CHAPTER TWELVE | STARGAZING
Colby
TODAY is our seventh day inside of this isolation facility. Compared to the other days, today is quite different. Tahimik kasi si Engr. Bonifacio at walang maingay na nanggugulo sa akin. Ang gloomy ng aura niya at para ba na may pino-problema siya.
It all started when she received a call the other day, the day when she breakdown in front of me. Wala pa rin nadalaw sa kanya ngayon at 'di ko na siya naririnig na nakikipag-usap doon sa anak ni Engr. Ortega tuwing umaga. Gusto ko na tahimik lang siya pero hindi iyong ganito na para ba na huminto na siya sa pag-asam na hindi kami magkakasakit dalawa. I heard her coughing earlier and it's one of the symptoms which Erian kept on monitoring. Masama ang tunog ng ubo niya at nitong mga nakaraan ay nirereklamo niya ang tila bara sa kanyang lalamunan.
"We have to separate her from you since symptoms are starting to manifest now, Colby," ani Erian sa akin nang sabihin ko ang mga sintomas na nakita ko kay Engr. Bonifacio.
"No, don't do that. I'll stay wherever she is." Hindi makapaniwala si Erian sa sinabi ko at bakas na bakas sa mukha niya pagkagulat. "She needs a doctor who will monitor her until our quarantine days ends."
"That's why I'm here, Col. I can be her doctor, and I'll monitor her in a separate room. I will never take a risk, just like what you did. Stop being so foolish, Dr. Levezque."
"This is not foolishness, Dr. Quervas. Doktor pa rin ako at gagawin ko ang aking trabaho kahit naka-isolate ako rito. Pareho mo naman kami mino-monitor kaya hindi pa ako pwedeng lumabas."
"Colby, today is your seventh day here. Tine-test ka na namin ulit at maya-maya lamang lalabas na ang resulta noon. Pwede ka na namin ilipat sa recovery area kapag nag-negative na ang test mo."
"Whether it's negative o positive, I will stay here." Tumingin ako sa pwesto ni Engr. Bonifacio. Nilagyan na iyon ng makapal na plastic barrier at tanging mga naka-PPE ang pwedeng lumapit sa kanya. Bawal ang shortcut gaya ng utos ko sa lahat para hindi mahawa. "She saved me before. Now is the time to save her back."
I heard Erian groan.
Binalewala ko iyon at binaling ang aking tingin sa suot ko na bracelet. It is the connection between me and Engr. Bonifacio. The connection that started eight years ago.
"Hindi ko na alam ang sasabihin kay Madam."
"Just tell her that I'm fine here." Tiningala ko siya. A sheepish smile curved my lips, which earned Erian a neutral reaction. "Can you do me a favor?"
"Ano na naman iyon?"
"I saw an article that tonight we will witness a brightest sky. Engr. Bonifacio is fond of stars and moon. Gusto ko pagaanin ang loob niya kahit paano."
"Do you like her?" Hindi ako naka-sagot agad. "If you don't like her, stop sending mixed signals that will hurt her in the end."
Huminga ako nang malalim muna bago nagsalita. "I'll fix everything after," sambit ko. "Can you do what I'm asking you, Erian?"
"Oo na pero huli na 'to, Colby."
"I still have seven more days with her." Naiiling lang na tumalima sa inutos ko si Erian.
Pinaayos ko iyong corner na ginawa ko nang nakaraan. Doon ko pinalipat ang kama ni Engr. Bonifacio para hindi na niya kailangan tumayo pa. Mas madali niya din makikita ang mga bituin mamayang gabi na pareho naming aabangan dalawa. I also asked Erian to collect a video message from the kids who received Engr. Bonifacio's personalized card and red string bracelet. Kinausap ko rin si Engr. Ortega na gawin ang video message na naisip ko upang paganin loob ni Engr. Bonifacio.
BINABASA MO ANG
Love Quarantined
RomanceKriselle Bonifacio is a confident, straightforward, and enthusiastic engineer who believes there are no possible reasons for falling in love. She firmly believes that feelings shall be known, not hidden to the receiving end. But her bravery is teste...