CHAPTER TWENTY-FIVE | BLACKOUT
Kriselle
KUNG MAY DAPAT akong iwasan sa buhay ko na ito, iyon ay ang pag-inom ng alak. Ilang beses ko na ba sinabi na hinding-hindi na ako iinom pero lagi ako nauuwi sa pag-inom ng alak at the end of the day? Hindi talaga effective ang mantra kapag may pinagdadaanan sa buhay. Drinking was my only escape though it's not healthy.
Sa sobrang kalasingan ko nang nagdaang gabi, natagpusan ko na lamang ang sarili ko na nakahiga sa kama ni Colby at t-shirt niya lang ang suot! I was lying beside him, hugging his pillow comfortably. Wala akong ibang maalala kung 'di iyong pag-inom ko nang marami nang nagdaang gabi. Wala rin naman akong mararamdaman na kakaiba sa katawan ko kaya imposible na may nangyari sa amin. Baka meron nga tapos sobrang manhid ko lang.
"Hala!" sigaw ko na pumukaw sa atensyon ng mga kasama ko sa opisina.
"Ano'ng hinahala mo dyan, Engr. Kriselle Bonifacio?" tanong sa akin ni Hera saka pabagsak na nilapag ang paracetamol na binili niya. Dumaing kasi ako na masakit ang ulo ko kanina nang pumasok kaya lumabas siya para ikuha ako ng gamot sa infirmary. "Hindi ka umuwi kagabi. Saan ka na naman natulog?"
Agad ko siya hinila papunta sa pantry kung saan walang tao kung kaming dalawa lang. Sinilip ko pa kung may papasok ba dito para kumuha ng tubig bago nilapitan ulit si Hera.
"I have a question,"
"Bakit ka bumubulong? Tayong dalawa lang narito ngayon,"
"Eh, kasi may tatanong ako.."
"Ano?" Hindi ko alam paano sisimulan pero si Hera lang makakasagot nito at nakakahiya naman kung kay Sean ko tatanungin. Saka lalaki iyon at lalaki din tingin niya sa akin dahil sa lakas ko raw uminom. Magbabagong buhay na talaga ako! "Aba, napakatagal naman ng itatanong mo Kriselle."
"Sandali kasi! Huwag mo ako i-pressure!"
"Saan ka muna natulog kagabi?"
"Sa unit ni Colby," mahina kong sagot pero narinig naman ni Hera kaya malakas siyang suminghap. "Bago mo ako i-judge, uunahan na kita. Wala akong maalala miski na ano maliban sa nag-inom ako sa kariderya. Kahit pilitin ko wala talaga."
Bakas na bakas sa mukha ni Hera ang confusion matapos marinig ang paliwanag ko. Para bang hindi siya naniniwala na wala akong maalala miski na ano. Hindi ko rin alam kung posible ba iyong ma-mental blackout na lang ako basta. Nag-search ako online at kalimitan daw ay dahil sa stress at anxiety. I've experienced those lately because of my father and the confusing feelings that I have for Colby.
Baka iyon nga ang dahilan. Pero sino ba ang niloko ko kung 'di sarili ko lang naman. Para sa marami, escape lang iyong sabihin na walang maalala matapos magpakalango sa alak. Pakiramdam ko ay kailangan ko kausapin si Colby dahil doktor siya at maiintindihan niya ako agad.
"I think kulang ka na naman sa pahinga, Kris. Sobrang dami nangyari sayo lately at alam ko na mahirap iyon i-proseso lahat." Nilapitan ako ni Hera saka marahang tinapik ang aking balikat. Iyong kaninang confusing looks niya'y napalitan ng pag-aalala. Hindi kasi talaga ako okay noong mga nakaraang araw. "Huwag mo na pilitin kung wala ka talaga maalala. You know where to go when needed,"
"Is non-painful sex possible?"
"Other says, yes. Depende sa may-ari ng katawan ang sakit na mararamdaman." Humalukipkip si Hera sa harap ko. "Bakit hindi siya ang tanungin mo?"
"Paano kung mali ako? Eh 'di parang assuming ko naman 'non..."
"Tangek, hindi ka naman niya i-ja-judge, I think."
Mabait si Colby. Seryoso madalas pero may pagkakataon na malakas ang trip niya. Hindi naman kami magiging parang aso't pusa kung 'di ako nakaranas ng kalakasan ng kanyang trip. Lately, ibang version na niya ang lagi ko kaharap at minsan ay kausap. Maybe because he's trying to prove that he is serious about his feelings for me.
![](https://img.wattpad.com/cover/307529266-288-k538708.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Quarantined
RomansaKriselle Bonifacio is a confident, straightforward, and enthusiastic engineer who believes there are no possible reasons for falling in love. She firmly believes that feelings shall be known, not hidden to the receiving end. But her bravery is teste...