CHAPTER SEVENTEEN | TRYING MOMENTS
Kriselle
MAHIGPIT akong napakapit sa upuang kinauupuan ko nang akmang ididikit na ni Autumn iyong gunting sa aking buhok. Mariin din ako pumikit kaya umani lang ako ng pambabatok mula sa kanya.
"Aray naman! Kagagaling ko lang sa sakit tapos namimisikal ka na." Inis akong umayos ng upo saka huminga nang malalim. Narinig ko ang pagtawa nina Hera at Beauty na nanonood lang sa amin ni Autumn.
Binisita nila ako matapos ko lumabas sa ospital at sinamahan dito sa apartment ko. Sasamahan daw nila akong mag home-quarantine at talagang nag-request pa sila ng leave sa trabaho para lang samahan ako. It's strange especially to Hera. Siya kasi ang kapalit ko sa PET/CT scan room project sa ospital pero sinabi niyang si Sean na ang may hawak hanggang sa matapos iyon.
"Ang OA mo kasi. Konting bawas na lang gawin natin tapos lagyan ng treatment para mawala yung dryness," wika ni Autumn sa akin.
"Eh kasi parang ayoko i-let go ng buhok ko. Saka sigurado ba kayo na sasamahan niyo ako dito sa loob ng bahay."
Doon lumapit sa amin si Hera at Beauty. Nakigulo sila sa aming dalawa at pinakita sa akin ang mga inspiration na maaaring pamarisan ng maikling buhok na pinlano ko kaso bigla naman akong natakot. Masyadong maraming memories iyong buhok ko.
"Kung 'di mo i-le-let go, magiging stagnant ka lang sa nakaraan. Hihinto ka na sa pag-grow." Makahulugang sambit ni Beauty sa akin. "Narito kami kasi muntik mo na kaming iwang tatlo. Grabe ka manakot literal kaming napadasal tatlo para lang huwag ka muna sumama kay Tita."
Matindi nga iyong pinagdaanan ko at hindi ko sukat akalain na makaka-survive ako. Akala ko din talaga ay sasama na ako kay Mama. We were together in my dream. Iyon na lang at ang bilin niya na hindi ko nagagawa ang naalala ko ngayon. Iyong iba ay malabo na at hindi ko sigurado kung nangyari ba talaga.
Ayoko naman kasi panghawakan iyon lalo na 'yung may kinalaman kay Dr. Levezque. I saw him praying while holding my hand. Kaya nga tinanong ko si Colby kung hinawakan ba niya ang kamay ko lagi pero tumanggi ang loko. Idagdag pa iyong sagot niya na pinili ko na huwag pakinggan kasi alam ko na masasaktan ako bandang huli. In love siya sa iba at kung sino 'man iyong Angel na tinutukoy niya, ang swerte ng babaeng iyon!
I'm keeping the page I torn from his book. Sa sobrang tindi ng frustration ko, may nasulat ako sa libro na hindi ko na mabawi kaya pinilas ko na lang. Hindi pa niya napapansin kaya wala pa akong natatanggap na pagbabanta. Ang importante kasi sa kanya ng libro na iyon tapos pinilasan ko lang. Hindi bale, ibibili ko na lang siya kahit nang mag-check ako online ay sobrang mahal. Itataya ko iyong hazard pay na matatanggap ko mula sa OCG para sa librong iyon.
"Check your account, girl. Nagsend na ng ayuda si Papa Sean," ani Hera sa akin.
"Ay weh? Ang bilis naman yata ng processing ngayon." Hindi ako makapaniwala. Kailangan ko pala maging kritikal para bumilis ang processing nila. Isa lang ang ibig sabihin nito, kailangan ko na bilhin iyong libro. "Go na, Autumn. I-chop mo na ang buhok ko." Inabot ko iyong laptop ko pagkasabi noon saka pinuntahan iyong website kung saan ko nakita ang libro.
The book will be my last gift to him. Tapos itutuloy-tuloy ko na ang pag-move forward. I have to take this seriously, even if I'm still in the midst of trying moments.
"Ano'ng bibilhin?" tanong sa akin ni Beauty.
"Itong libro. May pagbibigyan ako kasi binaboy ko iyong copy niya niyan."
"The Doctor again?" Si Hera na higit na kaka-alam ng lahat. Sinabi ko sa kanya lahat pati na iyong karupukan ko nitong nagdaan na fourteen days sa ospital. "Sean saved you already. Bakit pa mag-e-effort ka sa taong ayaw naman sayo, Kriselle?"
BINABASA MO ANG
Love Quarantined
RomanceKriselle Bonifacio is a confident, straightforward, and enthusiastic engineer who believes there are no possible reasons for falling in love. She firmly believes that feelings shall be known, not hidden to the receiving end. But her bravery is teste...