CHAPTER THIRTEEN | FALL
Kriselle
ITO ANG PANG-WALONG araw ko sa loob ng facility at kahapon lang nang magsimulang mag-manifest ang mga sintomas sa akin. Kinakabahan pa rin ako kahit sinabi na ni Colby na huwag ako mag-alala ay hindi ko pa rin maiwasan. Kanina pa ako walang tigil sa pag-ubo at kahit may oxygen na akong katulong sa paghinga ay parang balewala pa rin. Masakit sa dibdib at likod ang bawat pag-ubo na siyang sinasabi ko sa nurse na pumupunta para i-check ako.
"What are doing there?" tanong na pumukaw sa akin.
Matama ko kasing tinitingnan iyong kalendaryo at binibilang ang araw na natitira pa. Ngunit alam ko na sa kondisyon ko'y mas matatagalan pa ako dito sa loob ng facility.
"I-I was looking at the calendar," tugon ko sa tanong ni Colby.
He flicked his tongue, which made me smile faintly. "I told you to rest, right?"
"Para akong nalulunod kapag nakahiga, Doc." Malalim na huminga si Colby matapos marinig ang sinabi ko - more like reklamo. "I'm not getting better, right?"
I hope he will not lie to me. Tinanong ko para sure kahit ramdam ko naman ang panghihina ko sa kabila ng mga gamot na pinaiinom nila sa akin. Colby made a drink for me using the fruits he bought outside, and I commend his efforts. But it's not enough, I guess. My cough is at its worst, and I hardly breathe now.
"You'll get better, and I'll do everything I can, hm?"
"A-ano ba iyan? Lalo akong napo-fall sayo, Doc." Totoong hindi ko maiwasang mahulog lalo sa kanya lalo na kapag ganito siya sa akin. Hindi ko maiwasang umasa na baka sakali, siya na ang para sa akin. Wala namang masamang umasa kahit konti lamang ang chance na meron ako.
"Come on now and rest, Kriselle."
Hindi ko naman pinilit ang sarili ko na magka-gusto sa kanya. It just happened and I woke up one day with this kind of feeling that I like the one who takes care of me. Wala nang dahi-dahilan pa at ganito naman talaga ako sa tuwing mahuhulog. Para nga akong isda kung umibig, mamahalin ko kung sino ang makita ko na nagpapakain sa akin. Para ding pusa na paulit-ulit kong babalikan iyong mabait sa akin.
"Saan ka galing kanina?" Nang magising ako'y wala siya sa pwesto niya. Hinanap ko pa siya bago ko tumitig sa kalendaryo na tinitingnan ko kanina.
"To the other patient. He's getting better and better."
"Buti pa siya,"
Nalungkot ako para sa sarili ko. Hindi ko naman sinadya na magkasakit. Na-stress ako dahil sa ginawa ni Papa na huli na nabalita sa akin ni Atty. Ferrer. Tinanggalan na niya ako ng karapatan na magdesisyon para sa perang makukuha ko kay Mama. Kinamkam niya iyon at walang nakaka-alam kung saan dinala.
It made me hate him and his name more. Mabuti at hindi Mercado ang gamit ko ngayon.
"Gagaling ka, okay? Gagawin ko ang lahat gumaling ka lang. Don't loose hope and coorperate with me. Hindi ko ito kaya kung mauuna ka sumuko."
Inalalayan ako ni Colby na maupo sa kama ko. I unconsciously reached his face and gently caressed it. "I want to shave your facial hair."
"Stop fooling around, Kriselle."
"It's not a joke." Natatawa kong sabi ngunit nauwi lang iyon sa masakit na pag-ubo. Masuyong hinagod ni Colby ang likod matapos akong abutan ng inumin. "P-pangarap ko na maging plain housewife at nanay. I grew up not seeing my father around because his always at work. S-si Mommy lang lagi ko kasama sa bahay. K-kaya..." I breathe hardly. "Kaya n-nangarap ako ng buong pamilya."
BINABASA MO ANG
Love Quarantined
RomanceKriselle Bonifacio is a confident, straightforward, and enthusiastic engineer who believes there are no possible reasons for falling in love. She firmly believes that feelings shall be known, not hidden to the receiving end. But her bravery is teste...