Chapter Ten: Rainbow

247 13 1
                                    

TW/CW: Self-harm, suicide

CHAPTER TEN | RAINBOW

Colby

Eight years ago

"BASED on your PET/CT scan results, it's nasopharyngeal carcinoma, Dr. Levezque. It causes the symptoms you mentioned earlier, such as blood in your saliva, headaches, and the ringing in your ears."

Para akong binagsakan ng langit at lupa matapos marinig ang sinabi ni Dr. De Castro sa akin. Annual check up ko lang dapat pero heto ako at masinsinang kinakausap ng ibang doktor na maalam sa sakit na sinasabi niyang meron ako. Siningit ko lang ito dahil demanding ang trabaho ko bilang ED Doctor. And this is my last residency year here at San Jose District Hospital. Papasok na ako fellowship year ko tapos ganito pa ang aking malalaman.

Sa isang iglap parang nabalewala ang mga inaral ko tungkol sa medisina dahil lang sa 'di ko namalayang may sakit na pala ako.

Anong klase akong doktor?

"I-I have cancer..." Tanging salita na nabitawan ko.

"Hangga't maaga pa, kailangan ka na sumailalim sa radiation therapy at chemotherapy, Colby. We will also measure your blood level of EBV DNA before and after the treatment to check if it's working."

Hindi ko magawang magsalita at pinili ko na lamang tumayo saka basta na lang akong lumabas sa opisina ni Dr. De Castro.

"Colby!"

Nagpanggap ako na walang naririnig at patuloy lamang na lumakad hanggang sa makalabas ako sa ospital. Para akong tinakasan ng sarili kong kaluluwa ngayon at nawalan ng gana sa lahat ng gawain na dati ko namang na-e-enjoy. Patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa mapatapat ako sa maliit na chapel ni San Jose na katabi ng ospital. Pumasok ako sa loob at tuloy-tuloy na lumakad hanggang sa pinaka-altar kung nasaan iyong malaking crucifix. Malalim akong huminga at nanginginig pa ang mga  kamay tumingala sa crucifix.

"Kulang pa ba na kinuha Mo ang mga magulang ko? Bakit ako?" I kneeled and break down in front of Him. Umalpas iyong luha na kanina ko pa pinipigilan at para akong bata na umiyak ng malakas sa harapan Niya.

Tila isang pelikulang bumalik sa aking alaala ko noong natayo ako sa gilid ng kabaong ng mga magulang ko. I was so young back then and all I could do was to cry. Hindi ko rin maiwasang marinig ang bulungan ng mga nakikiramay patungkol sa akin.

"Ang bata pa niya para maiwan mag-isa."

"Walang pamilya si Mrs. Levezque at wala rin nakaka-alam kung nakabalik na ba si Madam dito sa bansa."

Wala akong ibang nagawa kung 'di palagpasin na lamang ang mga iyon at tanggapin na habang buhay na akong mag-isa. But not long after, Lola came and took the responsibility of raising me alone as other grandmothers did to their grandchildren. It was fine until I faced another dilemma in every school I went to study. My classmates laughed at me whenever I couldn't bring my mom or dad for a day. I'm a total bummer, and life sucks, as they always say.

"You know it sucks that you couldn't bring any of your parents here because they chose to leave you alone."

"Yeah, right? Colby, the loner..."

Iyong mga tawa at pang-aasar nila sa akin ay hinayaan ko lamang hanggang sa makapagtapos ako at magdesisyon na pumasok sa mundo ng medisina. I made Lola proud because I did follow my Lolo and Dad's path. Like all of them, I planned and dreamed to be a doctor one day and I did it. But it is not always a sunny day.

The rain eventually fell, just like today, and I could cry and curse everything.

"Sige na, kunin Mo na ako para matapos na 'to!" I exclaimed as I slit my wrist using the broken glass I reached.

Love QuarantinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon