Chapter Seven: Beautiful

275 13 0
                                    

CHAPTER SEVEN | BEAUTIFUL

Kriselle

DAY TWO ng monitored quarantine namin ni Dr. Levezque at bored na bored na ako. I am lying in my bed thinking why the juice they're serving tastes bad. Kahit sabihin na iba-iba ang flavor noon ay hindi ko pa rin gusto lahat. Gusto ko magtanong kung hindi ba kami pwedeng uminom ng regular calamansi o oranger juice na walang kahit anong halo. Parang kailangan lagi may halong luya na nagpapa-anghang sa lahat ng inumin na binigay sa akin.

"Nurse, hindi ba kami pwedeng lumabas kahit sa veranda lang para mainitan?" tanong ko sa nag-a-asikaso sa amin. "Saka kailangan talaga may luya lahat ng inumin namin?" Hindi ko na napigilang magtanong. Hindi ako kinibo ng nurse ng na kumuha sa akin ng dugo para i-test na naman ulit. Pakiramdam ko ay wala na akong dugo kakakuha nila ng sample sa akin. Binalingan ko si Dr. Levezque na nakaupo sa kama niya at may kasalukuyang binabasa.

Huminga ako nang malalim. Pinanood ko na lumabas iyong mga nurse sa facility room. Sana sinama na nila ako palabas kahit inipit nila ako sa kipkip nilang clipboard. I heaved another deep sigh again.

"Will you please stop sighing loudly?" Galit na paki-usap sa akin ni Dr. Levezque. Gayumpaman ay hindi ako nagpatinag sa kanya at paulit-ulit akong bumuntong-hininga hanggang sa masamid ako at umubo. "I told not to do that repeatedly. Bakit ba ang kulit-kulit mo?" tanong niya sa akin habang marahang tinatapik ang likuran ko. Hindi namalayan na nakalapit siya sa akin agad. Inabutan niya ako ng isang baso noong juice na dinala sa amin kanina at binantayan na ubusin ko ang laman ng basong binigay niya.

Wala akong choice kung 'di ubusin iyon kahit na pangit ang lasa. Kahit hindi ko tingnan ang aking sarili sa sarili sa salamin, alam ko na nakalukot na ang mukha ko. Nanginig pa ako matapos sumayad sa lalamunan ko iyong lasa luya na pinaka-ayoko sa lahat.

"If you keep being stubborn, you'll rot in here, Engr. Bonifacio." Babala niya sa akin. Isang dahilan kaya napakapit ako sa braso niya saka parang bata na umiling nang sunod-sunod. "Makinig ka sa mga doctor at nurse kung ayaw mo tumagal dito tulad niya,"

Itinuro niya sa akin iyong pasyente na dahilan kung bakit kami naritong dalawa ngayon at naka-quarantine. Nabalitaan ko na hindi lang kami ang dalawang close contact niya kung 'di may bente pang indibidwal na mino-monitor ngayon ng St. Jude Thaddeus Hospital katulong ang local LGU ng Taguig.

Bagsak-balikat ako na bumalik sa kama ko at pabagsak na naupo roon. May twelve days pa ako na kailangan bunuin dito sa loob ng quarantine facility. I designed this facility together with Arch. Ortega and I still couldn't believe that I'll be trapped inside of this isolated room.

"Ano ang ginagawa mo para hindi ka ma-bored?" tanong ko kay Dr. Levezque.

"I'm studying." Nag-aaral siya? Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. Totoo talaga na walang katapusang pag-aaral ang pagiging doctor kaya hindi ko na tinangka na tahakin ito. Kahit pa na-curious ako kung paano nagkakasakit ang isang tao. "Here," ani Dr. Levezque sa akin saka binato iyong libro na galing sa ilalim ng kanyang unan. Agad ko iyon sinalo at tiningnan kung anong klaseng libro ang binabasa niya.

"To Kill A Mockingbird?"

"Maganda iyan at nakakamulat ng pananaw sa buhay. Pag-tyagaan mo dahil wala akong ibang libro dito."

Muli ko tiningnan iyong libro saka nilaro ang mga leaves noon. Hindi ako mahilig magbasa ng mga non-fiction book. Marami sa ako sa apartment ko na mga romance, teen fiction, general fiction at contemporary novels. Iyon ang mga genre na kasama sa collection list ko at itong mga political fiction ay hindi pasok sa aking panlasa. But since this is the only book he has, I have to give this a shot just to ease away this boredom.

Love QuarantinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon