CHAPTER NINE | USEFUL
Kriselle
Trust me. Nothing terrible will happen to you here as long as I'm on your side.
SA TUWING sasabihin ni Dr. Levezque na walang mangyayari sa akin hangga't nasa tabi ko siya, parang tumatapang ako at nababawasan ang aking takot. Siguro nga dapat akong maniwala sa kanya at simulan ko na sumunod sa kanilang lahat. Today is my fourth day inside this isolation facility. Akalain mo iyon, nakatagal ako na puro pahinga lamang ang ginagawa. Wala akong ibang magawa dito bukod sa pag-a-ayos ng portfolio ko at pagbuo ng lego house. Minsan nang-iinis din ako para exciting ang araw ko.
"Engr, make yourself useful and help me here," untag sa akin ni Dr. Levezque.
Ayan na naman siya, another day, another pagsusungit na naman.
Nilapitan ko siya at nag-vow ako sa harap niya gaya ng ginawa ng iba sa harap ng isang prinsipe o hari. "Ano po ang maitutulong ko, kamahalan?"
"Puro ka kalokohan," he said then point me the clean cloth not far from him. Nililinis niya ang sugat niya at tingin ko'y napansin na naman niyang wala ako magawa. "I'm curious about your pervert ex-boyfriend."
"Wala nakaka-curious sa kanya, Doc."
"Then, why did you choose to date him?"
Bakit nga ba?
Napaisip ako bigla doon. Wala pala malalim na koneksyon sa pagitan namin ni Diego o miski na sino sa mga naka-date ko. Si Sean naman, para lang talaga kami magkaibigan dalawa at nainis pa nga siya sa akin dahil sa ginawa ko na kalokohan. Though it his fault. Kung 'di siya nagpadala ng kung ano-anong mixed signal, eh 'di hindi ako aasa na may something sa aming dalawa.
A snap of a finger woke me up.
"I'm waiting, Engr. Bonifacio."
"Huh?"
Naghihintay siya ng ano?
Tinitigan ko siyang maigi sa mga mata. He has beautiful colored eyes, perfectly curve high bridge nose and jaw line, thick brows and his lips were red. Nang inumang niya ang kanyang kamay sa harap ko, wala sa sarili ko namang pinatong ang kamay ko roon.
"Aray!" daing ko nang bigla na lang niya pitikin ang noo matapos ibaba ang aking kamay. Matalim ko siyang tiningnan matapos haplusin ang noo ko na namumula pa yata.
"Kung ano-ano iniisip mo. Akin na iyong clean cloth. Kanina ko pa hinihintay 'yan."
Pwede naman kasi niya sabihin kung ano kailangan ang hinihintay. Nakakahiya iyong ginawa ko! Masyado ko siyang natitigan at baka kasuhan na ako nito paglabas naming dalawa sa isolation facility na 'to.
"Can you not call me Engr? Then I will call you by your name, deal?"
"Why? Are we friends?"
"Oo kaya! Hindi ka papasok dito na walang suot na anumang PPE kung 'di kaibigan ang turing mo sa akin."
Ako na ang naglagay ng clip sa malinis na gasang pinalit niyang pambalot sa sugat.
"Kawang-gawa iyon saka si Patient X ang niligtas ko hindi ikaw."
Napanguso ako.
Ang sungit niya talaga at sigurado ako na tatandang binata ang isang ito. Alamat iyong babae na tatagal sa kasungitan niya talaga. Ano kaya reaksyon ng mga nakaka-date niya lagi?
Nakakatakot.
Napakalamig ng pakitungo niya.
"It was all an external connection which I mistakenly consider as love. That's my answer to your question a while ago. I haven't experienced real sparks, fast heartbeats, and slow-motion like in teledrama."
BINABASA MO ANG
Love Quarantined
RomanceKriselle Bonifacio is a confident, straightforward, and enthusiastic engineer who believes there are no possible reasons for falling in love. She firmly believes that feelings shall be known, not hidden to the receiving end. But her bravery is teste...