CHAPTER TWENTY-FOUR | DRUNK
Colby
"LAHAT ng iyan ininom po ni Engr. Buti at naabutan kita sa ospital, Doc, kung 'di baka sa labas na naman iyan matulog." Napatingin ako kay Lito - anak ng tindera sa karinderya na kinakainan namin ni Kriselle. Ano ang ibig niya sabihin sa labas na naman matutulog? "Hindi kasi first time ni Engr. malasing at buti na lang lagi ka niya kasama." Pagtutuloy ni Lito saka inabot na sa akin ang gamit ni Kriselle.
"Laging naiiwan ang batang iyan. Ang mga kaibigan niya may kanya-kanya ng katuwang sa buhay. Siya na lang ang naiwan." Dagdag naman ni Aling Iska - may-ari ng karinderya at nanay ni Lito. Naroon din si Ate Nita na siyang laging nagse-serve sa akin sa tuwing kakain rito.
Sabi ko sa sarili ko, titigilan ko na ang lahat ng mga kinalaman kay Kriselle pero iba talaga ang tama ko sa kanya. Kahit mas importante kay Kriselle na alagaan ang takot niya kaysa sumugal at ibigay ang tiwala sa akin. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit siya natatakot. All her life she's dealing everything all alone. Nasanay na siyang wala kaya mahirap i-proseso sa kanya ang lahat kapag meron ng dumating. Maybe I came too strong and too much to handle for her.
Malalim akong bumuntong-hininga bago nagpatuloy kay Lito na alalayan siya papunta sa aking sasakyan.
"H-hikaw, p-pinag-aaral ka, m-mag-aral ka, okay?" singhal ni Kriselle kay Lito saka kinutusan sa ulo. Bumitaw si Lito at gumewang ito. Mabuti at hawak ko si Kriselle kaya imbis na tumimbuwang sa kalsada ay sa dibdib ko siya sumandig. "This chest... I know this..."
Kumunot ang noo ko ng tumawa si Kriselle.
"That's impossible, Kriselle. H-hindi iyon pupunta para sunduin ka kaya gumising ka." Nagulat ako nang dalawang beses niya tampalin ang magkabilang pisngi. "Aray..." Daing niya saka umiyak ng malakas.
I thought I saw the worst before but I was wrong. Mukhang ngayon ko palang makikita ang worst side ng lasing na version ni Kriselle.
Aktong niyang tatampalin ulit ang sarili ngunit pinigil ko na at masuyong hinaplos ang namumulang mga pisngi. Nagtama ang aming mga mata at kitang-kita ko ang lungkot na nababakas sa mga mata ni Kriselle. Hindi ko tuloy napaghandaan ang paghalik niya sa akin sa labi ko. Hindi ako agad nakahuma at titig na titig lang ako sa nakapikit niyang anyo. Agad ko pinigilan ang aking sarili na tugunin dahil mali na samantalahin ko ang kanyang kalasingan.
When she stopped from kissing me, our eyes met once again. Nanatili akong naka-alalay sa kanya incase na mabuwal siya.
"I... like..." Hindi na niya nagawang ituloy dahil bigla siyang pinanawan ng ulirat sa bisig ko.
"Tulog na?" tanong ni Lito sa akin. Sinipat ko si Kriselle at pinakinggan ang mahina niyang paghilik. "Grabe! Ipagdadasal ko talaga magiging boyfriend niyan."
Naiiling akong nagpatulong uli na ipasok sa sasakyan si Kriselle. I inclined the seat and put her seatbelt before driving away. Iniwanan ko rin ng tip iyong mag-ina at binayaran ang mga na-order ni Kriselle na alak. Ibang klase siya talaga. Isang case, siya lang ang umubos ng lahat. Kahit yata beterano sa inuman ay matatalo ng isang ito sa sobrang galing uminom ng alak.
Muli akong huminga ng malalim. Panaka-naka ko tinitingnan si Kriselle habang nagmamaneho sa kahabaan ng EDSA. As usual, traffic na naman sa bawat kanto na daanan ko dahil Biyernes ngayon. Lahat ay nasa biyahe pauwi o 'di kaya naman'y nasa mga nights clubs. Napaling ang atensyon ko sa cellphone ko na tumutunog. Agad ko iyon sinagot nang makitang si Erian ang natawag.
"Did you see her? Please say that my kindness resulted in something nice and acceptable, Colby."
Si Erian ang dumalo sa date na dapat ako ang dadalo. Magkasama kami ng lumapit sa akin si Lito at sinabi nga na nasa karinderya si Kriselle ngayon. Bilang isang mabuting kaibigan, sinalo niya ang lahat para lamang mapuntahan ko si Kriselle. Hindi ko rin naman gusto pumunta sa date na siyang pinuntahan ni Erian at napilitan lang ako dahil nagsakit-sakitan na naman si Lola. Lola Irene couldn't accept the fact that I like Kriselle so she continuously set me up to different elite women in the society.
BINABASA MO ANG
Love Quarantined
RomanceKriselle Bonifacio is a confident, straightforward, and enthusiastic engineer who believes there are no possible reasons for falling in love. She firmly believes that feelings shall be known, not hidden to the receiving end. But her bravery is teste...