Chapter Twenty-One: Date

249 16 2
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE | DATE

Kriselle

HINDI ko maiwasang mamangha matapos ko makapasok sa loob ng condo ni Colby. May kalakihan kumpara sa mga high rise condominium na ginagawa ng OCG ngayon. It was like two unit combined to make two rooms if I'm not mistaken. Infairness, maayos siya sa bahay na hindi ko tulad at sobrang lapit pala nito sa ospital. Para siguro mabilis lang siya makapunta kahit hindi na kailangan ng sasakyan.

"Do you want to order, or I'll cook?" tanong ni Colby sa akin.

Kanina pa niya ako pinapakain nang pinapakain. Para bang gusto niya na bawiin ko iyong lakas ko sa paraan na alam niyang makakabuti sa akin. Pulos healthy food ang in-order ko pero sa presentation ng mga pagkain na kinain namin kanina, 'di iyon halatang healthy. Napalakas tuloy ang kain na hindi nakakaramdam ni-katiting na guilt.

"I'm still full from what we ate before we left the hospital." Naupo ako sa couch at niyakap iyong isa sa mga throw pillow. "I'll be fine in here. Magpahinga ka na, Doc."

"Are you sure? I'll order something still. Incase you get hungry in the middle of the night." Iyong pagiging concern niya'y unti-unti na nagkakaroon na ng epekto sa akin. Dapat ko na bang paniwalaan talaga si Dr. Quervas? Baka kapag kung kailan paniwalang-paniwala na ako, saka pa niya sasabihing confuse lang siya at hindi naman talaga sigurado. "You can use my room. I'll just use my study for a while."

"Huh?" Kumunot ang noo ni Colby. Hindi ako nakikinig sa kanya dahil may iba akong iniisip. "Ano nga ulit sabi mo? Hindi ko narinig."

"I said, you can use my room. Sa study na lang ako matutulog,"

"Ah... pwede naman ako dito na lang. Baka hindi ako makatulog sa kwarto mo."

Iba pa nga rin ang pakiramdam ko hanggang ngayon bukod sa maraming iniisip itong utak ko. Ang sabi ni Colby, i-che-check daw iyong apartment ko ngayon. Kung ano 'man ang makita roon, sigurado na iyon yung tila nakamansid sa akin lagi.

"I'll make you a lavender tea. Iyon ang alam ko na nakaka-relax at maaari kang makatulog agad."

"Why are you doing all of this?" Hindi ko na maiwasang itanong sa kanya. Nakakataka kasi masyado. Hindi naman niya sinagot iyong panliligaw ko noon kaya kataka-taka na ganito ang pakitungo niya sa akin ngayon. Lihim kong kiniling ang aking ulo. "Hindi mo na kailangang sagutin. Matutulog na ako."

Basta akong humiga at iyong hinubad na jacket ang ginamit ko na kumot. Mariin akong pumikit para makita ni Colby na tulog na talaga ako at hindi na siya magsalita pa. Ang narinig ko na lang ay pagbuntong-hininga niya at inabangan ko pa na umalis siya bago ko sinilip. Temporary lang naman ito at kapag naayos na ang apartment ko'y pwede ba akong bumalik doon. Eager din ako malaman kung bakit may pakiramdam ako na may nanonood sa akin.

Kaso sabi ni Colby at delikado daw kung doon pa ako matutulog ngayong gabi kaya inampon niya ako. Kaso naman misleading itong treatment niya. Kung pwede ko lang sabihin sa kanya na huwag siya maging mabait sa akin para hindi ako ma-fall ay ginawa ko na. Tinatakasan ako ng tapang kapag kaharap ko na siya at nakakalimutan ko ang mga sasabihin. Paano ba ang gagawin ko?

Ugh, I hate this kind of feeling!

I CAN'T HELP but to smile when Leroy - a guy I met online asked me on a date today. Bigla akong na-excite kaso nawala din ng maalala kong wala pala akong sa apartment ko. I'm still here at Colby's condominium unit and today's my second day here. Nag-aalmusal ako kasabay ni Colby ngayon at tingin ko'y napapansin na rin niya ang pag-ngiti-ngiti ko habang nakatuon ang buong atensyon sa aking cellphone. Akala ko isang araw lang ako dito pero hindi gano'n ang nangyari. Pakiramdam ko, na-scam ako ni Colby at tinanan na talaga niya ako.

Love QuarantinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon