako at marahan siya kinabig palapit sa akin. "Sinong umaway sayo?"
"Wala. Tapos ko na tulungan si Lola sa loob. Lumabas lang ako para libangin sarili ko,"
"Do you think you can fool me?"
Ngumuso siya at umayos agad ng upo. Alam niyang hindi niya ako maloloko kahit magsinungaling pa siya ng ilang beses ngayon.
"After cooking I heard Lola Irene talking to my father's wife. Nagulat ako na miyembro pala siya ng board of directors sa ospital. May botohan daw at nililigawan niya si Lola gamit ang ga-tingang koneksyon naming dalawa."
I tried to concealed my laughed. Bakit naman kasi tinga ang ginamit niya panlarawan sa koneksyong meron siya sa asawa ng tatay niya? Naubo na ako kakapigil sa pagtawa kaya imbis na gumaan ang loob ni Kriselle ay lalo lang itong sumimangot.
"It's not up to Lola, babe," natatawa pa rin ako. "Siya lang tinga na kilala ko na hindi maalis-alis sa buhay mo, Kris."
"Ewan ko ba at bakit feeling close siya sa akin. Naiirita na ako at akala ba niya'y natutuwa pa ako?"
I chuckled.
"Again, it's not up to Lola. It's on me now. I am the chairman of the board, the president/director of St. Jude Thaddeus Medical Center, and the sole owner of the Levezque Group of Companies. Lahat ng gusto ng nomination para maging member ng board ay dadaan sa akin."
"Seryoso ba iyan? Magkano na income mo?"
"Enough to cover your monthly online purchase."
Tumili siya at agad na yumakap sa akin. Masaya talaga siya kapag online purchase ang pag-uusapan pero mas tight na siya ngayon dahil sabi ko hindi siya pwede bumili hangga't 'di binebenta o pinamimigay iyong ibang gamit niya. I also taught her to pay her credit cards asap and do not wait for due date or it get decline. From five credit cards, she only has two now. Isang pang emergency at isa sa luho niya.
"But our deal about buying new things stands still."
"Yes, Dad!" Gano'n lang kadali magbago ang mood niya. "Kaya ba little madam ang tawag nila sa akin?"
"Yeah. Your assets as my wife have the same level as Lola's assets."
Natawa ako nang makita ang pamimilog ng mga mata niya. Ngayon lang naman ito at nasisiguro ko na po-problemahin niya rin lahat kapag tumagal. But I prepared for it incase. Handa ko naman ipaliwanag sa kanya at hindi gaya ng iba, mas responsable naman gumastos si Kriselle. Nakita ko sa laptop niya ang sarili monthly expenses file.
Naroon din ang hulog niya sa insurance, government contributions at ibang bills pa noong mag-isa naninirahan. Sadyang adik lang siya sa online shopping. She's already fixing it because we agreed to have a shared responsibilities in this household. May pera siya at may pera ako tapos hati kaming dalawa sa mga bayarin. I have the electricity and water bill while she has the monthly association bills and the groceries. Hati naman kami pagdating sa sahod ng driver at kasambahay namin.
BINABASA MO ANG
Love Quarantined
RomanceKriselle Bonifacio is a confident, straightforward, and enthusiastic engineer who believes there are no possible reasons for falling in love. She firmly believes that feelings shall be known, not hidden to the receiving end. But her bravery is teste...