Chapter Twenty-Nine: Take The Initiatives

213 14 0
                                    

CHAPTER TWENTY-NINE | TAKE THE INITIATIVES

Kriselle

HALOS malula ako sa mga pagkain na nasa harapan ko ngayon na in-order lahat ni Lola Irene. Nakakatakam iyong iba pero hindi ko naman kayang ubusin itong lahat ng mag-isa lang ako.

Bakit kasi kaming dalawa lang narito?

Dali-dali akong pumunta sa restaurant na malapit sa OCG nang makatanggap ako ng text message galing kay Lola Irene mismo. Gusto niya raw ako makita at binalaan pa ako na huwag sabihin kay Colby. Kinailangan ko tuloy magsinungaling sa boyfriend ko na may lunch meeting kami sa office.

"Kain na." Malumanay na sabi sa akin ni Lola Irene. "Damihan nitong gulay nang magkalaman ka naman ng konti. You're an engineer, Kriselle. Sobrang stressful ng trabaho mo kaya kailangan mo kumain."

I get her already. Napapayatan pa rin siya sa akin pero kahit anong gawin kong pagkain, hindi talaga ako nataba. Hindi na lang ako kumibo at nag-umpisang kumain.

"Napag-usapan niyo na ba ni Colby ang kasal?" tanong pa ni Lola Irene.

"H-hindi pa po." Hindi makapaniwalang napabuntong-hininga si Lola.

Wala naman talaga kami napapag-usapan pa ni Colby. At second thought, kailangan na ba? Bago pa lang kami pero sabi nga ng mga kaibigan ko wala sa tagal ng relasyon ang lahat. Alam ko naman sa sarili ko na si Colby na talaga at sapat ng patunay iyong ilang buwan na lumipas. Sa kabila ng abala naming mga schedule, nagawa namin ni Colby na bumalik sa Boracay, may road trip at kumain kung saan-saan.

Sa mga pagkakataon na iyon, once lang sumagi sa usapan namin ang kasal. Noong may naabutan kaming kinakasal sa simbahan na binisita namin sa Batangas. Pangarap ko doon maikasal dahil doon ako bininyagan at personal na kakilala ni Mama ang kuraparoko doon. I even studied there too. Hindi lang halata pero catholic school graduate ako.

"Hindi na kayo bumabata at gusto ko rin naman abutan pa ang magiging anak niyo." Ang advance naman ni Lola. Ni-wala pa nga kami ni Colby sa ibang level. We're still on the wholesome level. Hanggang yakap, halik at holding hands palang kami kahit madalas na akong matulog sa unit ni Colby. We shared the same, but nothing more happened.

"Darating din po tayo doon,"

"You must take the initiatives, Kriselle. Kung hihintayin mo ang apo, mabubulok ka."

"Ho?"

"Provoke him or do anything to tease my grandson. Ikaw na bahalang mag-adlib basta unahan mo na."

Tuloy-tuloy lang akong kumain at hindi na nagawang sagutin pa si Lola Irene. Gusto niya na unahan ko na ang apo niya?

Aba'y paano?

I'm new to this. Si Colby kaya ang pinaka-matinong nakarelasyon ko. I cannot cosider the others as a relationship because it's just a date. Habang nakain sumagi sa isipan ko ang sinabi noon ni Diego tungkol sa kahinaan ko. How am I going to take initiatives when I don't know where to start?

Kahit yata ilang santo o mga banal ang tawagin ko walang makakatulong sa akin.

Nakaka-pressure naman ito!

Kailangan ba talaga na gawin ito?

Pwede bang hindi or call a friend?

Bawal ang call a friend, lalo lang ako maaawa sa sarili ko. Lord, help me!

***

NAUWI sa indigestion ang ginawa kong pagpilit na kainin iyong mga in-order ni Lola Irene. Hindi ko na mabilang sa kamay kung ilang beses ako bumalik sa banyo para sumuka o 'di kaya ay magbawas. Hindi na ako bumalik sa opisina nang makaramdam ako ng sakit. Dumiretso uwi na ako sa apartment at itutulog ko lang sana kaso papasok palang ako dali-dali na ako agad tumungo sa banyo para sumuka. Imbis na banyo lang lilinisin ko, buong apartment na tuloy kaya hindi ko rin nagawang magpahinga.

Love QuarantinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon