Chapter Four: Chicken and Beer

345 15 1
                                    

Chapter Four: Chicken and Beer

Colby

HINDI ko lubos akalain na tatakbo ako kasama ng warfreak engineer na ito. Kung binigay na lang sana niya ang hinihingi ng ex-boyfriend, hindi kami aabot sa ganito. Pagod na pagod na ako pero kailangan namin mailigaw ang mga humahabol sa amin. Pero paano?

"Sandali Doc, napapagod na ako!" Nangangapos na ang hininga ni Engr. Bonifacio ng sabihin niya ang mga salitang iyon.

Sa tingin ba niya ay hindi rin ako napapagod?

Dignidad ko na naman ang nakasalalay dito at pinagsangkalan ko ulit. Na-realize ko na may mga maling desisyon at choices ang mga tao sa mundo. Ito iyong akin at nagsisi na akong naging pakialemero ako kanina.

"Let's go there!" I said in an exasperated voice and expression.

Mabilis pa sa alas-kwarto kami nagtago sa isang masikip at madilim na eskinita. Nagsasaliw ang bawat paghinga naming dalawa at mas lalo ako nakaramdam nang matinding pagod nang mapasandal sa pader.

"Saan sumuot ang mga iyon?" sigaw na aming narinig kaya pareho naming pinigil ang paghahabol sa hinga. I unconsciously hugged Engr. Bonifacio and silently commanded her to stay quiet. "Doon tayo sa kabila baka naroon sila!"

Rinig na rinig ko ang bawag yabag nila at palayo iyon nang palayo sa pwesto namin hanggang sa wala na akong marinig pa. Maluwang akong nakahinga at walang buhay na sumandal sa pader. Dahan-dahan bumaba ang mga braso ko na iniyakap ko kanina kay Engr. Bonifacio. Sandali ko pinikit ang mga mata ko at sa pagdilat ay tinuon ko agad kay Engr. Bonifacio ang aking tingin. Hindi pa kasi siya nagalaw kaya bahagya akong naalarma ngunit 'di na ako dapat pala nag-abala pa.

She likes our position right now. Damn!

This woman's scents are abusing my nose. It's as if I'm smelling a freshly baked red velvet cake; I know this doesn't seem right now.

Damn me!

"Maniningil na ako ng bayad para diyan, Engr," sabi ko na gumising sa kamalayan ni Engr. Bonifacio at basta na lang niya ako tinulak dahilan para mauntog ang ulo ko sa pader. "Aray!" Daing ko sa kanya saka matalim ko siyang tiningnan.

"I'm sorry Doc..." aniya saka akmang hahawakan ang ulo ko na tumama sa pader ngunit hindi ko siya hinayaan. Hinawakan ko ang kamay niya. Iyong ilaw ng dumaan na sa sasakyan ang nagsilbi naming liwanag kaya nakita ko na nakatingin siya sa akin.

"Nasa shooting ba kayo ng pelikula?" tanong na nagpasigaw kay Engr. Bonifacio at nadala ako kaya sumigaw din. She hugged me once again and this time it became tighter. Kinuha ko ang flashlight sa aking bulsa at tinutok iyon sa gilid namin. Bumungad sa akin ang isang matanda na pulang-pula ang mga mata at nakasingaw ang ngipin nito na para bang aliw na aliw sa amin ni Engr. Bonifacio.

Muli ko hinawakan ang kamay ni Engr. at inaya na siyang lumabas sa eskinita. Magkahawak pa rin ang kamay namin at kung 'di pa sumigaw iyong street dweller ay 'di namin mapapansin.

"Pasensya na Doc..." aniya sa akin ulit.

"Nagutom ako dahil sa pagtakbo," luminga-linga ako sa paligid para humanap ng makakainan. Ngunit wala akong makita na pwedeng kainan. Saan ba kami lupalop ng BGC napadpad? Palibhasa ay lagi akong nakasasakyan kaya hindi ko kabisado ito. "Do you know this place?"

"Nasa Pinagsama po tayo Doc,"

"Ah..."

"May alam akong kainan dito. Tara po, ililibre kita."

Lumakad si Engr. Bonifacio at sumunod naman ako kahit 'di ko alam saan iyong tinutukoy niya. Ginutom ako nang dahil sa ginawa naming pagtakbo mula sa BGC hanggang dito sa 'di pamilyar na lugar sa akin. I removed my coat and loosen up the necktie I'm wearing. Binukas ko puting polo na suot. Maling-mali na tumakbo kami nang pagkalayo-layo tapos mainit ang panahon kahit gabi na.

Love QuarantinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon