CHAPTER FIFTEEN | DON'T GO
Kriselle
HINDI ko alam saan kami pupunta ni Mama ngayon. Nang matapos kaming mag-kwento-han, inaya niya akong umalis at ngayon ay kanina pa kami lakad ng lakad. Mukhang walang katapusan ang itong nilalakaran namin gaya noong una kong tinahak bago kami nagkitang dalawa. Nauuna siya sa akin at hindi kailanman kami nagkasabay dalawa. Parang kasalanan na nga nagkadikit kami kaya habang nag-uusap kami'y malayo siya sa akin.
Gano'n ba talaga dapat? Paano kung gusto ko siyang yakapin?
"Mama,"
Lumingon siya at agad ko napansin ang kasiyahan sa kanyang mukha.
"Malapit na tayo, anak,"
"Saan po ba tayo pupunta?"
Hindi siya kumibo.
Bagkus ay patuloy lang siyang lumakad at wala naman akong nagawa kung 'di ang sumunod na lamang sa kanya. Habang ginagawa iyon ay inalala ko ang mga napag-usapan namin. Iyong tungkol sa school, sa trabaho ko, sa mga kaibigan ko at mga nakarelasyon ko. Sobrang dami naming dapat pag-usap at pabor naman sa amin ang oras. Ang hindi lang namin napag-usapan ay iyong tungkol kay Papa.
Iniiwasan ko rin dahil puno nang galit itong puso ko. Galit dahil tuluyan na niya akong pinabayaan. Galit dahil sa katotohanan na hindi naman pala niya kami minahal ni Mama. Iyong pera, negosyo at kapangyarihan lang ang importante sa kanya simula't sapul. Hanggang ngayon ay nagngingitngit pa rin ako sa galit dahil sa ginawa ni Papa.
I was fucking inside the hospital, dealing with an invisible virus that slowly killing me yet he chose to read my mother's last will and decide for my fortune. I hate him to death! Walang puwang sa puso ko ang pagpapatawad ngayon. Wala para kay Papa. Hinding-hindi magkakaroon.
"Let go of all the bad memories, anak. Be free and let God." Napatingin ako sa nanay ko matapos marinig ang sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na nagawang basahin ni Mama ang isip ko. Paano ko ba gagawin ang sinabi niya? "Kung babaunin mo iyan sa pagbalik mo, walang saysay ang hiniling ko na oras para makasama ka."
"Ano po ba'ng gagawin ko?" Hindi ko mapigilang itanong sa kanya.
"Learn to forgive, let go, and let God. Move forward with life. Do not be stagnant in the past, Kriselle. There's a bright future waiting for you, and if you free everything, you'll be happier."
Maging masaya, iyon ang lagi kong dasal sa Diyos. Hiniling ko at pilit ko iyon hinahanap kung kani-kanino pero bigo ako. Lagi na lang bigo sa paghanap ng tunay na magpapasaya sa akin. Kung saan-saan na ako dinala nitong biyahe ko at nakakaramdam na ako ng pagsuko. Punong-puno ng takot itong puso ko.
"Will I be happier by doing that?"
Tinawag ako ni Mama para lumapit sa kanya ngunit parang ang layo-layo niya pa rin sa akin. May pinakita siya sa akin at kahit nakatalikod ay kilala ko iyong lalaki na may hawak sa kamay ko.
Si Colby.
"You have to see it for yourself, anak." Ngumiti siya sa akin. Iyong ekspresyon na babauin ko sa panibagong biyahe na namang tatahakin. "Please tell your father that I already forgive him. Kailangan mo rin patawarin siya at pati na ang sarili mo, anak. Hanggang dito na lang ako."
"Don't go," pilit ko inabot ang kamay niya ngunit bigo ako.
"Hindi mo pa oras. Magkikita tayo ulit at gaya ng pagsalubong ko sayo nang magkita tayo, gano'n din kita sasalubungin, Kriselle. Marami ka pang misyon sa lupa. Cherish those people who care for you, those who love you and those who never let go of your hand even in the critical moment."
BINABASA MO ANG
Love Quarantined
RomanceKriselle Bonifacio is a confident, straightforward, and enthusiastic engineer who believes there are no possible reasons for falling in love. She firmly believes that feelings shall be known, not hidden to the receiving end. But her bravery is teste...