Chapter Thirty: Proposal

226 16 0
                                    

CHAPTER THIRTY | PROPOSAL

Colby

MALALIM akong huminga matapos ko sipatin ang sariling repleksyon sa salamin. Ngayon ko balak mag-propose kay Kriselle at humahanap lang ako ng tiyempo. Kanina pa ako nakalayo sa kanya dahil sa dami ng kakilala dito sa party ni Director Limon. I heaved another sigh before leaving the comfort room. Paulit-ulit ko sinabi sa aking sarili na mag-po-propose ako, hindi bibitayin.

Paglabas ko, agad ko ginala sa paligid ang aking paningin upang hanapin si Kriselle. I last saw her standing near the punch table, drinking endlessly.

But where is she now?

"Colby!" Tawag ng magiliw na boses mula sa aking likuran. Sa paglingon ko mukha agad ni Olesya ang aking nakita. "Are you looking for your girlfriend?"

"Yeah," maikli kong tugon saka muling ginala ang tingin sa paligid.

"She went out after I told her I went out with you on a date several times." Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Olesya.

She did what?

Hindi bago kay Kriselle na may mga naka-blind date ako pero 'di na namin pinag-uusapan iyon. It's all in the past and not appropriate to discuss with my current relationship. Akala ko iba siya sa mga babaeng nakilala ko at matino siya kausap. Binigyan niya lang ng rason si Kriselle para humina ang loob bigla.

Agad ko tinalikuran si Olesya at tumungo ako sa labas para hanapin si Kriselle. Naniniwala ako na hindi siya uuwi dahil bukod sa mahirap sumakay sa lugar na 'to, gabi na rin at delikado lalo kung may tama pa siya ng alak.

Patuloy ako sa paglakad hanggang sa makarating ako sa garden. Masyadong malawak itong bahay ni Director Limon at para sa katulad ni Kriselle na madaling makalimot ng daan, maaari siyang maligaw. Hinubad ko na ang suot ko na coat at naisipang ipagpaliban muna ang planong pagpo-propose. Ang importante ngayon ay mahanap ko siya at makauwi na kaming dalawa.

The past days since Lola Irene invited her to had lunch, Kriselle became a little distant to me. Hindi naman ako galit at pinili ko lang na tumahimik saka huwag na pag-usapan ang bagay na tungkol sa nangyari na. I learned about Lola putting a lot of pressure on Kriselle instead of me. Nabigyan nga kami ng approval, gusto naman agad-agad ay magpakasal na kaming dalawa. Pinalis ko iyon sa aking isipan at tinuloy na ang paghahanap hanggang sa makita ko si Kriselle sa may garden.

"The party is inside, not here, babe." Lumingon sa akin si Kriselle pagkarinig sa sinabi ko.

"I prefer to party here alone."

"Mind if I join you?"

Umiling siya. "You don't belong here. Go back inside, that's where your world is." Pagkatapos ituro ang nagaganap na party sa loob ay nagsalin siya ng champagne sa baso. Hindi ko alam kung saan niya nakuha iyong bote na hawak. Base sa inaakto niya, may tama na siya ng alak at nagiging makulit na rin siya. "Are you still mad at me?"

"Why would I?" She smiled and then shook her head several times. Huminga ako nang malalim saka nilapitan siya. "Let's go home now, Kriselle."

Agad na sumama sa akin si Kriselle pauwi at sinurender na rin niya ang alak na iniinom. Buong biyahe ay tahimik lang siya at hindi rin naman ako kumibo. Pinili ko na huwag dahil baka pagmulan lang ng away naming dalawa.

Pagdating naman sa unit nagulat na lang ako nang bigla niya ako halikan sa labi. It's unlike of her as if I'm dealing with Kriselle other self. Hinayaan ko siya na gawin ang gusto niya hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na nilulukob na rin ng init. Halata na sa paraan ng paghalik ko sa kanya. I pulled her closer to deepened our kiss until Kriselle ended it.

Love QuarantinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon